ANNA MAE ALPUERTO
WAGI si Mikey Garcia makaraang talunin nito si Jessie Vargas sa 147-pounds na laban sa pamamagitan ng isang 12-round unanimous decision win.
Nakuha ni Garcia ang kontrol sa ikalimang round nang maikonekta nito ang kanyang kanang kamay sa kaliwang pisngi ni Vargas.
Dahil sa panalong ito, mistulang nakabawi na si Garcia sa pagkatalo nito sa kamay ni Errol Spence Jr. para sa IBF 147-pound championship noong Marso 2019.
Tangan naman ni Vargas ang 2-2-2 sa kanyang huling anim na laban, kung saan dalawa rito ay ang pagkabigo nito sa laban kina Timothy Bradley noong 2015 at Sen. Manny Pacquiao noong 2016.