YESHA ENDAR
NAKAKUHA ng isang bilyong youtube views ang music video na “Rap God” ng hip hop star na si Eminem.
Magugunita na inilabas ang nasabing official music video noong 2013.
Ayon sa 47-anyos na singer, malaking karangalan sa kaniya ang pagkakuha niya ng one billion views sa nasabing music video.
Ito na ang pangatlong music video ng rapper na nakakuha ng one billion views na ang una ay “Not Afraid” at sumunod ang “Love The Way You Lie”:
Samantala, nangunguna pa rin ang kantang “Despacito” sa may pinakamaraming views na aabot sa mahigit 6.6 billion views.