EYESHA ENDAR
PINAG-IINGAT ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko sa online shopping dahil sa tumataas na reklamo na kanilang natatanggap laban sa mga abusadong seller sa iba’t ibang plataporma.
Kasunod ito ng nakaraang mga sale na ginawa ng mga online shopping platforms nitong nakaraang Disyembre a-12 na tinangkilik ng napakaraming Pilipino na nais makabili sa murang halaga para sa kanilang mga pamasko at panregalo.
Ayon sa DTI, mahigit 1,200 na ang kanilang natatanggap na reklamo laban sa mga online shopping sites at apatnapu’t anim dito ay may kaugnayan sa sale.
Kabilang umano sa mga inirereklamo ay ang walang kalidad na produktong ipinapadala, mga sira o kulang-kulang, mali ang uri ng produkto, at ang iba ay overpricing sa delivery fee.
Payo naman ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, suriing mabuti ang reputasyon ng online shopping platform na dapat ay may consumer egress mechanism para makapagreklamo.