• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Friday - April 16, 2021
tight weight loss pills k3 diet pills once a day diet pills where to buy fastin diet pills fen phen diet pills for sale keto friendly pasta sauce oxyelite pro diet pills review hummus keto friendly sensa diet pills reviews over the counter diet pills that suppress appetite rapid weight loss pills organic keto meal delivery 2000 calorie keto meal plan cvs pharmacy diet pills do lipozene diet pills work mediterranean diet macros tight diet pills orovo diet pills medical weight loss center in phoenix arizona mango diet pills

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikatlong Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

fx iii plus male enhancement pill.

do male enhancement pills cause premature ejaculation

natural male enhancement pistachios.

male enhancement pills private label maker california

neproxen male enhancement.

reviews for epic male enhancement.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

g6 male enhancement

free trial male enhancement

male enhancement creams

male nipple enhancement

black mamba male enhancement pill

triple x male enhancement

viagra substitute cvs

virectin gnc

revatio rxlist

prosolution plus pills cheap ebay

power testro gnc

semenax gnc

blue pill male enhancement

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

DepEd

Pagtatag ng Inter-Agency Task Force on Zero Hunger, ipinag-utos

January 29, 2020 by PINAS

HANNAH JANE SANCHO

 

IPINAG-UTOS na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatag ng Inter-Agency Task Force on Zero Hunger.

Ito ay matapos lagdaan ni Pang. Duterte ang Executive Order No. 101 para sa pagbuo ng Task Force on Zero Hunger na isinapubliko ng Malacañang kamakailan.

Tatayo bilang chairperson ng grupo ang cabinet secretary habang vice-chairperson ang mga kalihim ng Social Welfare at Agriculture Department.

Miyembro naman ang iba pang tanggapan ng pamahalaan kabilang ang DAR, DBM, DepEd, DENR, DOH, DOLE, DILG at iba pa.

Sa ilalim ng EO, target ng pamahalaan na mabigyang solusyon ang kahirapan sa bansa pagsapit sa taong 2030 at mapabilis ang pagtugon ng pamahalaan sa kakulangan ng pagkain.

Pambansa Slider Ticker DAR DBM DENR DepEd DOH DOLE Inter-Agency Task Force on Zero Hunger Pangulong Rodrigo Duterte

Hinggil sa Kalidad ng Edukasyon

January 8, 2020 by PINAS

 

Louie C. Montemar

SA ilang dekada ko ng pagtuturo, marami na akong narinig na klase ng pag-unawa sa tinatawag na quality education. Ito ang matunog na usapin sa sektor ngayon dahil lumahok sa 2018 cycle ng Program for International Student Assessment (PISA) ang ating Kagawaran ng Edukasyon (DepEd).

Ang PISA ay isang pandaigdigang pagtatasa sa kaalaman ng mga 15-taong gulang na mga mag-aaral na malapit nang magtapos mula sa batayang edukasyon. Ginaganap ito tuwing ikatlong taon.  Programa ito ng pang-Europeong institusyong Organization for Economic Cooperation and Development (OECD). Sinusuri dito ang kakayahan ng mga mag-aaral na magamit sa “pang-araw-araw na mga sitwasyon” ang mga kaalamang dapat sana ay natutunan nila mula sa pormal na paaralan.

Nakababahalang malaman na napakababa ng mga iskor na nakuha ng ating mga mag-aaral sa PISA.  Mula sa mga Filipinong mag-aaral ang pinakamababang iskor sa pagbasa, at pangalawang pinakamababa sa matematika at agham. Isang indikasyon ito na ang sistemang pang-edukasyon sa Pilipinas ay may malubhang problema sa mga unang taon ng programa nito.

