HANNAH JANE SANCHO
KINUMPIRMA ni Senator Christopher Bong Go na pinakiusapan niya ang Department of Transportation na palawigin na gawing libre ang ferry service sa Pasig River hanggang katapusan ng Enero 2020 o hanggang sa kaya ng budget ng Metropolitan Manila Development Authority.
Sinabi ni Go na umaasa siya na kung mahanapan ng pondo para maging libre o kung hindi man ay maging minimal lang ang pasahe dito.
Ipinaliwanag ni Go na malaking tulong ito para sa mga mananakay na makaiwas sa sobrang sikip ng trapiko sa Metro Manila.
Ayon kay Go, makikita naman na dere-deretso ang mga ferry kaya naman aniya ay labis niyang ipagpapasalamat sa lungsod ng Maynila, Pasig at private sectors na tutulong kung magdadagdag pa ngĀ mga ferry units.
Kaugnay nito ay hiniling na rin niya kay DOTr Secretary Art Tugade na madagdagan pa ang mga ferry sa Pasig River Ferry System.