• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Saturday - January 16, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Unang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Edmund Gallanosa

Paano kung buhay pa sila ngayon?

August 1, 2018 by Pinas News

Ni: Edmund Gallanosa

Madalas natin naririnig ang nakakalungkot na balita na sa iba’t ibang panig ng mundo, kabi-kabila ang pagkawala ng mga lahi ng hayop, pang-lupa man o pang-tubig, mga halaman, at iba pang nilalang sa balat ng lupa.  Total extinction ang ating tinutukoy.  Ano man ang dahilan, natural calamity na tumama sa ating mundo, pagbabago ng klima at temperatura, sobrang pangangaso o excessive hunting, higit sa lahat, ang sanhi nito ay ang pagkasira ng kanilang natural habitat o tirahan.

Nakakalungkot ang kani­lang pagkawala—nakakatuwa sanang makita nang buhay ang ibang hayop at halaman na naglipana at dumarami sa ating paligid. Sa isang banda maaaring benepisyal naman ito sa ibang nilalang sa mundo. Paano natin pagsasabayin ang mga tao at iba pang nilalang sa balat ng lupa? Magkakasya kaya tayo?

Magkaganunpaman, kung sakaling hindi naging extinct ang ibang mga hayop at halaman, baka maaaring nagaagawaan ng paraan na ma-contain ang ibang nilalang—mala-Jurassic Park ika nga. Kung nangyari ito, siguro mas exciting na makita sila nang buhay.

Kalimutan muna natin ang mga dinosaurs. May ibang  nilalang na malamang ay hindi alam ng madla na nabuhay noon, milyong taon na ang nakakalipas. Kung buhay pa ang mga sumusunod sa kasalukuyan, paano kaya tayo ngayon?

 

Kung buhay pa ang Haast’s Eagle ngayon, ito ang magiging itsura niya at laki.  Minsan itong gumala sa himpapawid ng New Zealand, at kaya nitong bumitbit ng medium-sized na baka at baboy.

Ang Haast’s Eagle

Nais n’yo bang makakita ng agilang lumilipad na may wing span na halos sinlaki ng isang buong yero? Ito ang Haast’s Eagle, isang species ng agila na dati’y nakikita sa katimugang isla ng New Zealand. Ang labi o fossils nito ay nadiskubre ni F. Fuller sa isang bana at ipinangalanan itong Haast’s Eagle para sa German geologist na si Julius von Haast, founder ng Canterbury Museum.

Ito ay tunay na ’’bird of prey.’’ Kung ito ay buhay pa sa ngayon, mas malaki pa ito sa pinaka-malaking buwitre sa buong mundo. Kaiingat lamang ang mga tao rito sapagkat kaya nitong bumuhat ng isang batang baka, o medium-sized na baboy—at noo’y dumadagit ng ibong Moa, isa sa pinaka-malaking ’’flightless bird’’ na naglakad sa ibabaw ng mundo, sa taas na 12 feet.

Kung buhay pa ang Haast’s Eagle sa kasalukuyan, siguradong napakaganda nitong panoorin sa himpapawid.

 

ANG Hatzegopteryx na minsan nang gumala sa kalangitan ng mundo, lalo na sa bahagi ng Europa, ilang milyong taon na ang nakakalipas.

Hatzegopteryx—Flying king ng Euro­pa

Kung maghahari-harian ang Haast’s Eagle sa kalangitan ng New Zealand, wala namang tatalo sa Hatzegopteryx sa Europa—sila ang magmamay-ari ng kalangitan kung sakaling buhay pa sila. Subalit siguradong manganganib ang paglipad ng mga eroplano natin sa kasalukuyan, sapagkat ito ay magmimistulang kalahi ng mga butiki at hunyango sa tapat ng Hatzegopteryx na kasinlaki ng isang full-grown na Giraffe. Sa tindig, di kasa­ma ang mga balahibo at pag nilagyan mo ito ng pakpak ng paniki, kamukha nito ang hornbill ng Palawan.

Kaya nitong dumampot ng medium-sized na dinosaur noon. Ano pa kaya ang ka-yang damputin ng Hatzegopteryx kung ito’y nabubuhay sa ngayon?

