ADMAR VILANDO
MAGANDANG pagkilala sa mga bayani sa bansa ang pagbuhay ng Reserve Officers Training Corps (ROTC) sa Pilipinas.
Ito ang sinabi ng Department of National Defense sa pagdiriwang ng National Heroes Day sa bansa.
Matatandaang inihain ng DND sa Kamara ang panukalang ibalik ang mandatory ROTC para sa mga senior high school sa pampubliko at pribadong eskwelahan sa bansa.
Ang ROTC ay may layuning maipamulat sa mg kabataang Pilipino ang pagiging disiplinado, makabayan, at pagkakaroon ng kakayahang ipagtanggol ang kanilang pamilya at bayan.