Pinas News
TINIYAK ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na mapapasimulan na ng pamahalaan ngayong taon ang PUV Modernization Program.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, puspusan na ang kanilang paghahanda para dito.
Sinabi ni Delgra na mayroong P1-B isang bilyong piso na inilaan ang Land Bank of the Philippines para sa modernisasyon ng mga pampublikong sasakyan.
Bukod dito, nakahanda rin daw na magpautang ang Development Bank of the Philippines ng P1.2B isa punto dalawang bilyong piso para sa nasabing programa.
Nilinaw naman ni LTFRB Board Member Aileen Lizada na hindi kasama sa PUV Modernization Program ang pag-phaseout sa mga jeepney.
paliwanag ni Lizada, wala daw kasing memorandum circular na nag-tatakda para i-phase out ang mga pampasaherong jeepney.