Ni: Ma. Leriecka Endico
Isang construction worker mula Maynila na si Elmer Padilla ang namataan kamakailan sa internet, matapos lumabas ang kanyang mga larawan na nagpapakita ng kanyang kakaibang likhang sining. Nakuhaan ng litrato si Elmer na gumagawa ng mga action figures sa tabing kalsada gamit ang mga lumang tsinelas. Umabot ito sa 3,000 likes sa Facebook at 86,000 up votes sa Reddit.
Dahil sa pambihirang ideya ni Elmer, marami ang naging interesado bumili ng kanyang likhang sining. Bukod pa rito, may mga tao na rin nais siyang tulungan magtayo at magtaguyod ng isang etsy shop.