Dahil dito, itinutulak ngayon ng DepEd ang kanyang programang Sulong EduKalidad. Tinagurian itong tunay na tugon sa mabilis na pagbabago sa larangan ng edukasyon, mayroon itong apat na aspeto: 1) K-to-12, pagsusuri, at pag-update ng kurikulum; 2) “Improvement” sa kapaligiran ng pag-aaral; 3) Teacher upskilling at reskilling; at, 4) “Engagement” sa mga stakeholder para sa suporta at pakikipagtulungan — K I T E, sa madaling salita.

Sa ganang akin, bilang guro sa kolehiyo, isa talaga itong malubhang suliranin. Mahirap para sa isang propesor na pilitin pang balikan ang mga dapat ay natutunan na ng bata sa high school o elementarya pa nga para lamang maituro ang dapat na tinatalakay sa kolehiyo.  Nakaengwentro na ako ng mga ganitong kaso—sa lahat ng uri ng tertiary institution, maging sa mga pinakamahuhusay pa ngang pamantasan ng bansa kung tutuusin.

Itatanong ninyo, paano nakapasok sa kolehiyo ang mga ganyang kabataan kung ganuon?  Iyan na nga ang isa pang mahalagang punto: Hindi lamang sa elementarya at hayskul makikita ang suliranin sa kalidad ng edukasyon.

Ang mungkahi ko hinggil dito? Kailangang maghigpit ang mga paaralan at kumuha lamang ng pinakamagagaling na mga guro. Tungo rito, partikular para sa mga local colleges o universities (LUCs), maaaring isaalang-alang ang pagtatatag ng mga Local College Boards (LCB). Kawangis ng mga local school board, ang mga LCB ay mekanismo ng mga lokal na pamahalaan. Ang mga ito ang magbibigay ng puwang para sa mga magulang, mag-aaral, miyembrong guro, at lipunang sibil upang makilahok sa paggawa ng desisyon hinggil sa mga LUC. Ang mga LCB ay maaaring maging inter-LGU o maitatag sa antas ng mga probinsya o rehiyon—dahil ang mga LUC ay hindi lamang tumutugon sa pangangailangan ng mga nasasakupan ng kani-kanilang mga LGU.

Sa pambansang antas, ang CHED, DepEd, at TESDA ay kailangang may mas matinding koordinasyon.  Kailangan nilang kumilos upang magbigay ng mas mabisang patnubay sa mga paaralan at pamantasan. Bakit nga ba kasi hiwa-hiwalay pa ang mga ahensiyang ito? Sa aking pananaw, baka mas epektibo (at matipid pa nga) kung isang pambansang ahensiya na lamang ang nangangasiwa sa ating sistemang pang-edukasyon.

Ticker CHED DepEd Organization for Economic Cooperation and Development (OECD) Program for International Student Assessment (PISA) TESDA

Pilipinas kulelat sa reading comprehension sa 79 bansa ayon kay Sen. Marcos

December 9, 2019 by PINAS

Senador Imee Marcos

 

TROY GOMEZ

NANAWAGAN si Senador Imee Marcos sa DepEd, DoH, at DSWD na umarangkada na sa kanilang mga programa sa edukasyon at nutrisyon, dahil kulelat na ang Pilipinas sa reading comprehension o pag-unawa sa pagbabasa, ayon sa isang international report.

Ang nasabing international report ay base sa isang pagsusulit ng Program for International Student Assessment sa mga 15-anyos na estudyante sa 79 na bansa.

Sinabi pa ni Marcos na mukhang hinuhulaan lamang ng DepEd kung ano ang mga pinaka-epektibong programa para sa mga mag-aaral dahil kulang na kulang ang ahensya sa datos tungkol sa pag-enrol hanggang sa pag-gradweyt ng mga estudyante.

Sinabi pa ni Marcos na ang kakulangan ng mga guro sa K-to-12 at pag-apaw ng mga estudyante sa mga silid-aralan ay dagdag problema na dapat pag-isipan ng DepEd upang mas maengganyo ang mga may balak maging guro.

