DILG Secretary Eduardo Año
YNA MORTEL
INIHAYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na nais lamang niya ang mga pinakamahuhusay at may puso para sa paglilingkod ang mga kukuhaning bagong pulis ng Philippine National Police (PNP).
Sinabi ni Año na dapat tiyakin ng PNP na magpapatupad sila ng mahigpit na recruitment at hiring process upang masigurong hindi lamang mentally at physically fit ang mga mare-recruit na labing pitong libong bagong pulis.
Binalaan din ni Año ang mga matataas na opisyal sa paggamit ng ‘bata-bata system’ at tiniyak na paparusahan ang sinumang mapapatunayang lalabag dito.
Ayon sa kalihim, kung hindi naman qualified ang isang aplikante ay hindi siya dapat maging pulis.
Sang-ayon naman dito si Pol. Lt. Gen. Guillermo Eleazar, hepe ng PNP directorial staff.
Sinabi ni Eleazar na walang padri-padrino at walang palakasan sa pagpasok sa PNP.