Pinas News
SA loob ng halos isang taon natapos na rin ang pangangalap ng Sonshine Radio sa itatanghal na Radyoke Shining Star Champion sa taong 2017 na ginanap nakaraang Oktubre 12 sa Fisher’s Mall sa Quezon City.
Ito’y tinaguriang ‘Nationwide Battle of the Champions’ dahil haharap sa huling yugto ng patimpalak ang mga regional champions mula sa iba’t ibang panig ng bansa upang makipagtagisan ng kanilang mga talento sa pagkanta sa pag-asang makamit ang minimithing titulong Radyoke Shining Star Champion.
Kabilang sa mga contender sa huling yugto ng paligsahan sa katergoryang kids at open ay sina Sean Mio Pongos at Krezia Toñacao ng DZAR Manila; Kim Kristin Julia Zara at Alyssa Mae Bridget Erasquin ng DZRD Dagupan; Christian Joe Belmonte at Mary Jane Novelo ng DWAY Cabanatuan; Jhebie Faye Fulgencio at Leslie Joyce Viray ng DWSI Santiago; Cybel de Luna at Reine Christine Rarang ng DZYT Tuguegarao; John Paul Gumandoy at Shenahia Postrero ng DYAR Cebu; Queenie Torremocha at Yvonne Piyao ng DXRD Davao.
Kabilang sa mga batikan at kilalang mga hurado ay sina Christopher Francis, CEO at managing director ng Artist League Manila; Elmer B. Blancaflor, Musical director ng mga kilalang mang-aawit kagaya nina Jessa Saragosa, Dingdong Avanzado atbp.; Vhenee Saturno ng Music Corp.; Tony Cuevas, isang batikang broadcaster at anchor ng DZAR Sonshine Radio; at ang chairman of the board of judges na si Marlon Rosete, International Music Coordinator ng Keeper’s Club International.
Naghandog ang mga finalist mula sa open at kids category ng isang introduction number kungsaan nagpakita na ang mga ito ng galing sa kanilang pagkanta kasabay ng pagsayaw bago nagpakilala ang bawat isa sa kanilang pinanggalingang lugar at anong sangay ng Sonshine Radio station nagrepresenta ang mga ito.
Sa unang bahagi ng labanan ay magtagisan ang mga finalist sa pagkanta ng Tagalog songs kungsaan tatlo sa bawat kategorya ang mapipili upang sasabak sa huling bahagi ng labanan. Ang mga napiling nanalo ay magpapakita naman ng galing sa pagkanta ng English songs. Mula sa tatlong mga nanatili sa kids at open category ay pipili ang mga hurado kung sino sa kanila ang karapat-dapat na tanghaling kampyeon ngayong taon 2017.
Sa matindi at masusing paglalahad ng kanilang opinyon, napagdesisyunan ng mga hurado ang pagkapanalo bilang Sonshine Radio Radyoke Shining Star 2017 ni Alyssa Mae Bridget Erasquin ng open category at Kim Kristin Julia Zara ng kids category na kapwa ay pride ng Dagupan!
Natanggap ni Alyssa Mae ang gantimpala ng open category kabilang ang trophy, P50,000 cash, full scholarship hatid ng Artist League, Oasis P30,000 halaga ng gift certificate, mga produkto mula sa Zenzest, Yan Yan, The Brick Yard, Bio Essence gift certificate, Rainbow Dream Spa, at K Ross perfume. Habang natanggap naman ni Kim Kristin ang trophy, P30, 000 cash mula sa Kionchan and Tomochan, full scholarship hatid ng Artist League, Oasis P30, 000 halaga ng gift certificate, P36,000 halaga ng VIP card hatid ng T and J Salon, mga produkto mula sa Zenzest, Yan Yan, The Brick Yard, Bio Essence gift certificate, Rainbow Spa, at K Ross perfume.
At sa mga hindi pinalad, nakatanggap din ang mga ito ng trophy sa kanilang pagkapanalo sa regional level, consolation prize, mga gift packs at gift checks mula sa mga sponsors.
Malaki ang pasasalamat ng Sonshine Radio sa lahat ng sumuporta upang maging matagumpay ang naturang patimpalak unang-una sa CEO ng Sonshine Media Network International na si Pastor Apollo C. Quiboloy at sa mga major sponsors kabilang ang Philhealth, Pagcor, Yan Yan Food Inc., JB Bagoong, Galilee Purified Drinking Water; sa event patron kabilang ang Kionchan & Tomochan, Oasis Dental Clinic, Zenzest, Virginia Food Inc., St. Claire Caloocan, The Brickyard, Salad Bar, T&J Salon, Rainbow Dream, Bioessence, K Ross, Razor Fish, Nails.Glow, SND Grill, sa mga special partners kabilang ang Shopalooza Bazaar Riverbanks Marikina, Mplify, Artist League, Local Water Utilities Administrator (LWUA) Residence, Keeper Club International, Global Tronics, Die Royal Travel, Robinsons Forum, at media partners kabilang ang Pinas The Filipino Global Newspaper, SMNI News Channel (SNC), at SMNI TV.