CHERRY LIGHT
TINIYAK ng Department of Foreign Affairs na malaki ang naging papel ng Iraqi Embassy sa Manila sa repatriation ng mga Pilipino sa Iraq.
Ito’y dahil sa pagtulong ng embahada ng Iraq sa bansa ay napapabilis ang pagproseso sa pagpapauwi sa mga Pinoy na naiipit sa gulo sa gitnang silangan.
Matatandaan kamakailan ay napauwi sa bansa ang unang batch ng umuwing ofws na binubuo ng labing-isang adults at dalawang bata.
Unang hinarang ng Iraqi immigration officers ang siyam sa kanila dahil sa hinalang iligal ang kanilang visa.
Sa kabila nito ay patuloy pa rin ang pagproseso ng DFA sa pagpapauwi sa iba pang Pinoy sa Iraq at Iran.