Pinas News
Kalaboso ang 2 lalaking nagsusugal matapos mahulihan ng illegal na droga sa Pilar St. malapit sa riles ng PNR sa Tondo, Maynila.
Nakilala ang mga suspek na sina Angelo Aluarte, 45 taong gulang; at Elvin Upano, 23 taong gulang.
Nabatid na nagsasagawa ng Anti-Criminality Operation ang mga kagawad ng Abad Santos Police Station – Drug Enforcement Team nang maaktuhan ang mga suspek habang nagsusugal.
Nakumpiska sa operasyon ang 3 pirasong one-peso coin at P300.00.
Maliban dito, nang kapkapan ang mga suspek ay nakuha sa kanila ang 2 plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Mahaharap ang mga suspek sa mga kasong illegal gambling at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.