• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Wednesday - March 03, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

Edmund C. Gallanosa

Pilipino: Happy-go-lucky, o happy lang talaga?

January 29, 2019 by Pinas News

Ni: Edmund C. Gallanosa

LIKAS na sa mga Pilipino ang pagiging masayahin.  Ito rin marahil ang dahilan kung bakit ang mga Pinoy, matitibay sa harap ng mga suliranin sa buhay.  Tila sa halos lahat ng pangyayari sa buhay, nakukuha pa nilang ngumiti at tumawa. Kapag may mga kainan hindi nawawala ang tawanan.  Sa binyag, party o pista, asahan ang walang humpay na tawanan na tila wala nang bukas.  Pero kahit sa mga panahon na may paghihinagpi, tulad nang nasunugan, bumaha, o simpleng suliranin na walang makain sa maghapon, nakukuha pang tumawa ng mga Pinoy.

Sobra ngang masayahin ang mga Pinoy na nakikilala na tayo sa buong mundo sa ganitong pag-uugali.  Napapabalita nga sa ibang panig ng daigdig na ang pagiging ‘smiling face’ at palabati ng mga Pinoy ay nakakahawa, at inaasahang makikita sa ating mga kababayan saan ka man mapunta sa iba’t ibang pulo sa Pilipinas.  Sa dami nga ng bansa sa mundo, hinirang tayong ikatlo bilang “happiest people in the world.” Hindi ba napaka-sarap pakinggan na bigyan ng ganitong pagkakakilala?

Ang salitang “happiness” ay permanente sa bawat galaw ng mga Pinoy na ultimo hanggang sa ipinapangalan sa mga anak, ay may kaugnayan pa rin sa happiness. Common na ang mga pangalan ng mga bata na Joy, Happy, Jolly, Bliss, Merry Joy — Merry na, Joy pa.  Hindi rin nagpapahuli sa palayaw bilang Masaya, Maligaya, Galak, at lalong sikat ang ngalang Ligaya.  Dahil sa ganitong nakaugalian, nakilala na ang mga Pinoy sa World Happiness Repor, isang pag-uulat na hawak ng United Nations Sustainable Development Solutions Network na sumusukat sa pagiging masiyahin ng isang lahi at kung gaano ito nakaka-apekto sa kanilang progreso.

Hindi biro ang markang nakuha ng Pinoy bilang “happy people in the world.” Naunahan pa natin sa antas ng happiest people ang mga bansa tulad ng Estados Unidos, Japan, Canada, Norway, Denmark and Iceland.  Nakakapagtaka kung ituturing ang ating marka sapagkat tayo ay itinuturing na developing country o third-world nation, mabagal ang progreso, marami pa rin ang naghihirap subalit masasaya pa rin ang mga tao.  Pambihirang maituturing ang ganitong pag-uugali kumpara sa ibang mga bansang mayayaman na tinalo natin.

Masakit man na karanasan, tawanan na lang

Isang magandang halimbawa nito si Abner Abbasi, 17-years old at nagtitinda sa isang sapatusan sa Agora Market.  Nakausap namin siya at nagulat kami na siya ay mula sa Marawi City.  Ang kanilang tahanan, ay nakatirik mismo sa gitna ng pinaglabanan ng mga sundalo at mga terorista.  Napansin ko si Abner na pala-tawa at pala-biro, kung kaya naman naengganyo kami sa kanila bumili ng sapatos.  Hindi ko sinasadya na malaman na siya ay taga-Marawi kung hindi ko naitanong kung anong salita yung kantang pinapatugtog niya.  Sabi ni Abner, yoon daw ay salitang Maranaw.  Tinanong ko pa siya kung malapit sila sa Surigao del Norte at sinabi niya, malayo sila roon at sila ay taga-Marawi City.  Saka ko siya kinamusta kung ano ang nangyari sa kanila roon noong nagdaang giyera.

“Wala na, nasira na ang bahay namin, walang natira,” sagot ni Abner.  Subalit sinagot niya ito na patawa-tawa pa.  Ikinuwento niya na napilitan silang lumuwas at mamasukan dito sapagkat wala nang kabuhayang natira doon at wala na silang pampuhunan.  Alam ko na tumatawa man siya, masakit iyon sa kaniyang damdamin at marahil kung hindi siya kasalukuyang nagtitinda ng sapatos sa oras na nagkausap kami ay mapapa-iyak siya sa sinapit nila.  Bata pa at emosyonal si Abner sa pakiwari ko, bakas sa kaniyang kilos at sa mukha ang alaala ng kanilang lugar bagama’t nakuha pa niyang tumawa.

Sina Michael Macapagal naman, isang negosyante ng mamahaling muwebles ay nasunugan ng tindahan.  Dahil sa maling pagsisiga ng tuyong dahon, natupok ang kanilang furniture shop at naubos ang kanilang mga produkto, at kamuntik pang madamay ang kanilang kapitbahay.  Lugi na sa negosyo, nawalan na ng kita subalit nakuha pa ring magkwento nang nakangiti at humahalakhak pa.  “Andiyan na ‘yan eh, nangyari na ang hindi ginusto.  Wala tayong magagawa kundi back from the start lang ulit.  Ang mabuti niyan walang nasaktan o namatay sa sunog,” pahayag ni Michael.

Daanin na lamang sa tawa at ngiti, pero babangong muli

Sabi nga ng isang National Geographic photographer na si Karen Kasmauski, ang pagiging palangiti ay isang magandang personal trait na nakakabit na sa mga Pilipino.  “They are more expressive and emotional than other Asians.  Yet they still have a polite Eastern restraint and civility about them and a strong aesthetic sense, an appreciation of beauty.  They appreciate beauty of things so much it makes them smile all the time.”

