JHOMEL SANTOS
IDINEKLARA ng drug-cleared ng lokal na pamahalaan ng South Cotabato ang munisipalidad ng Surallah.
Ito na ang ikalawang lokalidad na napabilang sa listahan ng mga drug-cleared municipalities.
Ani Naravy Duquiatan, Director of the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 12 na pumasa ang labing pitong Barangay sa Surallah sa isinigawang assessment ng Regional Oversight Committee on the Barangay Drug Clearing Program.
Dagdag pa ni Duquiatan, nakapasa ang Surallah sa mga requirements na hinihingi sa ilalim ng dangerous Drugs Board Regulation 3 series of 2017.
Matatandaang unang naideklarang drug-cleared ang munisipalidad ng Tantangan noong Nobyembre 8.