SA pagsuporta sa mga Indigenous Peoples (IP) itinatag ang Farming Family Food Security Model Project ng Department of Agriculture (DA), at ng Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA).
Ni: Noli C. Liwanag
IPINAGDIRIWANG tuwing buwan ng Oktubre ang National Indigenous Peoples Month, sa bisa ng Presidential Proclamation No. 1906 na nilagdaan noong 2009 ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Base sa datos ng Philippine Association for Inter-Cultural Development, Inc., noong 2005, tinatayang 14 porsyento ng populasyon ay maituturing na kabilang sa sektor ng Indigenous Peoples (IP).
Base sa tala ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), sa buong bansa ang bawat region ay may tala ng IP tulad sa Cordillera Autonomous Region (CAR), na may 1,252,962; Region I, (1,039,447); Region II, (1,014,955); Region III, (230,270); Region IV, (714,527); Region V, (185,488); Region VI & VII, (175,109); Region IX, (993,232); Region X, (1,509,436); Region XI, (1,882,622); Region XII, (1,447,972); at Region XIII, (874,456) na may kabuuang populasyon na 11,320,476.
IPRA DAY AT GONG FESTIVAL
TULAD ng iba’t ibang mga tribo, sa rehiyon ng Cordillera, ay nagkakabuklud-buklod at nagpapahalaga sa kanilang kultura at tradisyon sa pamamagitan ng Indigenous Peoples Reform Act (IPRA) Day at Gong Festival.
Ang mga nakatatanda, mag-aaral, local government (LGU) officials at tribal organizations mula sa lalawigan ng Abra, Benguet, Mt. Province, Ifugao, Kalinga, Apayao at Baguio City, sa pangangasiwa ng National Communites for Indigenous Peoples (NCIP), ay nagpakita ng pagkakaisa sa pamamagitan ng tribal dancing parade at mga programa.
“Umpisa pa lamang ito at malaki ang aming pag-asa na magtuluy-tuloy para maimulat sa mga kabataan sa kahalagahan ng kultura na minana pa namin sa aming mga ninuno,” pahayag ni Philippine Communications Office (PCO) Assistant Secretary Marie Rafael Banaag, dating mayor ng Natonin, Mt. Province.
Sabi ni Banaag, todo suporta si Pangulong Rodrigo Duterte sa kahalagahan at karapatan ng indigenous people sa bansa, kaya ipinagdiriwang ang IPRA Day kasabay ng selebrasyon ng Gong Festival, sa layuning mapagkaisa at mapalakas ang samahan ng mga ka-Igorotan sa Cordillera.
Ang okasyon ay makasaysayan para sa mga indigenous people, hindi lamang sa Cordillera, kundi sa lahat ng mga katutubo sa bansa sa mga susunod pang taon na kaakibat din sa turismo na kilalanin ang kahalagahan at karapatan ng bawat tribo.
World’s Indigenous Peoples Day.
ROAD RIGHT-OF-WAY
NILAGDAAN nina DPWH Secretary Mark Villar at NCIP Chairperson Atty. Leonor T. Oralde-Quintay ang Memorandum of Agreement (MOA), na naglalayong mapabilis ang implementasyon ng mga proyektong pang-imprastraktura sa bansa.
Dahil dito, bubuo ang DPWH at NCIP ng panuntunan para sa Road Right-Of-Way (RROW) claims, partikular sa mga lupaing sakop ng ancestral domains.
Sa ilalim ng kasunduan, kailangang bumuo ng DPWH-NCIP technical working group (TWG) na magbibigay sa Komisyon ng proseso ng implementasyon ng proyekto ng gobyerno tulad ng mga kalsada, tulay at iba pang imprastraktura, gayundin ang pagproseso sa mga kailangang dokumento sa pagkuha ng road right-of-way.
Bubuo ng mga panuntunan at pamamaraan ang TWG, para mapadali ang pagproseso ng mga dokumentong kailangan sa pakuha ng kompensasyon sa mga apektadong pag-aari ng mga IPs/ICC sa proyekto ng DPWH.
Indigenous people, Salinlahi: Alliance for children’s concerns, kaisa ang Children’s Rehabilitation Center.
AYUDA SA MGA INDIGENOUS PEOPLE
AABOT sa P100 milyon ang ibibigay na ayuda para sa livelihood programs at agricultural development sa komunidad ng mga katutubo sa Mindanao.
Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang kanyang hakbang matapos siyang magsalita sa harap ng mga lider ng katutubo sa idinaos na Indigenous Peoples’ Leader’s Summit sa Davao City kamakailan.
Nangako rin si Duterte na aapurahin ang pagpasok ng mga investor at tulong ng pamahalaan sa mga tribal area, upang mabigyan sila ng mga programang pangkabuhayan.
Tinalakay din ng pangulo ang kahalagahan ng edukasyon upang maiangat sa kahirapan ang mga Lumad community.
PROGRAMANG PANGKABUHAYAN
MAY mahihiraman na ang mga katutubo upang magamit sa pagtatayo ng negosyong pangkabuhayan.
Sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA), ang programang Kabuhayan At Kaunlaran ng
Kababayang Katutubo (4K), na inilunsad ng kagawaran kamakailan, maaaring pagkalooban ang mga benepisyaryong katutubo ng hanggang P300,000 sa kada limang ektaryang lupain na ancestral domain.
Hahatiin ang loan sa P5,000 kada buwan at hindi papatawan ng interes.
Sasanayin din ang mga katutubo na magtanim ng iba’t ibang mapagkakakitaang puno at mag-alaga ng mga hayop gaya ng baboy, kambing at manok.
Tinatayang nasa P1 milyon kada ektarya ang inaasahang kikitain ng mga benepisyaryo ng programa, kung saan aabot sa 20,000 pamilya ang makikinabang sa programa.