Nasa  ugali na ng Pinoy ang tawanan ang problema, ngumiti kahit may suliranin, at babangong muli gaano man kabigat ang pagsubok.

“Filipinos when they have a problem they don’t just feel like withering away.  They’re not like us. They simply just trudge on, you know.   When my Filipino friends got problems they just move forward, smile here and there, like they don’t have something bothering them.  They could simply smile at everyone, amazing!  You know that bahala na attitude? I’ve heard so much about it and I think it worked well for them.  Some say it’s a bad trait.  I don’t think so.  Because I see my friends with that bahala na thing and they’re so optimistic.  Because they see something positive out of their misery.  That if they cannot solve their problems today, hey, they have tomorrow. It’s not the end of the world.  And I admire them for that,” sabi ng American citizen na si Bobbie Keeling, dati kong manager sa isang call center company sa Ortigas.

Ituloy ang magandang pag-uugaling ito.  Dahil dito, napapamahal ang mga Pilipino sa ibang nasyonalidad.  Gusto nila ang Pinoy dahil magaling magdala ng problema, at magaang katrabaho.  Sa maraming pagkakataon nasusubukan ang pagiging matibay ng mga Pilipino na dinadaan lamang sa ngiti at tawa ang mga suliranin sa buhay.  Subalit hindi dito nagtatapos, magaling sa pagbangon ang mga Pinoy pagdating sa problema.   Kapag hindi kaya resolbahin ngayon, always, may bukas pa.  Tawa lang today, laban ulit bukas.

Environment Slider Ticker Edmund C. Gallanosa Pilipino: Happy-go-lucky o happy lang talaga? PINAS

Alangan na artista, patok sa takilya!

January 3, 2019 by Pinas News

Ni Edmund C. Gallanosa

SAMU’T saring naglalakihang pelikula ang tinatangkilik ng mga manonood mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Magkakaiba man ang tema ng pelikula, basta pumatok sa panlasa ng mga manonood, kita ito sa takilya. Isa sa pangunahing tinatangkilik ng mga suki sa pelikula ang pagganap ng paborito o ginigiliw nilang mga artista. ‘Pag nasa pelikula ang paborito, sigurado dinudumog ng mga deboto.

Subalit alam ba ninyo na malaki ang impluwensiya ng isang pelikula sa paborito ninyong artista? Ang bawat pelikulang ginagawa ng mga artista ay maaaring makaganda o makasira ng kanilang career.  Sa panahon ngayon, maging mga artista ay nag-iingat sa pagpili ng kanilang pelikulang gagawin.

Ngunit alam ba ninyo na may ilang piling artista na nalugmok sa alinlangan na ang kanilang pelikulang nagawa ay tatapos na sa kanilang career.  Bagkus, hindi nila akalain simula pala ito ng pag-angat hindi lamang ng kanilang kita, pati na rin ng kanilang kasikatan.  Minsan ang istorya sa likod ng isang pelikula ay mas makulay kumpara sa pumatok sa takilya.

Alamin natin ang ilan sa mga paborito nating artista, bigtime man sila, nag-aalangan din. 

Sa buong akala ng aktor na si Arnold Schwarzenegger, na hindi papatok sa takilya ang ‘Terminator’ at halos itago pa niya ito sa mga kaibigan habang ginagawa niya ito. 

 

Si Arnold Schwarzenegger sa pelikulang Terminator.  Sino ba naman ang makakalimot sa Hollywood Blockbuster na Terminator?  Na bagama’t pinasikat si Arnold ng pelikulang Conan the Barbarian at ng kaniyang sangkatutak na Mr. Universe title, ang Terminator ang nagdala ng katanyagan sa kaniya sa buong mundo.

Subalit alam ba ninyong binalaan si Schwarzenegger sa pagtanggap ng pelikulang ito?  Ayon sa kaniyang agent, ang pagtanggap ng isang role bilang kontrabida ay maaaring magpalubog ng kaniyang career.  Magkaganunpaman, tinuloy pa rin ni Arnold ang role kahit nag-aalangan siya rito.

Bagama’t tanggap ni Arnold ang role, hindi siya proud sa pagiging Terminator at sa katunayan ay hindi niya nakuhang ipromote ang nasabing pelikula.  At nang maipalabas ito, tumabo ito sa takilya at isa na ito sa pinaka-iconic na pelikula sa kasaysayan ng Hollywood kung saan ang kontrabida ang tinuturing na bida sa pelikula.  Umani ito ng limpak-limpak na papuri para kay Arnold bilang isa sa pangunahing action stars ng Hollywood sa hanay nila Sylvester Stallone at Bruce Willis.

Si CHRIS PRATT bilang si Peter Quill o ‘Star Lord’ sa pelikulang Guardians of the Galaxy

Chris Pratt ng Guardians of the Galaxy.  Sino ba naman mag-aakalang maski ang superstar ng pelikulang Guardians of the Galaxy ay mag-aalangan din sa kanilang pelikula.  Ayon kay Chris, duda na siya noong una pa lamang kung kakayaning tapatan ng Guardians ang kasikatan ng ilang Marvel movies tulad ng The Ant Man, Spider Man, Thor, Iron Man, higit sa lahat—ang Avengers.  Sino naman daw sa mga fans ang magtitiyagang panoorin ang isang bida na nakikipag-usap sa isang ‘raccoon’ o sa isang puno—pabirong pahayag ni Pratt sa isang interview.  Na bagama’t tinanggap niya ang alok na pagiging StarLord, hindi naalis sa kaniyang isipan ang kabahan sa nasabing proyekto.  Tiyak siya, aniya, na hindi papansinin sa takilya ang pelikulang Guardians of the Galaxy.

