BUKOD sa P10 billion- Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), nagpalabas din ng karagdagang P100 bilyong pondo para tulungan ang mga magsasaka sa transisyon sa rice tariffication.
Ito ang pahayag ni Sen. Cynthia Villar isang taon makaraang ipatupad ang Republic Act 11203 o ang rice tariffication law.
“Last year, farmers started to receive the benefits of the law through seed distribution, credit and extension programs. Soon, farm machineries will be distributed to rice-producing towns under the law’s mechanization program,” ayon kay Villar.
Sinabi ni Villar na nabalam ang pamamahagi ng farm machineries noong nakaraang taon dahil sa pagbabago ng leadership sa Department of Agriculture nang palitan ni William Dar si Emmanuel Piñol bagamat natanggap na ang SARO-BMB-E-20-001084 na may halagang P5 milyon.
Bukod sa P10 billion RCEF, ipinatupad din ng Land Bank at DA Agricultural Credit Policy Council ang P4.8 billion Expanded Survival and Recovery Assistance Program o ang SURE AID na nagkakaloob ng one-time loan assistance na P15,000 na may 0% interest sa loob ng walong taon.
Tutulungan ng programang ito ang rice farmers na may bukid na may sukat na isang ektarya pababa at apektado ng pagbaba ng farm gate price ang palay.
Para rin sa benepisyo ng maliliit na magsasaka, ipinatupad din ang P3 billion unconditional cash assistance.
Pinondohan ang programa ng Department of Finance at binigyan ng P5,000 hanggang 600,000 ang bawat isang magsasaka na may ari ng bukid na isang ektarya pababa.
Upang matiyak na mabibili sa resonableng presyo ang palay ng local farmers, naglaan din ng P7 billion sa ilalim ng National Food Authority para pambili ng palay mula sa local farmers.
Gagamitin din ang P31 billion budget na pambili ng bigas sa local farmers at ipamamahagi sa beneficiary households sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Tumanggap din ng tulong ang mga magsasaka sa ilalim ng P7 billion National Rice Program kung saan may probisyon sa hybrid seeds, fertilizer para sa inbred seeds, irrigation support at rehabilitation at improvement ng small scale irrigation projects, agriculture, machineries, equipment at facilities support services, extension services at research and development.
Pinondohan din ang tulong sa mga magsasaka sa National Irrigation Administration sa halagang P36 billion; P1 billion allocation PhilMech/PhilRice at P9.9 billion Farm to Market Roads.
Ipinahayag ni Villar na ang improvement sa credit rating ng bansa ay sanhi ng pagpapatupad ng batas para makatipid ng P35 billion sa interest payment ng utang ng pamahalaan sa ibang bansa.
“Improving farmer’s competitiveness is not something that we can do overnight. These programs were rolled out to provide a ready market for local rice and deter unscrupulous traders from taking advantage of our farmers in the initial phase of its implementation,” sabi pa ni Villar.
Kapag lubusang naipatupad, sinabi ni Villar na dahil sa mechanization, bababa ang presyo ng labor ng palay production mula P4.60/kg hanggang P1.20/kg.
Mapapataas ng inbred seeds ang ani mula 4 MT/hectare – 6 MT/hectare kaya madodoble ang kita ng mga magsasaka.
Para sa 2019 – 2024, itinatakda sa RA 11203 ang alokasyon ng P5 billion sa pagbili ng rice farm equipment na ibibigay sa 947 rice producing towns sa Pilipinas. Bibigyan ang bawat bayan ng P5 million. Kabilang sa farm equipment ang tractors, tillers, planters, seeders, harvesters, threshers, drying at milling na ipatutupad ng PhilMech.
Nakalaan ang P3 billion sa pamamahagi at produksyon ng inbred seeds na 20 kgs/ hectare kada planting season na ipatutupad ng Philippine Rice Institute.
Pupunta ang P1 billion sa murang pautang na may 2% interest kada taon na ipatutupad ng Land Bank at Development of Bank of the Philippines.
Gagamitin ang P 1 billion para pondohan ang fund training programs na ipatutupad ng Agriculture Training Institute, Philmech, PhilRice at P100 million kada taon at Technical Skills Development Authority at P700 million kada taon sa pamamagitan ng farm schools.