Dagdag pa ni Marcos na 30 porsyento ng utak ng isang bata ay hindi nadedevelop kung kulang sa nutrisyon mula sa ipinagbubuntis pa lang ito hanggang ika-5 anyos, base na rin sa pag-aaral ng Food and Nutrition Research Institute.

Pambansa Slider Ticker DepEd DOH DSWD Senador Imee Marcos

IRR ng Safe Spaces Act o Bawal Bastos Law, nilagdaan na

November 6, 2019 by PINAS

KABILANG sa mga lumagda sa IRR ang nasa labing anim na ahensya ng gobyerno.

 

MJ MONDEJAR

NILAGDAAN na ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Safe Spaces Act o Bawal Bastos Law.

Kabilang sa mga lumagda sa IRR ang nasa labing anim na ahensya ng gobyerno at iba pang organisasyon kabilang na ang MMDA, DILG, PNP, CHR, DepEd, CHED, DOLE, LTO, DSWD at Philippine Commission on Women.

Ayon kay Senador Risa Hontiveros na siyang author ng batas at dumalo rin sa signing ceremony sa Ortigas, ang Republic Act 11313 ay isang game changer measure na susugpo sa gender-based harassment at karahasan sa mga pampublikong lugar.

Sinabi ni Hontiveros na dumaan sa masusing pinag-aralan ang IRR ng mga government agency, advocacy group at miyembro ng akademya.

Ipinangako naman ni MMDA Chairman Danilo Lim ang buong suporta at pagsisikap ng kanilang ahensya para sa epektibong pagpapatupad ng batas.

Sinabi ni Chairman Lim na maglalagay sila ng marami pang CCTV cameras sa Metro Manila para makatulong sa pagmonitor ng posibleng harassment sa public places.

Batay kay Sen. Hontiveros, isusulong ng nasabing batas ang positive policy, behavioral at cultural changes.

Matatandaang Abril nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bawal Bastos Law.

 

Pambansa Slider Ticker CHED CHR DepEd DILG DOLE DSWD LTO MJ Mondejar MMDA MMDA Chairman Danilo Lim Philippine Commission on Women PNP Senador Risa Hontiveros

Karapatang pang-akademiko at ang panukalang ‘No-homework’

September 9, 2019 by PINAS

 

Louie C. Montemar

 

BAKIT tila yata gustong pakialaman ng mga mambabatas kung paano kaming mga guro dapat na magturo?

Nang una kong mabasa ang tungkol sa mungkahing-batas na magbabawal sa mga guro na magtakda ng mga homework o gawaing aralin sa bahay, ang naisip ko agad ay sana pwede kong sabihan nang harapan sa mga nagpapanukala nito na gawin muna nila ang kanilang trabaho nang maayos bago nila kami pakialaman.

Bakit tila panghihimasukan pa nila kung paano dapat magtuturo ang mga guro? Sa mga kolehiyo at pamantasan nga, napakalinaw na may tinatawag na kalayaang pang-akademiko ang mga institusyon ng pagkatuto sa tersiyarong antas.  Malinaw itong nakasaad sa Seksiyon 5 (2), Artikulo XIV ng ating Konstitisyon–ang Academic Freedom o Kalayaang Pang-akademiko.

Malawak ang konseptong ito. Tungkol ito sa karapatan ng mga paaralan na itakda ang kanilang mga layunin upang magturo at lumikha ng kaalaman, at kung paano maisasakatuparan ang mga nasabing layunin. Absolute ang garantiya dito,  maliban na lamang kung may mga interes pampubliko na malinaw na masasagasaan.

 

Kalayaan ito, kung gayon, ng mga guro at mga mananaliksik—mga pantas sa pilosopiya, humanidades, at agham—upang makatipon ng kaalaman o makalikha ng bagong kaalaman at maipasa ito sa kanilang tinuturuan at sa susunod na henerasyon.