Kabado man, nagkamali siya sa kaniyang akala.  Hindi lamang napantayan nito ang ilang Marvel movies sa takilya, naungusan pa niya ang ilan pagdating sa fan base.

Si Keira Knightley para sa Pirates of the Caribbean.  Ang pelikulang ito ay hinusgahan na nang maaga pa lamang habang ito ay ginagawa.  Ang producer nitong si Michael Eisner ay halos pahintuin na ang pagsasa-pelikula nito dahil sa laki ng production costs, at isa sa mga batikang artista nito na si Keira Knightley ay nangumpisal sa isang interview na  halos ilihim niya at itanggi sa mga kaibigan ang paggawa ng nasabing pelikula.  Sapagkat para sa kaniya, sampu ng iba pa niyang kasama sa pelikula, kutob nilang hindi kikita ito sa mga sinehan.  At sinong mag-aakala na hahakot pala ito ng milyun-milyon sa takilya, hindi lamang sa Estados Unidos kundi pati na rin sa ibang parte ng mundo at matatatak sa madla si Knightley bilang isa sa magaling na leading ladies ng Hollywood.

Nag-alangan na sa career niya ang batikang aktor na si Liam Neeson kung kaya nang magkaroon ng pagkakataong gumanap bilang aksyon star, ito ay pinatulan na niya sa pelikulang ‘Taken’ na pumatok naman sa pelikula.

Liam Neeson ng Taken.  “An action-suspense movie with an unexpected plot and twist,” isa itong classic action movie na tumutumbok sa father and daughter relationship.  Ayon sa panayam kay Liam, ang buod ng istorya na may temang ‘a man punches half of Europe to find his daughter’ aniya ay “too common for Hollywood” at inakala niyang lalangawin sa takilya.  Magkaganunpaman, tinanggap lamang niya ang role dahil alam niyang hindi na siya magkakaroon ng pagkakataong gumawa ng isang action movie dahil sa siya ay may edad na kumpara sa ibang mga artista.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, kumita ang pelikulang Taken at nagkaroon pa ito ng dalawang sequel.  Bagama’t common ang plot nito, hindi inaasahan ng madla na ang magandang takbo ng istorya sa pagitan ng isang “out of season” na amang naghanap sa kaniyang anak na kinidnap para gamitin sa white-slavery sa Europa ay tatangkilikin ng madla.  Kung hindi pa ninyo napapanood ang pelikulang ito, ito ay highly recommended para sa lahat.

GEORGE Lucas sa Star Wars Episode IV

Si George Lucas ng Star Wars.  Hindi makukumpleto ang listahan natin kung hindi mababanggit ang isa sa highest grossing film of all time, ang Star Wars Episode IV, noong lumabas ito dekada ‘70.  Subalit alam ba ninyo na mismo si George Lucas, ang lumikha ng Star Wars Universe ay duda sa kaniyang pelikula na hindi kakagatin sa takilya.  Iba naman ang pananaw ng kaniyang kaibigan na si Steven Spielberg, ang lumikha ng E.T.-Extra Terrestrial.  Ani Spielberg, mas maganda at siguradong tatangkilikin ang Star Wars kaysa sa kaniyang nilikha nang panahong iyon, ang Close Encounters of the Third Kind. Dahil dito, nagkasundo ang dalawa na magpustahan, 2.5% ng kikitain sa Star Wars ay mapupunta kay Spielberg—sapagkat ganun kapanalig si Spielberg na kikita ang pelikula ni Lucas.

Ang resulta, kumita ng higit-kumulang 40 million dollars si Spielberg sa pelikulang Stars Wars: A New Hope.  Bagama’t talo sa pustahan si Lucas, hindi naman naging masaklap sa kaniya ang nangyari sapagkat naging bilyonaryo naman si George Lucas dahil sa Star Wars franchise.

Internasyonal Slider Ticker Arnold Schwarzenegger Chris Pratt Edmund C. Gallanosa George Lucas Guardians of the Galaxy Keira Knightley Liam Neeson lose Encounters of the Third Kind PINAS Pirates of the Caribbean Star Wars Terminator

Ang Kape at kalusugan ng tao

December 26, 2018 by Pinas News

Ni: Edmund C. Gallanosa

ANG kape, qahua sa Arabic, café sa Spanish o coffee sa Ingles ay ang pinaka-popular na inumin sa buong mundo.  Saan ka mang panig mapunta, ang kape ay maaaring ialok sa iyo.

Bakit nahuhumaling ang mga tao sa kape? Maliban sa tamang pang-gising ito sa umaga o panunaw sa kinain, malaki ang epekto nito sa katawan. Mainam kaya ito sa katawan, o may panganib sa sobrang pag-inom nito?

Banggitin natin ang ilang benepisyo nito sa katawan ng tao, gayundin ang maaaring maging masamang epekto nito sa katawan.

Ang sobrang pag-inom ng kape ayon sa mga pag-aaral ay maaaring magpataas ng anxiety level ng isang normal na indibidwal, mas lalo na sa may mga pre-existing anxiety disorder.  Ang sobrang pag-inom ng kape ay maaari rin magdulot ng depression sa ibang tao—dulot ng caffeine na sangkap ng kape, at mild hypertension naman ang puwedeng idulot nito lalo na sa mga kabataan.

