CRESILYN CATARONG
NAGBIGAY ng tulong ang Pilipinas sa China para sa mga residente ng Hubei province sa China, na sentro ng 2019 novel coronavirus (nCoV).
Nasa limampu’t dalawang boxes ng relief goods na naglalaman ng mga pagkain, gamot at iba pa ang itinurnover ng Department of Foreign Affairs (DFA) kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Ayon kay DFA Undersecretary Brigido Dulay, pagtanaw ito ng gobyerno sa relasyon at pagkakaibigan ng dalawang bansa sa gitna ng agawan sa teritoryo ng West Philippine Sea.
Nagpasalamat naman si Xilian sa natanggap na mga relief goods mula sa Pilipinas.