Ni: Jonnalyn Cortez
TINALAKAY ni Doctor Doni-elle “Doni” Wilson kung paano nakakaapekto ang stress sa ating kalusugan sa pangala-wang beses na pagbisita nito sa Pilipinas. Ito ay naganap sa EDSA Shangri La Hotel bago maganap ang Healthy Options Talks 2018. “Sometimes, you may feel like there’s nothing you can do about stress. The problems won’t stop coming, days seem to get longer, and your work and family responsibilities can be demanding,” panimula nito.
Ibinahagi nito na hawak mo ang susi upang masolusyunan ang stress at magkaroon ng mas higit na kontrol dito.
Sinabi ni Doctor Wilson na espesyal na dinisenyo ang ating katawan upang makayanang pangasiwaan ang araw-araw na stress sa ating buhay. Ngunit, maaaring mawalan ng balanse ang likas na kakayanan ng ating katawan na tumugon sa stress na lubha namang makakaapekto sa ating kalusugan, emosyon at kaisipan.
Nagbigay din ito ng mga paraan upang mapawi ang presyon na dulot ng stress at muli mong mapangasiwaan ng tama ang iyong buhay.
Una, analisahin ang iyong stress at tukuyin kung paanong naapektuhan nito ang iyong katawan. Pangalawa, pag-aralan ang iyong “synergy” at kung ito ay nagi-ging mapanira o nakabubuti na pinatitindi o pinagagaan ang epekto ng stress. at, Pangatlo, ayusin ang iyong kalusugan at iba-ibahin ang iyong pangagasiwa sa mga uri ng stress na iyong hinaharap.