• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Wednesday - January 27, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Europe

Pinas, delikado nga ba sa debt trap?

December 12, 2018 by Pinas News

Sina Pangulong Rodrigo R. Duterte at Chinese President Xi Jinping, pagpapakita ng lumalakas na ugnayan ng dalawang bansa.

 

Ni: Quincy Joel Cahilig

Tuloy-tuloy ang kaliwa’t kanang mga infrastructure projects sa ilalim ng Build, Build, Build program ng Duterte administration. Nakapaloob sa PHP 8.7 trillion na malawakang infrastructure program ang pagpapatayo ng mga kalsada, tulay, paliparan, train lines, irrigasyon, at dam sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Sa pagtatapos ng mga proyekto sa 2022, inaasahang bibilis pa ang paglago ng ekonomiya ng Plipinas.

 

Galing sa buwis, official development assistance (ODA), at commercial loans ang pondong ginagamit sa pagsasakatuparan ng Build, Build, Build projects. Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, sa ganitong paraan ay mas madali at mabilis ang implimentasyon kumpara sa Private Public Partnership (PPP) funding na ginawa ng nakaraang administrasyon para sa infrastructure projects.

“The ODA plus a hybrid, that is generally what we are doing. There are proposals for PPP. We are entertaining those proposals. Our method of using government financing is working, it’s faster. We are pushing as quickly as we can. I think it’s moving more quickly,” wika ni Dominguez.

Isa ang China sa mga bansang pinanggagalingan ng mga loan pangtustos sa Build Build Build projects. Hindi lingid sa karamihan na blooming ang relasyon ngayon ng dalawang rising economies sa Asia. Ito ay sa kabila ng mga isyu ng pang-aagaw ng China ng teritoryo at yamang-dagat sa West Philippine Sea, pagpuslit ng mga bilyong-pisong drug shipments dito sa bansa mula China, at ang pagdagsa ng mga illegal Chinese workers sa Pilipinas.

 

Nguni’t batay sa mga report, mas mataas ang interest rates ng loans mula China kumpara sa ibang mga bansa. Isang halimbawa ang Chico River Irrigation Project, kung saan pinautang ng China ang pamahalaan ng P3.135 bilyon na may yearly interest na 2 percent, na magma-mature sa loob ng 20 taon, kasama na ang pitong taon na grace period.

Noong 2016, nag-offer ang Beijing ng $9 bilyong halaga ng ODA sa Pilipinas. Kabilang dito ang mga sumusunod na proyekto: New Centennial Water Source-Kaliwa Dam Project, South Long Haul Project ng Philippine National Railway, Davao-Samal Bridge Construction Project, Ambal-Simuay River at Rio Grande de Mindanao River Flood Control Projects, Pasig-Marikina River at Manggahan Floodway Bridges Construction Project, Subic-Clark Railway Project, Safe Philippines Project Phase 1, at Rehabilitation of the Agus-Pulangi Hydroelectric Power Plants Project.

Sa state visit ni Chinese President Xi Jinping sa bansa kamakailan, 29 na kasunduan naman ang pinirmahan sa pagitan ng Manila at Beijing. Kasama sa mga ito ang ilang proyekto tulad ng Davao City Expressway Project at Panay-Guimaras-Negros Island Bridges Project.

Mas mataas ito kung ikukumpara sa P51.3 bilyon na loan ng Pilipinas sa Japan International Cooperation Agency (JICA) para sa first phase ng subway system. Ang loan sa JICA ay may 0.1 percent interest rate at payable sa loob ng 40 na taon, na may 12-year grace period.

Ang mapait na sinapit ng Sri Lanka 

Dahil dito, marami ang nangangamba na baka ginagamit ng China ang debt trap diplomacy para ibaon sa pagkakautang ang Pilipinas hanggang sa mapilitan ang gobyerno na ipambayad sa kanila ang ilang bahagi ng ating teritoryo.

May posibilidad na sapitin ito ng Pinas dahil ganoon ang nangyari sa Sri Lanka. Pinautang ng China ang bansa ng $1.1 bilyon para sa pagtatayo ng Hambantota port, na pinangunahan ng isang Chinese contractor. Dahil nahirapan ang Sri Lanka na bayaran ang loan, napilitan nitong ipa-lease sa China ang port sa loob ng 99 na taon. Bagay na itinuturing ng mga eksperto na banta sa soberanya ng Sri Lanka at ayon sa mga ulat, nagtatayo na ang China ng mga pasilidad dito na parte ng kanilang Belt and Road Initiative.