Ayon naman sa isa pang pag-aaral naman sa University of Nevada School of Medicine, ang mga babaeng nagpaplanong magbuntis ay dapat maghinay-hinay sa pag-inom nang sobra.

Isang hindi magandang epekto ng kape?  Nasisira nito ang natural body clock ng isang indibidwal.  ‘Yan ay kung inaabuso ang pag-inom nito—ang sobra-sobrang pag-laklak ng kape.

Subalit huwag mag-alala.  Mas lamang naman ang benepisyo ng kape sa katawan ng tao.  Mayaman sa anti-oxidants ang isang tasa ng kape na kailangang-kailangan ng katawan ng tao.  Ayon sa mga pag-aaral sa Estados Unidos at Italya, ang pag-inom ng kape ay nagpapataas ng protina na SHBG na nagpipigil sa katawan na magkaroon ng Type 2 Diabetes.  Sa isa pang pag-aaral, napaka-baba ng incidence level ng pagkakaroon ng Parkinson’s disease sa mga madalas uminom ng kape.  Dagdag pa nito, nakakatulong umano sa muscle movement ang caffeine sa mga taong may Parkinson’s, ayon sa Institute of the McGill University Health Centre (RI MUHC).

Ang pag-inom ng kape ay tumutulong din para makaiwas din sa pagkasira ng atay dulot nang palagiang pag-inom ng alak. Mainam din ang kape sa kalusugan ng ating puso—mababa ng 11 porsyento ang chance ng heart failure sa mga umiinom ng dalawa hanggang tatlong tasa sa isang araw, kumpara sa mga hindi umiinom ng kape.

Kahit naman anong bagay kung sobra-sobra ay maaaring makasama sa katawan ng tao.  Ang susi sa tamang kalusugan at patuloy na pagnamnam ng kape, ay ang tamang inom lamang. Responsible drinking ika nga nila, hindi lamang sa alak kundi pati na rin sa kape.

Lifestyle Slider Ticker Edmund C. Gallanosa McGill University Health Centre (RI MUHC) PINAS University of Nevada School of Medicine

Ang tunay na kabuluhan ng kapaskuhan

December 26, 2018 by Pinas News

MAGING mapagbigay nang walang pag-iimbot sa iyong kapwa kahit hindi Pasko.

 

Ni Edmund C. Gallanosa

ANG kapaskuhan ang maituturing na pinakamahalagang panahon sa ating kalendaryo.  Ito marahil ang takda sa loob ng isang taon kung saan ang karamihan—mula bata hanggang matanda, ay abala sa paghahanda para sa pagsapit ng Pasko.  Masaya ang tema ng panahong ito, nagagalak ang lahat, malamig ang simoy ng hangin, at maraming palamuti sa paligid kasama na ang mga nagkikinangan at maliwanag na christmas lights.  Panahon ito ng pag-asa at maluwalhating buhay para sa lahat.

Sa mga nagdaang panahon, naiba ang tuon natin sa tunay na diwa ng Pasko.  Makailang henerasyon na nabaling sa ibang paniniwala ang ating mga kababayan hinggil sa ano ba talaga ang kabuluhan ng paggunita ng kapaskuhan.  Minsan natuon ang paniniwala natin sa pagkakaroon ng Santa Claus. Nanuot ito sa damdamin at isipan lalo na ng mga bata.  Naniwala tayo kay Rudolph the red-nose Reindeer at sa mga nilalang na naglalagay ng goodies sa mga Christmas socks na isinasabit natin sa pinto ng ating mga silid.  Naniniwala tayo sa pagkakaroon ng Christmas tree na punong-puno ng regalo lalo na sa pagsapit ng bisperas ng pasko.

Subalit, ilan na lamang sa atin ang nakaka-alala na bumati ng “Happy Birthday Jesus!” o ang simpleng katagang “Thank you Heavenly Father for giving us your only son Jesus.”  Sa mga napulot natin at nakagisnang paniniwala natabunan na ang tunay na kahulugan ng Pasko—ang pagbigay ng Poong Maykapal sa mundo ng tangi niyang anak, si Hesukristo.

ANG maraming palamuti gaya ng mga parol at christmas lights ay nagpapa-alala sa atin ng kabutihan at kaluwalhatian ng Panginoon.

 

Maluwalhating panahon

Ang pasko ay panahon ng kaluwalhatian.  Abala ang tao sa panahong ito sa samu’t-saring paghahanda ng mga bagay—mula sa pagpapaganda ng bahay sa pagdating ng mga bisita at kamag-anak, mga ihahandang pagkain, pagdalo sa mga Christmas party, pagbili ng mga personal na gamit at damit, pag-aantay sa bonus, o paghanda ng pangregalo.

Magkaganunpaman, matuon sana ang pagiging abala sa katawan at isipan sa tunay na diwa hatid ng kapaskuhan, at iyon ang paggunita sa pagsilang ni Hesukristo sa Betlehem. Isipin sana natin na buong galak nating ginagawa ang mga bagay-bagay hindi lamang dahil sa paghahanda sa mga materyal na bagay, kundi sa kagalakang dumating ang kaisa-isang anak ng Banal na Diyos sa ating buhay na siyang ating tagapagligtas.