Super higante sa la­king Carbonemys

Taong 2005, nang nadiskubre ng doctoral student ng North Carolina State University na si Edwin Cadena sa minahan ng Cerrejon sa Colombia ang mga labi ng isang Carbonemys. Nahukay ang bungo nito na sinlaki ng isang soccer ball—bungo pa lamang ito. Ang pira-pirasong labi ng carapace nito ay may sukat na halos anim na talampakan ang laki at lawak. Ang Carbonemys ay isang dambuhalang pagong. Nakakatuwang isipin na kung buhay ito ngayon, sinlaki ito ng isang Volkswagen.

Nabuhay ito 60 milyong­ taon na ang nakakalipas. Kung ito ay pagala-gala pa ngayon, magdadalawang-isip tayo sapagkat pinaniniwalaan na ito ay part-carnivorous at kumakain ng mga buwaya noong unang panahon. Ano kaya ang kayang kainin nito kung nabubuhay ito ngayon?

Ang Titanoboa

Ito pa ang isang kagimbal-gimbal na creature kung nabubuhay pa sa ngayon. Nadiskubre ni Fabiany Herrera ang mga buto nito na kaniyang pinadala sa laboratoryo ng University of Florida. Nang buuin ito ng mga scientists, nagulat sila sa laki nito—kung buhay ito sa ngayon, hindi ito magkakasya sa kanilang laboratoryo.

Ang Titanoboa ang nadiskubreng pinakamalaking ahas sa buong mundo. Kasing-haba ng isang bus, ito’y 40 feet at tumitimbang ng ilang tonelada. Ang katawan nito ay kasinlaki ng troso. Ang ating kinakatakutang mga buwaya, ang isa sa paborito nitong kainin.

Ilang milyong tao ang may phobia sa ahas—maliit man o malaki. Paano pa kaya kung nabubuhay pa ang Titanoboa sa kasalukuyan, kaya ninyo bang harapin ito? Ang present-day Anaconda ng South America, magmumukhang bulate lamang kung itatabi sa Titanoboa.

Giant pusit, in a shell

Noon pa man ay marami na ang nagtatanong kung may katotohanan ba sa mga kuwento tungkol sa dambuhalang pugita o octopus sa ating karagatan. Napatunayan nang may nabuhay na giant squid sa ilang malalim na bahagi ng karagatan. Subalit 470 milyong taon na ang nakakalipas, nabuhay ang Cameroceras,isang klase ng mollusk o lahi ng mga pusit at pugita na gumagala sa karagatan ng Laurentia, Baltica at Siberia. Mukha itong pusit na nabubuhay sa loob ng isang korteng-apa na shell. Ang haba nito ay tinatayang 18 hanggang 20 talampakan lang naman.

Itinuturing itong isa sa pinaka malaking nilalang noong Paleozoic era. Para itong cross-breed ng pusit sa susong pilipit. Kung nabubuhay pa ito sa kasalukuyan, maglalangoy ka pa ba sa karagatan?

 

Ito ang actual photo ng bunganga ng Megalodon—ang pinaka malaking pating na lumangoy sa karagatan natin ilang libong taon na ang nakakalipas.   

Hari ng Karagatan

Pagdating sa usaping laman ng dagat, wala nang mas kinakatakutan pa kundi ang mga sharks o pating. Enter the Megalodon—ang dambuhalang pating na sinlaki ng balyena.

Nabuhay ito 28 hanggang 1.5 milyong taon na ang nakakalipas at may haba itong 50 hanggang 60 feet. Dahil malawak pa ang parte ng karagatan na unexplored pa, marami ang naniniwalang buhay pa ito. Kung magkaganunpaman, siguradong wala nang ma­ngangahas na maligo sa mga dagat ngayon.

Ang Pilipinas ay suwerte sa pagkakataong walang Great White Shark sa ating karagatan. Isipin ninyo na lamang ang Megalodon na halos limang doble ng Great White Shark, hindi ka ba matatakot kang lumangoy pa sa open sea?

Makailang beses nang nakakakuha ng pailan-ilang ngipin ng Megalodon sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ang isa sa pinaka-malaking ngipin na nadiskubre ay sinlaki ng isang porselanang plato.