Babala ni Magdalo Party-list Representative Gary Alejano, may nakatagong layunin ang China sa pagpapautang nito sa Pilipinas para mapondohan ang Build Build Build. 

 

Naniniwala si Magdalo party-list Representative Gary Alejano na ang Build, Build, Build ay bahagi ng Belt and Road Initiative, na naglalayong gawing pinakamalakas na bansa sa buong mundo ang China pagsapit ng 2049. Nakapaloob dito ang pagpatatatag ng trade and infrastructure network na mag-uugnay sa Asia, Europe, at Africa. Aniya, nakita ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang makasali ang bansa sa naturang hakbangin ng China, na isang rising superpower.

Babala ng mambabatas, hindi dapat maging kampante ang gobyerno sa tulong na ibinibigay ng China dahil isa lamang itong pagbabalat-kayo.

“Kunwari nagbibigay ng suporta pero the main reason noon is to link these countries to China and to pull them into their own influence thereby removing them from their competition which is the United States,” aniya. “This is the power struggle between the United States and China, the United States, being an established power, challenged by a rising power, China. Nagkataon lang na yung Pilipinas, nandun sa gitna.”

Pinas, di masisilo

Sa gitna ng mga pangamba, mismong China na ang nagpahayag na imposible para sa Pilipinas na mahulog sa debt trap. Sa halip ay malaking tulong pa ang maidudulot ng naturang loans sa bansa.

“China’s loans only account for a very limited share of the Philippines’ foreign debts. It’s impossible for the Philippines to fall into the so-called “debt trap” due to these loans,” wika ni China Foreign Ministry Spokesperson Geng Shuang.

“We believe the relevant projects will further improve the livelihood and boost economic growth of the Philippines, providing new impetus for its national development,” dagdag pa ni Geng.

Siniguro din ng mga economic manager ng Duterte Administration na di tuluyang malulugmok sa utang ang bansa.

“This is totally unfounded. The financing we availed of are soft loans at the lowest possible interest rates and the longest possible term arrangements,” wika ni Dominguez.  Ipinaliwanag din niya na, sa pagtatapos ng Duterte administration, ang magiging estimated debt ng Pilipinas sa Chinese government ay nasa 4.5 porsyento lang ng kabuuang utang ng bansa.

Sinalag din ni Budget Secretary Benjamin E. Diokno ang mga alegasyon na papunta ang Pilipinas sa patibong na pautang ng China at sinabing maingat ang gobyerno pagdating sa loans.

“We’re very careful. We have a very rigorous process. The list of projects came from us, not from them. We have a cut-off, the project has to have an economic internal rate of return of at least 10%. If the economic rate of return exceeds the cost of borrowing, it’s a go, it makes sense. The rate of return (points to the) social worthiness of the projects,” wika ni Diokno.

Paliwanag pa ng budget secretary, kakayanin ng Pilipinas na i-absorb ang mga foreign loans dahil sa napakababang debt-to-gross domestic product ratio. Aniya, ang kabuuang utang ng bansa ay nasa 42.1 porsyento ng GDP, na inaasahang babagsak sa 37.9 porsyento sa pagtatapos ng Duterte admin.

Dagdag pa niya, maganda ang naging koleksyon ng buwis ngayong taon kaya mataas ang kumpiyansa na di lalampas sa 3% of GDP ang fiscal deficit ngayong 2018 sa kabila ng malakihang paggastos ng gobyerno sa pagtatayo ng mga infrastructure.

“We’re collecting more. Since revenue will be much higher due to the Christmas season, we usually collect more. We front-loaded our expenditures so we’re not going spend so much in the fourth quarter. So there’s no danger that we will breach our 3% deficit to GDP ratio,” wika ni Diokno.

Pambansa Slider Ticker Africa Ambal-Simuay River Asia Beijing Budget Secretary Benjamin E. Diokno Build Build Build Chico River Irrigation Project China Foreign Ministry Spokesperson Geng Shuang Chinese President Xi Jinping Davao-Samal Bridge Construction Project Duterte administration Europe Finance Secretary Carlos Dominguez III Magdalo party-list Representative Gary Alejano Manggahan Floodway Bridges Construction Project official development assistance (ODA) Pangulong Rodrigo Duterte Pasig-Marikina River Philippine National Railway Pilipinas PINAS Private Public Partnership (PPP) Rehabilitation of the Agus-Pulangi Hydroelectric Power Plants Project Rio Grande de Mindanao River Flood Control Projects Safe Philippines Project Phase 1 Sri Lanka Subic-Clark Railway Project

13-anyos pwede nang makulong, pabor ka ba? 

