JAMES LUIS
MAGTATAGISAN ang nasa 14 na team sa kauna-unahang PBA 3×3 League. Bukod kasi sa 12 regular na koponan ay lalahok na rin sa torneyo ang Team Mighty Bond at Dunkin Donuts.
Hahatiin naman ang mga participating team sa dalawang grupo at maglalaro sa 42 elimination round games at 14 na playoffs.
Magkakaroon naman ng best-of-three pagdating ng semis at finals. Samantala, base naman sa pamunuan ng PBA ay hindi sila magpatutupad ng age restrictions at papayagan nilang makapasok sa tournament ang dalawang foreigner player.
Pagdating naman sa ruling ay susundin nito ang FIBA rules at hindi na magsasagawa pa ng draft at direktang kukuha ng players sa PBA. Wala pa namang opisyal na petsa sa pagsisimula ng naturang kompetisyon.