Ilan lamang ito sa mga nilalang na nabuhay noong bata pa ang ating mundo. Ano kaya ang mangyayari sa atin kung sabay natin silang nabubuhay sa ngayon? Exciting ‘di ba pero siguradong nakakakaba.

Environment Slider Ticker Ang Haast’s Eagle Ang Titanoboa Canterbury Museum Edmund Gallanosa Giant pusit Hari ng Karagatan Hatzegopteryx—Flying king ng Euro­pa in a shell Julius von Haast Jurassic Park PINAS Super higante sa la­king Carbonemys

Pagkilala sa Pilipinas, umaangat

May 17, 2018 by Pinas News

Ni: Edmund Gallanosa

PAGKILALA sa Pilipinas at ang henerasyon ng mga makabagong Pilipino at ang sigla nilang palakasin ang ating bansa sa lahat ng larangan ng progreso ay nagbubunga ng tagumpay at positibong resulta sa karamihan sa ating mga kababayan.

Noon, ang Pilipinas ay kilala bilang isang ‘third-world developing country,’ subalit sa kasalukuyan ay unti-unti na itong umuusad pataas sa mga listahan ng mga bansang kinakikitaan ng mabilis na pagganda ng ekonomiya, progreso sa mga mamamayan at ibayong stabilidad sa mga komunidad sa iba’t ibang sulok ng bansa, pati na sa lokal na pamahalaaan, na siya namang bumubuo sa kapuluan ng bansang Pilipinas.

Nitong mga nakaraang buwan, binulabog tayo ng isang hamong guluhin ang katahimikan ng bansa nang subukan ng mga bandidong Abu Sayaff at ISIS ang rehiyon ng Mindanao. Malaking kabawasan ito sa kita ng bansa sapagkat apektado ang turis­mo sa lugar at higit sa lahat, nagbago ang buhay ng mga taga-Marawi City sa sinapit ng kanilang lugar. Wasak ang mga ari-arian at nawala ang mga negosyo. Gutom at hinagpis ang iniwan ng mga bandido. Subalit hindi sila nagtagumpay. Nangibabaw ang pagmamahal sa bansa, dahil sa tapang, nagwagi ang sandatahang lakas ng Pilipinas laban sa mga bandido.

HINDI PASASAKOP SA MGA TERORISMO

Ngayon pilit bumaba­ngon ang mga taga-Marawi City sampu ng kanilang mga karatig-pook na naapektuhan ng nagdaang giyera, dahil na rin sa pagsusumikap ng mga kababayan natin at sa ayuda na din ng pamahalaan ng Pilipinas.

Binantayan nang maigi ng mga ibang bansa ang labanan sa Mindanao. At marami ang nagdiwang nang manaig ang ating gobyerno’t mga sundalo. Dahil dito, dagdag sa puntos ito sa bansa natin bilang isa sa Asya na maikukunsiderang Pro-Democracy at hindi basta-bastang papasakop sa terorismo na galing sa ibang lupalop.

Isang malaking latay ito sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang makapasok at manggulo ang mga terorista. Subalit nanaig ang mga Pinoy at hindi nagpasakop. Dumaan ang ilang bagyo, nakabangon pa din tayo. Likas na sa mga Pilipino ang magaling bumangon mula sa pagkakadapa.

KILALA BILANG LITTLE AGGRESSIVE ECONOMIC DRAGON

Iba ang sigla ng mga Pinoy ngayon. Aminin man natin o hindi, napakalaki ng pagkakaiba ng pagpapalakad ng gobyerno natin ngayon kumpara noong mga nakaraang administrasyon. Naitaas nang malaking antas ang mga pasahod lalo na sa mga guro, alagad ng batas at mga sundalo. Kahit papaano, dumagdag ito sa pagtaas ng morale ng mga nagbibigay serbisyo-publiko. Nadagdagan ang pantustos nila sa mga pang-araw-araw na pangangailangan lalo na ng kanilang mga pamilya.