October 10, 2018 by Pinas News

ISANG menor de edad na nahuli sa paggamit ng iligal na droga.

 

Ni: Beng Samson

HINDI kaila sa nakararaming mga kababayan natin ang kabi-kabilang nababalitang mga krimeng kinasasangkutan ng mga menor de edad. ‘Pag sinabi nating menor de edad, ito iyong mga mababa sa disiotso anyos o labing walong taong gulang.

Ang minimum age sa criminal liability ay ang pinakamababang edad kung saan ang isang tao ay maaaring sampahan ng kaso sa korte at makulong.

Sa panahon ngayon, tumataas ang bilang ng mga krimeng kinasasangkutan ng mga menor de edad. Kabilang dito ang theft at robbery, rape, murder, kidnapping, homicide, at iba pang mga maliliit na krimen.

Karamihan sa kabataang ito ayon sa mga awtoridad at mga nabibiktima nito ay may mga lakas ng loob gumawa ng krimen dahil sa ipinatutupad na Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 na inamyendahan ng Republic Act 10630. Ayon sa batas na ito, ang isang batang may edad na labinlimang taong gulang o mas bata pa na lumabag sa batas ay ipinalalagay na walang kriminal na pananagutan subalit kailangang sumailalim sa isang intervention program.

Ang iba pa nga sa kanila ay napatunayang ginagamit ng mga sindikato at mga grupong sangkot sa pagpapalaganap at pagbebenta ng iligal na droga bilang pag-abuso sa naturang batas.

Dahil dito, isinumite ni Senate President Vicente Sotto III noong Setyembre 25 ang Senate Bill no. 2026 na naglalayong amyendahan ang Republic Act 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, ang batas na nagbabawal sa mga batang may edad 15 at pababa na makulong.

“Not only was the law abused by criminals but the innocence of these youngsters were deliberately taken from them, (Hindi lamang ang batas ang naaabuso ng mga kriminal kundi pati ang pagiging inosente ng mga bata)”, ani Sotto kamakailan sa isang panayam.

Tinukoy pa ng senador ang video na nag-viral sa social media na nagpapakita ng pananakit ng batang 15 taong gulang sa kapwa batang menor de edad hanggang sa ito ay mamatay, at ang pagnanakaw ng mga batang lansangan sa isang tsuper ng pampasaherong jeep.

Ipinaliwanag din ng mambabatas na ang panukalang batas ay mag-aamyenda sa ilang probisyon ng umiiral na batas upang ang mga batang nasa edad na mataas sa 12 at mababa sa 18 ay sasailalim sa paglilitis, maliban kung mapatutunayang ginawa niya ang krimen ng walang pagkilala o pagkakaintindi. Sakaling magkaganoon, ang bata ay hindi papapanagutin sa batas, dagdag ni Sotto.

Mga menor de edad na nahuli sa pagamit ng iligal na droga.

 

Panukala, tinutulan, tinututulan

Matatandaang inihain na noong nakaraang taon sa Kongreso ang panukalang batas na naglalayong ibaba ang minimum age ng criminal liability sa siyam na taong gulang, bagay na tinutulan ng ilang Child Rights Group.

Ayon sa UNICEF Philippines, Child Rights Network at Philippine Action for Youth Offenders (PAYO), hindi maaaring ibaba ang minimum age sa criminal liability ng mga menor de edad dahil nakalagda ang Pilipinas sa United Nations Convention on the Rights of the Child.

Ibig sabihin, kinakailangang sundin ng gobyerno ng Pilipinas ang mandato na protektahan ang karapatan ng mga bata.

Taliwas din anila ito sa prinsipyo ng criminal law.

Paliwanag naman ng Psychological Association of the Philippines at Humanitarian Legal Assistance Foundation, hindi maaaring ibaba sa siyam (9) na taong gulang ang minimun age sa criminal liability dahil hindi pa ganap ang pag-unlad ng mga bata.

Bagamat masasabi anila na may kakayahan na silang matukoy kung ano ang tama at mali ngunit kulang pa rin ang kanilang kapasidad dahil sa murang edad ay hindi pa nila ganap na makita ang pangmatagalang epekto ng kanilang mga desisyon.

Batay sa tala ng Philippine National Police (PNP), siyamnapu’t-walong porsyento ng mga naitalang krimen sa Pilipinas mula 2006 hanggang 2012 ay gawa ng mga matatanda.

Dalawang porsyento lamang ng kabuuang bilang ng krimen ang kinasasangkutan ng mga bata na kung minsan ay ginagamit pa ng mga sindikato.

