NI MELODY NUÑEZ
MULING inilunsad ng MMDA ang rehabilitated Pasig River Ferry System
Sa aktibidad kamakailan na isinagawa sa Lawton Ferry Station sa Maynila, masayang ibinalita ni MMDA Chair Danilo Lim at Sen. Bong Go na kasabay sa relaunching ng naturang ferry system ay ang pagkakaloob din ng libreng sakay sa mga commuters sa loob ng isang buwan.
Ayon kay Sen. Go na alinsunod sa naging kautusan ni Pang. Rodrigo Duterte, nilinis pang lalo ng pamahalaan ang Pasig River kasabay ng pagsasaayos ng mga ferry station para sa mas maayos at komportableng pagbabiyahe ng mga pasahero.
Punto pa ni Go na malaking tulong kung madedevelop pa ng husto ang Pasig River Ferry System na isa sa mga sagot sa matinding trapik ngayon sa Metro Manila.
Sa kasalukuyan, may 11 estasyon ang Pasig Ferry Maynila, Mandaluyong, Makati, at Pasig.
Kabilang naman sa nanguna sa relaunching ng ferry system ay sina Manila Mayor Isko Moreno, Pasig Mayor Vico Sotto, Transpo Sec. Arthur Tugade, Environment Sec. Roy Cimatu at iba pang mga opisyal ng gobyerno.
Una nang nagpahiram ng 2 ferry ang Pasig para marami pa ang babyaheng mga ferry sa 25 kilometrong Ilog Pasig.
Plano rin ng Manila LGU na magpahiram ng ferry para madagdagan ang 7 barko Pasig River Ferry System na kayang magsakay ng nasa 16 hanggang 57 pasahero.