NOVAK Djokovic
YNA MORTEL
WAGI sa Australian open si Novak Djokovic matapos talunin si Dominic Thiem.
Ito ay matapos makuha ni Djokovic ang score na 6-4, 4-6, 2-6, 6-3 at 6-4 para makamit ang ika-walong Australian open title.
Dahil sa panalo, umabot na sa 17th major overall title ang nasungkit ni Djokovic sa naturang torneo.
Simula nang sumabak ito sa naturang event ay hindi pa natatalo ang Serbian tennis star.