 

Sa batas, sakop nito ang pagharap sa mga sumusunod na tanong hinggil sa kalayaan ng mga institusyon ng pagkatuto sa antas ng kolehiyo’t mga pamantasan: Una, sino ang makapagtuturo; ikalawa, ano ang maituturo; ikatlo, paano dapat magturo; at, ikaapat, sino ang papayagang makaangat at makapapasok sa mga kolehiyo’t pamantasan.

Kung titimbangin ang panukalang “no-homework” para sa mga nasa kinder hanggang sa mataas na paaralan (Grade 12) ayon sa konsepto ng kalayaang pang-akademiko, tila malinaw na may mali.

 

Higit pa nga sa usapin ng karapatan ng mga institusyon upang makapagturo ayon sa mga pamantayan at paraang sa tingin nila ay nararapat, sino ba ang mas nakaaalam at makapagsasabi kung paano magtuturo sa mga mag-aaral? Hindi ba ang ating mga guro?

 

Dapat ding bigyang-pansin na may patakaran nang ganito ang Departamento ng Edukasyon noon pang 2010 sa ilalim ng pamumuno ni Br. Armin Luistro, dating Sekretaryo ng DepEd. Sa isang DepEd Memorandum Order (No, 392, Series of 2010).  Sa nasabing kautusan ng DepEd, pinagsasabihan ang mga guro na huwag ng magbigay ng mga assignments o takdang-aralin subalit kapag weekend lamang at hindi sa buong linggo—kapag Sabado at Linggo lamang. Hindi naman ito absolutong pagbabawal, kung gayon, sa pagkakaroon ng mga takdang aralin. Para sa DepEd, mainam daw ang ganito para sa mga weekend ay mas malayang nakasasalamuha ng bata ang kanyang pamilya.

 

Kung tutuusin, tunay na di na bago ang ideya na ito.  Sa ibang bansa—halimbawa na lamang sa Japan at Netherlands—matagal nang ganito rin ang palakad. Walang takdang-aralin para sa mga bata subalit iyong nasa mababang paaralan at kinder lamang. Ayon sa karanasan ng mga bansang ito, mas tamang ang mga bata ay magpokus sa iilang aralin sa tukoy na antas at hindi mahalaga ang dagdag gawain pa sa kanilang mga bahay matapos ang mga takdang oras ng pag-aaral sa loob ng paaralan.

 

Ang matindi sa panukalang batas, nais ipataw ang nasabing patakaran hanggang sa Grade 11 at 12—sa senior high school—at, sa orihinal na mungkahi, may parusang pagkakulong o pagbabayad ng multa sa mga susuway na guro.

 

Ang 2010 Memo ng DepEd, gaya ng patakaran sa mga ibang bansa, ay sumasakop lamang sa mga napakabatang mag-aaral, at wala itong kaparusahang itinatakda. Sapat na sana ang ganitong memo, ngunit ngayon, sa Konggreso, may nagtutulak na gawan ito ng batas.

Subalit sa tindi ng negatibong reaksiyon lalo na  mula sa mga guro nang mabalita ang panukala, umatras na ang mga nagmumungkahi ng batas mula sa pagpapataw ng parusang kulong at mabigat namulta.

 

Kung gayon na nga, ano pa ang silbi ng batas na ito kung walang parusa?  O mayroon pa nga bang ipapataw?  Hindi pa malinaw ang bagay na ito.

 

Para sa akin, dapat na iatras ang buong panukala. Iwan na lamang natin sa mga guro ang usapin ng pagbibigay ng takdang-aralin. Hindi man antas tersiyaryo ang mga hawak ng DepEd na institusyon at kung gayon hindi singlinaw ang aplikasyon sa kanila ng karapatang pang-akademiko sa ating batas, dapat naman ay may tinig na mas matimbang ang ating kaguruan hinggil sa kanilang gawain bilang mga taong may karapatan at mga propesiyonal na may natatanging galing.