Sa pag-aasikaso, ibaling ang isipan kay Hesukristo, sapagkat iyon lamang ang tunay na paraan upang maramdaman ang diwa ng kapaskuhan.  Ihalintulad kay Hesus ang tamang pag-uugali—puno ng pagmamahal sa kapwa at hindi makasarili.

Maging instrumento tayo ng kaniyang pagmamahal sa kapwa—kung ano ang turo ng ating Tagapagligtas ay iyon ang ating iasal higit sa lahat sa panahon ng kapaskuhan.  Mahalaga ang buwan ng kaniyang kapanganakan—huli man ito sa buwan sa kalendaryo, Maaari itong ituring na pagsisimula sa ating buhay.

Kalimutan ang pangsariling intensyon.  Maghanap ng matutulungan. Ibaling ang inyong enerhiya at panahon sa pagtulong lalo na sa mga kapus-palad.  Ngayong Pasko, marami sa ating paligid ang mangangailangan ng maayos na damit, matutuluyan, maski ang simpleng pantawid-gutom.  Maaari ninyo silang tulungan sa pamamagitan ng pagsasakripisyo para sa kanila.  Ang pagtitimpi-timpi sa pagbili ng materyal na bagay bagkus ibaling ang paggastos sa mga nangangailangan ay malaki ang maitutulong.  Ang kaunting sakripisyo, marami ang mabibiyayaan, isa na ang magandang pakiramdam sa sarili.

MAAGAP pa lamang ay turuan na natin ang ating mga anak ng tunay na diwa ng Pasko, higit sa lahat kung sino si Hesus sa buhay natin at sa mundong ibabaw.

 

Ang Pasko ay panahon ng kapatawaran

Isa sa pinakamahalagang magagawa lalo na sa panahon ng kapaskuhan ay ang matutong magpatawad. Sa mga nagkasala sa inyo, batiin sila at matutong magpatawad. Kalimutan na ang mga maling bagay na nagawa sa’yo, sinasadya man siya o hindi.  Aalalahanin din natin na hindi tayo perpekto, sa buhay natin nagkasala din tayo sa iba o nakagawa ng hindi maganda sa kapwa.  Sigurado ako, may mga nagpatawad din sa atin—nararapat lamang na ganun din ang gawin, ayon na rin ‘yan sa turo ni Hesus.

Gunitain din ang magandang pinagsamahan sa mga kaibigan.  Ang mga matagal nang hindi nakita, gumawa ng paraan na makapagpaabot man lamang ng mensahe, o personal silang dalawin.  Masarap gunitain ang mga magandang pinagsamahan sa panahong ito. At ganun din, ayusin kung may sama ng loob sa isa’t isa at kalimutan na ang hindi magandang nakaraan. Sa mga kamag-anak, dalawin sila at magbigay ng respeto.  Gaya nga ng turo ni Hesukristo, mas lalong maging abala at interesado sa mga tao, imbis na maging abala sa mga materyal na bagay.

Ang mga materyal na bagay, nalalaos, nasisira, naluluma.  Ang magandang itinuring sa kapwa—dala-dala bilang matamis na ala-ala habang ika’y nabubuhay.

Ang paggunita rin sa panahon ng kapaskuhan ay pagsunod din sa turo ng ating Tagapagligtas.  Sa mga asal na ganito, ang magpatawad at magbigay pagpapahalaga sa kapwa ay dumaragdag sa liwanag ng paggunita ng Pasko.  Ang diwa ng Pasko ay mas makabuluhan sa ganitong paraan; mas madarama natin ang presensiya ng ating Panginoong Diyos sa buwan ng kapanganakan ni Hesukristo.

Ang magbigay nang walang pag-iimbot

Isa sa hindi mawawalang kaugalian tuwing kapaskuhan ay ang pagbibigay ng regalo sa ating mga minamahal sa buhay o sa mga kakilala.  Ang tamang pagbibigay ay ‘yung hindi naghahangad ng kapalit, subalit nagpapasalamat naman nang lubos kung sakaling may matatanggap.  Ika nga ng isang youth leader na nakaringgan ko sa isang exchange gift ng isang Christmas party, sabi niya ay “It’s the essence of giving, that counts the most.  Not the receiving.”  Isipin ang pagtitiyaga at malasakit ng nagbigay sa iyo ng regalo, subalit higit sa lahat, mas mainam na magbigay ng kusa sa loob kaysa mag-antay ng tatanggapin.

Gaya ni Hesukristo, inialay niya ang kaniyang buhay.  Tulad ng pagbigay ng regalo na walang katumbas ang halaga—tulad ng tunay na pakikipagkaibigan, matapat na anak sa magulang, o pagiging mabuting kapatid.  Sa ganitong paraan, nahahalintulad tayo sa ginawa ni Hesus na nag-alay ng kaniyang buhay nang walang pag-iimbot.

Gaya ng tatlong hari, sinundan ang maliwanag na bituin para matunton ang sabsaban kung saan ipinanganak si Hesus.  Nagbigay galang sila sa Tagapagligtas at nag-alay sila ng kani-kanilang regalo.  Lumuhod ang tatlong hari bilang pagbigay respeto.  Tulad nila, sundan lamang natin ang pinakamaningning na bituin patungo sa makabuluhang pagdiriwang ng kapaskuhan, ‘yan si Hesukristo.

Pambansa Slider Ticker Ang magbigay nang walang pag-iimbot Ang Pasko ay panahon ng kapatawaran Ang tunay na kabuluhan ng kapaskuhan Edmund C. Gallanosa Maluwalhating panahon PINAS

Reresbak na ang Team Pilipinas!

