MELODY NUÑEZ
Nadagdagan pa ang bilang ng mga Local Government Units (LGUs) na bumagsak sa Nationwide Road Clearing na ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Sinabi ni DILG Spokesperson Jonathan Malaya na umabot na sa 101 ang mga nabigong LGU.
Ito ay mula sa unang napaulat na 97 mga LGU.
Nag-isyu na rin si DILG Usec. Martin Diño ng show cause order sa 99 barangay sa Maynila para pagpaliwanagin ang mga ito kung bakit hindi napapanatili ang road clearing operations.