 

Ticker DepEd Louie C. Montemar

Pangakong dagdag-sweldo kay teacher, tutuparin ni PRRD

June 24, 2019 by PINAS

Matapos doblehin ang sweldo ng mga pulis at sundalo, isinusulong naman ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dagdag-sweldo para sa mga public school teachers. (Larawan mula sa PCOO)

 

Ni: QUINCY JOEL CAHILIG

SA pagbubukas ng klase, nabuksan din muli ang mga isyu sa mga pampublikong paaralan sa bansa. Kabilang sa mga ito ang daing ng mga guro na itaas ang kanilang sweldo.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang maraming sakripisyo ng mga guro, lalo na yaong mga nasa pampublikong paaralan. Araw-araw ay binabata nila ang pagtuturo ng daan-daang mga estudyante, na karamihan ay mula sa mga mahihirap na pamilya.

Isang beteranong teacher si Rose (di tunay na pangalan) na ngayon ay nasa mataas na katungkulan sa isang pampublikong paaralan sa Metro Manila. Aniya, ‘di biro ang pasaning dinadala ng mga gurong gaya niya. At hindi ito kakayanin kung walang dedikasyon at pagmamahal sa propesyon.

“Alam mo bang nine years na akong Grade 1 teacher. Napakahirap pero naaawa ako sa mga batang di natuturuan ng kanilang mga magulang na magbasa,” aniya.

Bukod sa ganitong scenario, dagdag pasanin pa kay madam teacher ang pag-aabono sa teaching materials at iba pang bagay na kailangan sa klase kaya naman may mga nababaon sa utang. At nandyan pa ang ga-bundok at halos di matapos-tapos na paper works at lesson plans, na madalas ay tinatrabaho hanggang sa bahay.

Nitong mga nakalipas na buwan ay may mga napaulat na mga gurong nag-suicide at ang kabilang sa mga posible umanong dahilan ng kanilang pagpapatiwakal ay ang labis na stress sa trabaho.

Batid ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hirap ng mga guro kaya naman isa sa mga ipinangako niya ang umento sa sahod ng mga ito. Aniya, malapit sa puso niya ang mga teacher dahil ang yumao niyang inang si Soledad ay isa ring guro.

Nitong Enero, sa groundbreaking ceremony ng Gen. Gregorio del Pilar National High School sa Bulakan, Bulacan, sinabi ni Duterte na isusulong niya ang salary increase ng mga public school teachers ngayong 2019 matapos niyang ipatupad ang taas-sweldo ng mga kawani ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines noong nakaraang taon.

Paliwanag ni Duterte, inuna niyang pataasin ang sweldo ng mga sundalo’t pulis dahil umano sa budget restraints.

“Inuna ko ‘yung sundalo because alam ko kung ano ang mangyari. We were able — nasilip ko na ang future and it would cost lives at marami ditong mamamatay. Inunahan ko na sila. Long before nangyari ‘yan — hindi ko lang sinabi. Alam ko na ang intelligence the way we were picturing it, puputok ‘to. Pumutok nga. Kaya medyo ipit ako, Ma’am,” paliwanag ng Pangulo.

Sa bisa ng Joint Resolution 1, na nilagdaan ng Pangulo noong Enero 2018, itinaas ang base pay ng entry level uniformed personnel sa P29,668 mula PHP14,834.

Kung tatanungin naman si Senador Sonny Angara, dapat talagang itaas ang sweldo ng mga guro para maramdaman nila na sila ay binibigyang halaga ng pamahalaan.  Magkano dapat? Aniya, dapat doble.

“Our teachers may have one of the hardest jobs with the smallest monetary reward, thus giving them a reasonable raise would help them feel more appreciated and understand why they wanted the job in the first place,” wika ni Angara.

Kung masusunod ang gusto ng senador, aakyat ang basic pay ng mga teacher sa P41,508 mula sa kasalukuyang P20,754, makapagdudulot din ng malaking kaginhawahan.