Dahil dito, ang dapat daw na hulihin ay ang mga sindikatong nambibiktima ng mga bata.

Global child rights group kay Sotto: ‘You are wildly wrong’

Tinututulan din ng Child’s Rights International Network (CRIN), isang global advocacy group, ang mungkahi ni Sotto.

“We reject in the strongest terms this proposal, which will serve only to criminalize more children and will do nothing to address the underlying reasons that children become involved in crime, (Tinututulan namin ang mungkahing ito, hindi ito makareresolba kung bakit nasasangkot ang mga bata sa mga krimen)”, ayon sa CRIN sa isang panayam.

Idinagdag pa ng grupo na mas dapat pagtuunan ng pansin ang mga may sapat na gulang na humihikayat sa mga bata na gumawa ng krimen at sila ang dapat na kasuhan.

Iginiit ng grupo na dapat i-dismiss ng Senado ang mungkahing ito ng senador sapagkat hindi anila ito ang solusyon para sa pagbaba ng krimeng kinasasangkutan ng mga bata.

Tinukoy din ng mambabatas na ang minimum age o pinakabatang edad sa Asya at Africa na dapat nang papanagutin sa batas ay 11, samantalang sa Estados Unidos at Europe ay 13.

Pambansa Slider Ticker Africa Asya Child’s Rights International Network (CRIN) Estados Unidos Europe Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 Philippine Action for Youth Offenders (PAYO) Philippine National Police (PNP) PINAS Republic Act 9344 Senate Bill no. 2026 Senate President Vicente Sotto III UNICEF Philippines

Max Collins, Feeling dalaga pa rin si Misis

January 22, 2018 by Pinas News

Ni: Wally Peralta

‘HEAVEN’ yan ang feeling ngayon ng bagong kasal na si Max Collins sa Kapuso actor na si Pancho Magno.

Last Dec. 11, 2017 lang ay kinasal na si Max sa isang simpleng seremonya na ginawa sa Marriott Grand Ballroom sa Pasay City. Kaya’t sa pagpasok ng bagong taon ay may bagong pangalan na si Max, Mrs. Isabelle Abiera Collins-Magno na siya.

Sa ngayon ay hindi pa lubusan na-eenjoy nina Max at Pancho ang buhay mag-asawa nila, pareho kasi silang may showbiz commitments na hindi pa natatapos bago sila nagpakasal, si Pancho ay may on-going teleseryeng “Haplos” na pinagbibidahan niya kasama sina Sanya Lopez at Rocco Nacino, samantalang si Max Collins ay may bagong soap opera na ginagawa ang “The One That Got Away” kasama sina Dennis Trillo, Lovi Poe, Rhian Ramos, Jason Abalos, Ivan Dorschner, Migo Aldecer, Snooky Serna at marami pang iba.

Ano kaya ang unang pumasok sa isipan ni Max noong first day na misis na siya?

“I have now a bigger family, ang saya-saya, ha ha ha!” ang masayang bungad ni Max.

“I spend the holiday season with his family. Malaki talaga ang pamilya ng mister ko.”

 

Adjustment period

Kahit pa sabihin na almost one month na rin niyang nakakasama ang mister sa buhay ay aminado ang young actress na nasa adjustment period pa rin siya. Pagdating naman sa kanyang personal na pakiramdam, super happy raw si Max sa bagong buhay niya kapiling ang mister pero sa ngayon ay may mga bagay na ina-adjust pa rin ang actress.

Noong nagsama na raw sila sa iisang bubong ni Pancho, feeling ni Max ay mag-boyfriend at girlfriend pa rin sila.

“Kakaiba talaga pala yung feelings na may asawa ka na, lalo pa ang napangasawa mo ay yung taong mahal mo!”

“Since na katatapos lang holiday season, bonding time sa kanyang pamilya at sa pamilya ko rin dagdag pa rito na kakasal pa lang namin ni Pancho, frankly speaking hindi pa talaga nagsi-sink-in sa isipan ko right now na married na ako, ha ha ha ha,” ang masayang say ni Max.

“After the wedding kasi, nagkaroon ng maraming trabaho, di ba? We’ve been promoting, taping and going to so many events ng GMA-7.”

“Busy si Pancho with his show Haplos, ‘tapos ako naman itong ‘The One That Got Away’”.

“Magkaiba minsan ang schedules namin sa work kaya halos hindi kami magkasama sa iisang araw lang. But we’re doing our best to really adjust to this married life.”

