MARGOT GONZALES
IBIBIGAY ng mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) ang kanilang 14th month pay sa mga biktima ng lindol.
Kabilang sina Sec. Arthur Tugade, lahat ng undersecretary, assistant secretaries at heads of attached agencies sa mga magbibigay ng kanilang bonus.
Ayon kay Tugade, nakalikom na sila ng P1.2M sa nasabing donasyon at inaasahang lalo pa itong lalaki dahil sa mga magdodonate pang empleyado ng DOTr.
Unang inanunsyo ang gagawin nilang pagdodonate sa isang flag ceremony sa DOTr head office sa Clark Field Pampanga.