December 4, 2018 by Pinas News

Ni: Edmund C. Gallanosa

MATAAS ang kumpiyansa ng koponang Pilipinas sa FIBA Asia Qualifier.  Buhay na buhay pa ang pag-asa natin sa liga.

Matiyagang nag-aantay ang sambayanan sa susunod na round ng FIBA Asia Qualifier ngayong buwan na ito. Una, sabik ang nakakarami na mapanood ang muling pagtitimon ng ganap nang Philippine national coach na si Yeng Guiao.  At ikalawa, pinakaa-abangan ang pagkabuo ng mas malakas pang koponan sa pagdating ng ilan pang manlalaro.

Papasok muli ang Pilipinas sa panibagong yugto ng pambansang basketbol.  Ang pagkakaiba ngayon, may basbas na pagtutulungan ang ibinibigay kay Coach Yeng mula sa SBP (Samahang Basketbolista ng Pilipinas) at ng PBA (Philippine Basketball Association).  At sa pagkakataong ito, umayon ang lahat ng koponan sa PBA na magpahiram ng kanilang mga players —ilan at sinoman ang kakailanganin.  And the rest, anila, ay history na.

Si Coach Yeng ang masasabi nating susi sa pagkakatahi-tahi ng iba’t ibang pananaw ng SBP, PBA at ng FIBA na magkaroon ng isang highly competitive na koponan ang Pilipinas.

Kung hindi sa kaniyang pagpupursige, hindi na sana nakasali sa 2018 Asian Games ang Pilipinas.  Naging blessing-in-disguise pa ang pagsabak ng Pilipinas sa Asian Games, na bagama’t panlima lamang tayo, nakakita ng bagong stratehiya ang mga opisyales ng SBP at PBA.  Kung sakaling si Guiao ang hahawak ng tropa ng national team, ano kaya ang mangyayari sa ating koponan?

Ngayong bukas na bukas muli ang pinto para sa pagpili ng manlalaro ni Coach Yeng, inaasahang babalasahin niyang maigi ang talentong nasa sa kamay na niya.  Isa ang siguradong magaganap—masusulyapan ngayon ang pinaka-matangkad na lineup sa kasaysayan ng basketbol sa Pilipinas.

Tignan natin ang posibleng mga winning combination na gagamitin ni Coach Yeng Guiao para sa Team Pilipinas.

 

Greg Slaughter at June Mar Fajardo; Ian Sanggalang at Japeth Aguilar.

Ito ang pinaka-aantay ng nakakarami, ang makitang maglaro nang sabay ang dalawang higante ng PBA.  Kung tutuusin  pupwede talaga itong mangyari. Si Greg ay natural na sentro samantalang si June Mar naman ay puwedeng maglaro bilang center-forward.  Si Ian naman at Japeth ay maaaring kapalitan nina Greg at June Mar subalit mas kapana-panabik kung sakaling magsabay ang apat sa loob ng court. Sentro si Slaughter, habang magkabilang forward ang laro nina Sanggalang o Aguilar, kasama si Fajardo.  Maaaring mag-slide bilang big guard-forward sina Japeth at Ian — ang imposible sa iba, posible kay Coach Yeng.

Kai Sotto at Ricci Rivero; Jayson Castro, Paul Lee, at LA Tenorio. 

Huwag mabibigla kung makikita sa line-up ang batang-bata na 7’1 na si Kai Sotto.  Tinuturing na national treasure si Kai at para kay Coach Yeng, mainam nang maisabak na habang maaga sa international scene si Kai at nang maturuan ito ng aktwal na diskarte sa paglalaro kasama ang mga kuya  na sina Slaughter at Fajardo.  Iba naman ang kalidad ni Ricci Rivero na sanay sa pisikal na laro, mabilis, may outside shooting at mas lalong deadly sa open court.

Ang tulad nila Castro, Lee at Tenorio naman ang magbibigay ng sakit ng ulo sa backcourt.  Madami pa itong pahihirapan sa mga darating pang laro ng Pilipinas.  Mga wais at beterano, hindi madaling mabasa ang galaw nila para magpahirap sa mga makakalaban.  Shooters ang mga ito at mabalasik sa open court at bihasa pa sa fastbreaks.

Matthew Wright, Marcio Lassiter at Alex Cabagnot

Pinaka-matitinik na wingman at deadly shooters sina Matthew, Marcio at Alex para sa bansa.  Guwardiyado ang ilalim ng malalaki samantalang kanan at kaliwa silang pwedeng pagpasahan para sa mga long shot.  Malaki ang pag-asa nating pumantay sa ibang koponan tulad ng malalaking Iranians at Australians kung magagamit nang wasto ang malalaki natin kasabay ng mga wingmen na deadly accurate sa 3-point area.

Beau Belga, Troy Rosario, Gabe Norwood, JP Erram.

Ang apat na ito ay hindi naman matatawaran pagdating sa depensa. Malalaki at ready sa banggaan, hindi rin naman aatras ang mga ito kung takbuhan naman ang pag-uusapan.  Kapag lumabas ang tatlong malalaki, maaaring pamalit ang sinoman sa kanila at maiiba nanaman ang tema ng depensa para sa mga kalaban.

Stanley Pringle, at Christian Standhardinger; Arwind Santos at Scottie Thompson. 

Naipakita na kung ano ang magagawa nina Stanley Pringle at Christian Standhardinger bilang miyembro ng Team Pilipinas-FIBA.  Hindi sasayangin ni Coach Yeng ang pagkakataong gamitin nang wasto ang dalawang ito—bilang alternate naturalized players.  Hindi naman matatawaran ang madadalang hussle nina Arwind Santos at guard-rebounding Scottie Thompson sa international scene.  Siguradong madaming gugulantangin ang dalawang ito.