Ang mga bagong henerasyon ng mga manggagawa, kasama na ang ating mga ‘bagong bayani ay kinakikitaan din ng sigla. Nagawa ng isang pangulo sa tulong ng mga mambabatas na matanggal ang pabigat na buwis sa mga mabababa ang sahod; mabawasan ang buwis ng mga nasa gitnang antas na manggagawa, at buwisan ng sapat ang mga malalaki ang kinikita at mayayaman. Sa mga OFWs, maraming programa ang inilaan sa kanila upang mas lalong mapaayos ang kanilang pa-nanatili sa ibang bansa upang makipag­sapalaran, proteksyonang maigi ang kanilang kapaka­nan at mapalayo sila sa mga nakaakmang peligro at pagmamalupit. Masugid na na­kikipag-ugnayan ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na tumututok sa ating mga OFWs.

Patuloy ang paghahanap ng gobyerno ng ibang merkado, upang mailako ang galing at kakayanan ng ating mga kababayan. Sa katunayan, kamakailan ay dumagdag pa sa mga ‘demands’ ng ibang bansa ang pagkuha ng Tsina sa ating mga kababa­yan bilang English-speaking teachers para sa kanilang mamamayan. Sa unang pagkakataon, ito na ang maituturing na pinakamalaking demand ng Filipino teachers sa ibang bansa, at malaking karangalan ito sa ating mga guro sapagkat nakikilala ang kanilang galing sa pagsalita ng Ingles na maaaring ipantapat sa mga native speaker ng salitang Ingles mula sa America at Europa.

SUMIGLA ANG EKONOMIYA

Higit sa lahat, ang ating ekonomiya ay kinakitaan din ng sigla, bunga ng pagsusumikap ng mga kumpanya sa bagong henerasyon at bagong pamunuan. Kabi-kabila ang patuloy na paglaki ng mga dating industriya, at patuloy din naman ang pagdami ng mga bagong mapagkikitaan at nagnanais magnegosyo.

Sa katunayan, noong nakaraang taon lang ay napabilang ang Pilipinas bilang ikasampu sa pinakamabilis umangat na ekonomiya sa buong mundo.

Mabilis ang arangkada ng progreso ng Pilipinas na pumapalo sa 6.5 bahagdan paakyat ng 7.5 bahagdan. Nakakagulat na dalawang beses ang bilis nito kumpara sa long term growth na inaasahan sa ating bansa.  Sa unang tatlong quarter ng huling taon, nanalasa sa 6.7 bahagdan ang progreso ng Pilipinas. Hinigitan pa nito ang Tsina sa ganda ng itinatakbo ng industriya sa ating bansa.

Iba na ang Pinoy!

Dahil sa pinalawig at pinagandang tax reform program at iba’t ibang proyekto sa imprastraktura, kasabay pa ng tuloy-tuloy na daloy ng mga remittances ng ating mga OFWs, ang tumataas na consumer spending ng mga mamamayan at pagdami ng mga international-owned at local call centers na ‘very promising’ ang mga pasahod, inaasahang lalagpasan pa ang naabot na $311 bilyon kita ng nakaraang taon.

‘Big time player’ pa din at numero uno sa pagpapaganda ng ating ekonomiya ang mga kita ng ating mga manggagawa sa ibang bansa. Dahil sa dedikasyon ng mga Pinoy sa kanilang tungkulin, mapa-seaman pa sila, nurse o caregiver, todo-bigay sa dedikasyon ang mga pinoy.  Kaya nga naman nawiwili ang mga karamihan sa mga dayuhan na tanggaping muli ang serbisyo ng ating mga kababayan, at hindi ipagpapalit sa iba.

Magaling ang mga Pinoy,  saan mang industriya sila isabak, lalaban, magtitiyaga, nagmamahal sa trabaho ang karamihan. Kaya naman mabilis umasenso ang Pinoy sa ibang bansa. Sana nga lang, tularan ‘yan ng ating mga kababayan na nasa bansa lamang o ‘dili kaya, impluwensiyahan ng ating mga kababayan na nakapagtrabaho sa ibang bansa na ang pagmamahal sa tungkulin ay sinusuklian nang higit pa sa inaasahan. Malaking bagay ang mamarkahan kang magaling—dahil maaari mong maipagmalaki sa iyong kababayan at sa iyong pamilya.

 

National Slider Ticker Abu Sayaff Edmund Gallanosa ISIS Mindanao OFWs Overseas Filipino Workers PINAS Pro-Democracy

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.