“May malaking pagbabago na talaga. Iba na talaga, kasi by this time ay hindi lang yung sarili mo ang iisipin mo. Dapat isipin mo rin yung husband mo. Yun talaga ang differences, now im less selfish. Mas naging pasensiyosa ako, mas naging loving.”

 

Pending honeymoon

Isang magandang pangyayari sa buhay ng bagong kasal ay ang kanilang honeymoon period. Dito mas lalong napapamahal ang bawat isa dahilan sa puno ng pagmamahalan ang mga araw na ginagawa nila ang honeymoon. Sa kaso ni Max, kasal pa lang ang nangyari sa kanila ng mister at wala pang honeymoon na nangyayari?

 

“Pag may time na kami saka na siguro yung honeymoon,” ani  ni Max.

Does it means also malabo pang maghoneymoon sila ni Pancho this year?

“Siguro this year din after noong show namin, may ‘The One That Got Away’ ako, while my husband mayroon siyang ‘Haplos’ both on GMA-7”.

“Pag nagbakasyon kami gusto namin yung one month honeymoon period, ha ha ha ha.”

“Isang mahabang bakasyon sa Europe. We want to go to Italy, Greece and Spain.”

 

Baby soon

Wala man oras o araw na binigay si Max kung kailan talaga this year magaganap ang honeymoon, natanong na rin ang bagong kasal kung sabay na ba sa one-month long vacation nila ng mister ang pagbuo ng pamilya, as in feel na rin nila na magkababy agad?

“Oh well, ha ha ha ha, no one can tell!”

“Pero kung ako lang ang masusunod, hindi pa ako ready this year, baka next year okey na sa akin magdalangtao.”

“Kasi right now bisi-bisihan pa kami pareho at ngayon taon ay pareho naming priority ang work.”

 

Bagong buhay, bagong bahay

Sa ngayon ay aminado si Max na wala pa silang dream house na titirahan na mag-asawa, pag-iipunan pa raw nila ito at pansamantala ay sa isang townhouse na muna sila manunuluyang mag-asawa.

“Nakiusap ako kay Pancho na sa townhouse muna kami kasi binabayaran ko pa ‘yon. He’s going to help me pay it off and then eventually yung goal namin is makalipat sa mas malaking bahay.”

“Gusto namin mag-ipon muna habang nagtatrabaho, so it is more of a practical decision.”

“By now we are living in our new house, and with my brother with us for the meantime. Moving in all those stuffs to our new house, hindi pa tapos. May portion pa rin ng house na hindi pa masyadong naayos, gusto namin ayusin yung kitchen, we want it more bigger kasi kami na rin ng asawa ko ang magluluto.”

“Actually hindi pa ako sanay magluto, si Pancho pa rin ang nagluluto, sa ngayon ay ini-enjoy ko muna yung process.”

“We do chores together, kaming dalawa na rin ang naglilinis. Pati na rin yung decoration sa bahay ay kaming mag-asawa ang nagtutulong-tulong mag-ayos.”

 

Walang kasambahay

“Kasi as starter we want to start na kami lang ng mister ko,” pagtatapos ni Max.

Showbiz Slider Ticker “Haplos” Dec. 11 2017 Dennis Trillo Europe GMA-7 Ivan Dorschner Jason Abalos Lovi Poe Marriott Grand Ballroom Max Collins Feeling dalaga pa rin Migo Aldecer Mrs. Isabelle Abiera Collins-Magno Pancho Magno Pasay City Rhian Ramos Rocco Nacino Sanya Lopez Snooky Serna The One That Got Away Wally Peralta

Polish Government: tularan ang mga kuneho sa pagpaparami

November 24, 2017 by Pinas News

Ni: Ana Paula A. Canua

HINIHIKAYAT ng Polish government na magparami ang mga mamayan nito na katulad ng mga kuneho.

Ayon sa Health Ministry ng Poland sa kanilang tala may pinakamababang birth rate ang Poland sa buong Europe.

Kaugnay nito naglabas ng youtube video ang Health Ministry na nagpapakita ng mga kuneho na kumakain habang hinihikayat ng narrator na magpamilya at magkaanak ang mga Polish residents na  nasa ‘reproductive years’ na nasa edad 18 hanggang 45 taong gulang.

Isinusulong din ng Health Ministry ang healthy lifestyle na lubos na makatutulong sa reproductive health ng kanilang mga mamamayan.

Ayon sa kanila nais lamang nilang magbahagi ng kaalaman sa isyu at walang intensyon na hiyain at magbigay ng malisya.

Balitang Pambihira Slider Ticker Trending Ana Paula A. Canua Europe Health Ministry Poland

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.