Hindi pa natin lubos na nakikita ang full strategy ni Coach Yeng para sa Team Pilipinas.  Nasulyapan natin nang kaunti noong Asian Games ang tirada niya, at kaunti pang muli noong magsimula ang 4th round ng FIBA kontra sa Iran at Qatar.  Ngayong mas mahaba ang panahon nang paghahanda ng koponan, inaasahang ibubuhos ni Coach Yeng ang kaniyang nalalaman sa pagbuhat sa Team Pilipinas para sa FIBA.

Slider Sports Ticker Alex Cabagnot Arwind Santos Beau Belga Christian Standhardinger Coach Yeng Guiao Edmund C. Gallanosa FIBA Asia Qualifier Gabe Norwood Greg Slaughter Ian Sanggalang Japeth Aguilar Jayson Castro JP Erram June Mar Fajardo Kai Sotto LA Tenorio Marcio Lassiter Matthew Wright Paul Lee Ricci Rivero Scottie Thompson Stanley Pringle Troy Rosario

Laman dagat, laman tiyan

November 22, 2018 by Pinas News

Ni: Edmund C. Gallanosa

 MARAMI ang nagsasabi mahirap daw ang buhay sa tabing-dagat.  Mahirap ang panahon, laging may panganib sa buhay.  Mahirap ang pera, mahirap din ang pagkain.  Subalit kung mapamaraan ka, at alam mo ang hahanapin mo, tiyak hindi ka magugutom.

Sa mga kababayan natin may ‘pihikan’ na panlasa—mga naghahanap ng kakaiba sa normal na niluluto natin, maraming yaman ang dagat na ang karamihan sa atin na hindi alam,  na puwedeng lutuin, at masarap kainin.

May mga lamang dagat na ‘kadiri’ sa unang dating o hindi kaaya-ayang kainin, subalit, puwede pala at malinis, masarap kainin.  Maaari pa itong kaining ‘hilaw’ o kikilawin lamang, ibababad sa suka at titimplahan lamang sibuyas, bawang at luya, ulam na!  Sa ibang probinsya sa Pilipinas ang mga babanggitin natin ay hindi lamang kinukunsidera na ‘exotic food’,  ito ay karaniwan na ulam lamang.  Subalit sa atin, lalo na sa mga ‘first timer’ pa lamang, kakaiba talaga ang dating.

Mantis Shrimp o Mamimitik.  Kilala sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas bilang tatampal, mamimitik o sa tagalog version nito na ‘alupihang dagat’,  hindi ito tunay na ‘alupihan’ o ‘mantis’ man lang, ito ay isang crustacean at kalahi ng mga alimango, sugpo, hipon o crayfish.    Kaiingat sa paghawak nito sapagkat ito ay mga ugaling namimitik—itinutupi nito ang babang bahagi ng katawan niyang gagamitin sa pagpitik, ito rin ang ginagamit na bilang ‘hunting weapon’ niya kung kaya nabansagan bilang ‘mamimitik.’   Masakit ang tamaan nito, sa katunayan, may ilang beses nang nakakabasag ng salamin ang mga mantis shrimp kapag nilalagay sila sa manipis na aquarium.

Tinatawag na ‘poor man’s lobster’ sapagkat ‘di hamak na mas mura ito sa mga lobster o ulang, halos magkamukha ang dalawa at naiiba lamang dahil may sipit ang mga lobster at ang mantis shrimp naman ay wala, maliban sa mukhang inunat na ulang ang mga ito.   Medyo matabang ang laman nito kumpara sa mga lobster kaya marahil mas mura ito sa mga pamillihan.

Ang madalas na luto sa mga mantis shrimp ay deep fried o pinirito.   Saka sasahugan na lamang ng mga pampalasa para lumabas ang sarap nito.  Ang normal na laki ng mga mantis shrimp ay mula 4-7 pulgada at ang iba naman ay lumalaki ng hanggang isang ruler o 12 pulgada ang haba.

Bulaso o Mangrove Lobster.   Ang mangrove lobster naman ay animong cross breed ng lobster sa mantis shrimp.  Mahaba ang lower portion nito na parang mamimitik pero may mga sipit na parang lobster.   Hindi katulad ng mga lobster at mantis shrimp na makikita sa ilalim ng karagatan, ang mga mangrove lobster o mas kilala sa local name nitong ‘bulaso’ ay makikita sa mga mangrove o bakawan, na naghuhukay ng mga lungga nila sa putikan.    Hindi madaling makakita ng mga bulaso. Sapagkat ‘nocturnal’ ang mga ito, tila tulog sa umaga at aktibo sa gabi.

Kung paghahambingin ang lasa nito kumpara sa lobster at mamimitik, mas matabang ang laman nito kumpara sa dalawa, mas masarap nang ‘di hamak ang mamimitik, siyempre primera klase pa rin ang lasa ng lobster kumpara sa tatlo.  Pinirito o deep fried din ang magandang luto dito para lumabas ang sarap ng laman nito.  Marami ang mga bulaso lalo na sa mga bakawan ng Polilo sa Quezon.

Ang Tamilok.    Ang tamilok ang isa sa kilalang ‘exotic food’ sa Palawan ngayon.    Mga animo’y uod  na nakukuha sa mga nangamatay na kahoy sa mga bakawan sa tabing dagat.   Dahil sa popularidad nito, may mga ilang restawran sa Palawan ang naghahain na ng tamilok kabilang sa kanilang menu bilang ‘special order’.

