Ni: Jonnalyn Cortez
MAGSASAMA sa unang pagkakataon si Sharon Cuneta at John Arcilla sa isang horror-thriller na pelikula ni Erik Matti.
Gagampanan ng beteranong aktor at aktres ang role bilang mag-asawa, at sinabi ng Heneral Luna star na magkakaroon ang megastar ng isang kontrobersyal na eksena.
“May gagawin si Sharon Cuneta dito na hindi niya pa nagawa sa buong career niya. Very controversial,” pahayag ni Arcilla.
“Sana ma-highlight ‘yun ‘pag nasa promo na kasi talagang somehow very shocking. Medyo maraming masa-shock pero hindi magagalit sa kanya.”
Nanatiling tikom ang bibig ni Arcilla tungkol sa plot ng kanilang pelikula, ngunit sinabi n’yang maganda ang istorya nito.
“Ang daming ipapakita ng pelikula. Drama, horror, and a little bit of comic and thriller, too,” dagdag nito.
“Sobrang saya naming dalawa sa ginagawa namin. Ang saya-saya ko sa role. Ang ganda ng istorya. I really feel so blessed,” pagtatapos ni Arcilla.