CHERRY LIGHT
NABABAHALA ang karamihan sa mga Pilipino sa patuloy na pagdami ng bilang ng mga Chinese sa bansa na nasasangkot sa mga krimen nitong mga nakalipas na buwan.
Kabilang na dito ang tangkang pagdukot sa isang 18-anyos na Pinay ng anim na kalalakihang Chinese sa lungsod ng Makati nitong nakaraang linggo.
Ikinabahala din ng 70 percent ng mga Pinoy na may edad disiotso pataas ang pagdami ng mga Chinese na iligal na nagtatrabaho sa bansa.
Batay ito sa pag-aaral na ginawa ng Social Weather Stations (SWS) noong Setyembre a-27 hanggang a-30, 2019.
Dahil dito, iginiit ni Sen. Grace Poe na dapat maging mahigpit ang Department of Labor and Employment (DOLE) gayundin ang Bureau of Immigration (BI) sa pag-iisyu ng visa dahil maraming Chinese ang pumapasok sa bansa bilang turista ngunit magtatrabaho pala.