Presidential Spokesman Salvador Panelo (Larawan mula sa PCOO)

 

POSIBLE KAYA ANG UMENTO?

Siniguro ng Malakanyang na sinisikap ng gobyerno na itaas ang sweldo ng mga guro. Subali’t aminado ito na mangangailangan ng napakalaking halaga para maisakatuparan ito.

“If you increase P10,000 for every teacher in this country, it will cost us P150 billion,” wika ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Dahil dito, hindi basta-basta maibibigay ang matagal nang kahilingan ng mga guro. Kaya nakikiusap si Panelo na bigyan pa ng panahon ang administrasyon.

“We appeal to our teachers that since this is a huge amount, medyo haba-habaan ninyo lang ang pasensiya, talagang maghahanap tayo ng pera para sa inyo,” aniya.

Inatasan na umano ni Pangulong Duterte ang kanyang economic managers na maghanap ng paraan para makakalap ng pondo para sa dagdag sweldo ng mga guro.

Para kay DepEd Secretary Leonor Briones, kailangan pa ng ibayong pag-aaral para sa mungkahing umento sa sahod ng mga guro. (Larawan mula sa PCOO)

 

Para naman kay Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones, kailangan ng ibayong pag-aaral sa naturang isyu.

“Are we, citizens, prepared to pay additional taxes to cover the P150 billion kasi magiging permanent part ng salary nila iyun?” aniya.

Dagdag pa ng kalihim, hindi pa kasama sa P150 bilyon ang mga bonuses.

 

Maraming mga guro sa mga pampublikong paaralan ang umaasa na ipapatupad na sa madaling panahon ang dagdag-sweldong ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte mula pa sa kanyang kampanya noong 2016 Elections. (Larawan mula sa PNA)

 

Ayon kay Briones, na isang public finance expert, nakatanggap na ng dagdag-sweldo ang mga teacher sa ilalim ng Salary Standardization Law, na sinimulang ipatupad noong administrasyon ni dating Pangulong Aquino. Bukod pa sa karagdagang monthly pay, nakakatanggap din, aniya, ang mga guro ng hazard pay at allowances.

“Maybe we have to consider na at the rate that we are going, hindi naman na pinaka-api ang teachers,” sabi ni Briones.

 

Bagama’t wala pang katiyakan ang dagdag-sweldo, isinusulong ngayon ng Department of Education ang karagdagang benepisyo para sa mga guro. (Larawan mula sa DepEd)

 

ADDITIONAL BENEFITS NA MUNA

Kung tila malabo pa sa ngayon ang dagdag-sweldo para kina teacher, isinusulong naman ng DepEd na madagdagan ang benepisyo para sa kanila.

Ayon kay Undersecretary Analyn Sevilla, pinag-aaralan at ihahain na ng ahensya ang additional benefits para sa mga guro gaya ng “special hardship” at “teaching overload” benefits. Ang mga allowance na ito ay ibibigay bilang honoraria para sa mga teachers na na-assign sa mahihirap na pwesto, multigrade classes, at mobile teaching functions; ang “overload” allowance naman ay para sa mga may mahigit anim na oras ng classroom teaching.

Wika pa ni Sevilla na pinag-aaralan na rin ng DepEd ang pagkakaroon ng pondo para sa yearly medical exams ng mga guro, gayon din ang panibagong sistema ng promotion na performance-based para aniya hindi maging stagnant ang job level position ng mga guro.

Sa kabila ng mga ito, ayon sa Malakanyang, makakaasa ang lahat na tutuparin ni Pangulong Duterte ang kanyang pangako na pabubutihin ang kalagayan ng mga guro sa bansa.

“The President has committed himself and he has not reneged on any commitment he has made during the presidential elections,” wika ni Panelo.

Pambansa Slider Ticker Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones DepEd Pangulong Duterte Presidential Spokesman Salvador Panelo Secretary Leonor Briones

  • Page 1
  • Page 2
  • Page 3
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.