FACEBOOK CEO Mark Zuckerberg kasama ang mga empleyado sa Menlo Park headquarters.
Ni:Kristine Joy Labadan
SINABI ng social networking company na Facebook na handa na itong higit na palawakin ang kanilang kumpanya sa tinatawag na Silicon Valley sa London kung saan nakatalaga ang maraming kilala sa industriya ng teknolihiya.
Magtatayo ang FB ng mga bagong gusali para sa napipintong pagbubukas nila ng trabaho para sa karagdagang anim na libong mga tauhan at manggagawa mula sa UK. Sa ngayon, wala pang kumpirmadong tiyak na bilang ang kumpanya kung ilang bagong trabaho ang kanilang bubuksan bagamat sinabi na nito na sa taong 2021 bubuksan ang mga gusali.
KASAYSAYAN NG FACEBOOK
Ang Facebook ay isa sa pinaka popular na social media site. Inilunsad noong Pebrero 4, 2004, ito ay naka-base sa Menlo Park, California. Sa labing-apat na taong pamamalagi nito, kinahumalingan na itong gamitin ng milyon-milyong tao sa buong mundo. At dahil sa sikat na sikat ito sa mga gumagamit nito maging bata man o matanda, sinabayan din ito ng pag-angkop ng mga kurikulum sa eskwelahan sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa Facebook sa mga estudyante.
Itinatag ang Facebook nina Mark Zuckerberg at ng kanyang mga ka-eskuwela sa Harvard College na sina Eduardo Saverin, Andrew McCollum, Dustin Moskovitz, at Chris Hughes.
Noong bagong tatag ang Facebook, nilimitahan ng mga naglunsad nito ang hanay ng mga miyembro sa kapwa lamang nilang mga estudyante sa Harvard.
Di kalaunan pinalawak na ang paggamit ng FB sa mga mataas na institusyon ng kaalaman sa Boston, sa mga eskuwelahang parte ng Ivy League, at sa unibersidad ng Stanford. Dahan-dahang nagdagdag ng suporta ang Facebook sa iba’t-ibang unibersidad hanggang ito’y umabot sa mga estudyante sa high school. Nang sumapit ang taong 2006, ang kahit na sinong nasa labing-tatlong taong gulang ay pinapahintulutan ng Facebook na maging rehistradong gumagamit nito bagamat may ilang lokal na batas ang dapat isaalang-alang.
Sa planong pagpapalawak pa nito ng presence sa UK, sinabi ring sa pagtatapos ng 2018, ang bilang ng tauhan ng FB sa UK ay aabot na sa 2,300
486,183 ang karaniwang dami ng gumagamit ng Facebook bawat minuto gamit ang mobile phones.
ILANG BENEPISYO NG FACEBOOK
Ang Facebook ay maaaring magamit ng kahit sinuman na may aparatong may koneksyon sa Internet tulad ng mga computers, laptops, tablet computers, maski smartphones. Kailangan lang magrehistro at gumawa ng sariling profile na maguugnay sa marami pang gumagamit nitong social netwok site na ito.
Maliban sa mga nabanggit ay maaari ding magdagdag ng mga kaibigan na posible mong makapalitan ng mga mensahe, makapag-paskil ng iyong iniisip, makapag-bahagi ng mga larawan o bidyo at makatanggap ng notipikasyon sa iba pang gumagamit ng Facebook tungkol sa kanilang aktibidad.
Ilan sa mga pakikipagsapalaran sa negosyo ng Facebook ay naisakatuparan sa UK, kabilang ang Workplace, isang human resources tool at sa kabilang banda naman ay ang dibisyon ng Facebook sa London na tinatatrabaho ang virtual reality na Oculus headset.
Ang mga bagong opisina ay may kasamang 600,000 kuwadradong talampakan na espasyo sa King’s Cross na makakatabi ang higanteng search engine na Google. Ang Google ay nakatanggap rin ng permiso para sa isang metro kuwadradong talapampakan na espasyo ng opisina na nakalaan sa mga bago nitong £1bn headquarters sa UK.
Ayon sa isang panayam mula sa Digital secretary na si Jeremy Wright QC, ang pagpapalawak na isinasakatuparan ng Facebook ay isang “panibagong boto ng tiwala mula sa ekonomiya” at tutulungang mabantayan ang pagtataguyod ng “matataas na sahod at de-kalibreng mga trabaho para sa kinabukasan” ng UK.
Napapabalita ang Facebook na aktibong naghahanap ng mga personalidad na may talento sa larangan ng artipisyal na intelehente sa pagsisikap nitong makakuha ng mga lider sa London. Nitong nakaraang tag-init, ibinunyag ng kumpanya na nakuha nito ang panimulang AI na Bloomsbury na nagkakahalaga ng tumataginting na $30 milyon (£22 milyon).
OPISINA ng Facebook sa Kendall Square, Boston.
NANGUNGUNANG SOCIAL NETWORKING SITE
Ayon sa naging analitika ng comScore, Facebook ang nangungunang social networking site base sa buwanang mga natatanging mga gumagamit na nagpupunta sa site nito. Nalamangan nito ang pangunahin nitong katunggali na MySpace noong Abril ng taong 2008. Kasama pa sa ulat ng comScore ay ang 130 milyong taong naakit gumamit nito noong Mayo 2010.
Base naman sa ikatlong partido na analitiko ng tagapagtustos ng web na Alexa and SimilarWeb, ang Facebook ay nanguna sa buong mundo bilang may pinakamaraming social network na mambabasa sa Web na may 20 bilyong bisita kada buwan noong 2015.
Ang SimilarWeb, Quantcast, and Compete.com ay magkakapareho namang iniranggo ang website bilang ikalawa sa Amerika na pinakadinadayo. Ang website ang pinakasikat sa pag-a-upload ng mga larawan na sa kabuuan ay 50 bilyon.
Kung iisiping magwawakas din ang kasikatan ng Facebook sa masa ay marahil na matatagalan pa ito dahil ngayong taong 2018 ay umabot na sa 2.2 bilyong katao ang aktibong gumagamit nito kada buwan. Ang pagkakakilanlan ng Facebook ay nagresulta sa ilang kilalang media coverage para sa kumpanya kalakip ang matinik na pagsisiyasat patungkol sa seguridad nito sa mga impormasyong natatanggap nito gayundin ang saykolohiyang epekto nito sa mga gumagamit. Sa mga nakalipas na mga taon ay naharap ang kumpanya sa matinding pangangailangang masolusyunan ang pagdami ng mga pekeng balita, paninira, at ang pagpapahintulot ng paglalarawan sa karahasan sa plataporma nito na kaagad naman ding inagapan ng Facebook.
Sa kaliwa’t kanang mga pakana ng Facebook ay nagbigay ng kanyang saloobin ang managing director ng Northern Europe na si Steve Hatch: “Today’s news reflects our commitment to the UK and our desire to grow our business and the UK economy.”