NAIS mo bang maging isang matagumpay na entreprenyur?
Kung ganoon, dapat mong taglayin ang mga sumusunod na katangian:
- Pinagsisikapan mong maging mas mahusay ang mga bagay-bagay.
- Magkaroon ng tiwala sa sarili.
- May puso, matiyaga at masipag sa pagnenegosyo.
- Hindi mo tinatanggap ang sagot na ‘hindi,’ hindi ka sumusuko — kahit kailan.
- May abilidad kang makipagtulungan sa kung sino man ang interesado sa iyong negosyo.
- Mas nagkakaroon ka ng oras sa iyong mga kasamahan sa negosyo kaysa sa iyong asawa at pamilya.
- Naniniwala ka na may iba pang kahulugan ang job security. Para sa iyo mas ligtas ang trabaho mo kung ikaw ang humahawak nito.
- Likas sa iyong pagkatao ang pakikipagkompitensiya at nakahanda kang magbigay at bitawan ang mga bagay na alam mong hindi mo na dapat pang hawakan.
- Naniniwala kang may mga bagay na mas mahalaga kaysa sa pera.
- Walang holiday para sa iyo dahil lahat ng oras at araw ay mahalaga.
- Nagtatrabaho ka nang mahigit 60 oras sa isang linggo.
- Nakikita mo ang mga oportunidad sa kahit anong bagay at sa kahit saang lugar ka magpunta.
- Kinikilala mo ang iyong sarili, kung ano ang iyong mga katangian, katatagan at kahinaan?
- Makatuwiran ka kung mag-isip, alam mo kung papaano aayusin ang mga problema at kung paano itatama ang mga pagkakamali.
- Makatao ka at madaling pakisamahan.
- Hindi mo iniiwan ang isang proyekto hangga’t hindi ito natatapos.
- Palagi kang nag-iisip ‘outside of the box.’ At kung ano pa ang puwedeng maging opsiyon sa bawat hindi puwedeng gawin.
- You’re unpredictable. Bilang isang entreprenyur, alam mo na madaling magbago ang mga bagay-bagay at palagi kang handa sa mga pagbabagong ito.
- Determinado ka. Ginagawa mong posible ang mga bagay na imposible para sa iba.
- Nakukuha mo ang suporta ng iyong pamilya at mga kaibigan.
- Hindi sapat sa iyo ang magandang ideya lang, kaya gumagawa ka ng mga pagsusuri.
Sa nabanggit na mga katangian, tiyak na magiging abot-kamay mo ang tagumpay!#