Kinilaw o binabad sa sukang ginayatan ng sibuyas, bawang at luya ang madalas na preparasyon sa mga tamilok, puwede rin itong i-adobo.  Malambot ang laman nito na animo’y parang talaba ang dating ng lasa at texture nito.   Tunay ngang kakaiba ang mga tamilok!  Para sa akin, it’s a must na subukan ang tamilok ng Palawan!

Tamilok ng Dagat.   Sa Mindanao naman matatagpuan ang mga naglalakihan o higanteng tamilok, lalo na sa probinsya ng Sultan Kudarat.   Ang pagkakaiba nito sa tamilok ng Palawan ay nakukuha ito sa ilalim ng dagat, mayroon itong ‘outer shell’ na parang mga sibat ang itsura, kulay itim ito kumpara sa puti na nakukuha sa bakawan ng Palawan, at lumalaki ito hanggang isang dipa ang haba.

Sa katunayan, kaya marahil marami ang nangdidiring subukan ang mga tamilok ay dahil ang akala ng madla, tunay itong mga uod.  Ang mga tamilok po ay mga mollusk, o kapamilya ng mga pusit, kuhol, at talaba.   Kaya ang tamilok po ay sinlasa ng mga talaba o tahong na hilaw.

Sisi o Rock Oyster.    Ang sisi naman o rock oyster sa ingles ay isang uri ng talaba subalit kasinlahi lamang ng mga  tulya,   Nakadikit ito sa mga batuhan tulad ng mga tahong, wild itong nakakalat sa mga batuhan at ito ay isa sa panglunahing produkto ng mga taga-Zumarraga sa Samar.  Sa katunayan, may isang samahan ng mga kababaihan sa Samar na ang misyon ay manguha ng mga sisi bilang hanap-buhay at ibinebenta ito at tunay naman na dinarayo ng hindi lamang mga lokal na patron pati na rin ng mga turista.

Kinilaw, o tinola ang karaniwang na luto dito, mayroon din silang tinatawag na ‘baduya’ ang tirada, parang okoi ang preparasyon, niluluto balot sa arina, na may luya, bawang at young onion.

Sea Urchin.    Delikado ‘pag natapakan o nakapitan, subalit ngayon, hinahanap-hanap kapag iyong natikman.  Ito ang sea urchin, kilala bilang tuyom, tayom, tiyok, swaki, kuden-kuden at maritangtang.   Tikman itong raw o hilaw para malasahang maigi ang sarap ng laman nito.   Ang laman na manila-nilaw lamang ang pwedeng kainin sa tuyom, at ibayong ingat ang pagbubukas dito.  Manamis-namis ang lasa ng laman nito na maihahantulad sa pinaghalong caviar at talaba, at ang texture ay parang taba ng bangus.

Garantisadong masarap ang mga ito, at bakit ko po alam?  Sapagkat ang bawat isa nito, ay personal ko na pong natikman. Kaya’t tikim na!


Halongbaytourism:

Tinatawag na ‘poor man’s lobster’ ang Mantis Shrimp sapagkat ‘di hamak na mas mura ito sa mga lobster o ulang, halos magkamukha ang dalawa at naiiba lamang dahil may sipit ang mga lobster at ang mantis shrimp naman ay wala, maliban sa mukhang inunat na ulang ang mga ito.   Medyo matabang ang laman nito kumpara sa mga lobster kaya marahil mas mura ito sa mga pamillihan. 

 

 activityfan:

Ang mangrove lobster naman ay animong cross breed ng lobster sa mantis shrimp.  Mahaba ang lower portion nito na parang mamimitik pero may mga sipit na parang lobster.   Hindi katulad ng mga lobster at mantis shrimp na makikita sa ilalim ng karagatan, ang mga mangrove lobster o mas kilala sa local name nitong ‘bulaso’ ay makikita sa mga mangrove o bakawan, na naghuhukay ng mga lungga nila sa putikan.  

 

morefuninpuertoprincesa:

Ang tamilok ang isa sa kilalang ‘exotic food’ sa Palawan ngayon.    Mga animo’y uod  na nakukuha sa mga nangamatay na kahoy sa mga bakawan sa tabing dagat.   Dahil sa popularidad nito, may mga ilang restawran sa Palawan ang naghahain na ng tamilok kabilang sa kanilang menu bilang ‘special order.’  

 bfblogger:

Delikado ‘pag natapakan o nakapitan, subalit ngayon, hinahanap-hanap kapag iyong natikman.  Ito ang sea urchin, kilala bilang tuyom, tayom, tiyok, swaki, kuden-kuden  at maritangtang.   Manamis-namis ang lasa ng laman nito na maihahantulad sa pinaghalong caviar at talaba, at ang texture ay parang taba ng bangus.

Nytimes:

Delikado ‘pag natapakan o nakapitan, subalit ngayon, hinahanap-hanap kapag iyong natikman.  Ito ang sea urchin, kilala bilang tuyom, tayom, tiyok, swaki, kuden-kuden  at maritangtang.   Manamis-namis ang lasa ng laman nito na maihahantulad sa pinaghalong caviar at talaba, at ang texture ay parang taba ng bangus. 

 

Environment Slider Ticker Edmund C. Gallanosa Laman dagat laman tiyan PINAS

  • Page 1
  • Page 2
  • Page 3
  • …
  • Page 6
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.