Ilan lamang sa mga set-ups ng MSD GODSPEED.
Pinas News
MINSAN ba naiisip mo, paano ginagawa ang mga set-up na nakikita mo sa malls, sa mga job fairs at iba pa? Gaya ng set-up ng The Wedding Library? Ang taun-taon na nagaganap sa World Trade Center na WorldBex Services International? Halina’t alamin at kilalanin ang gumagawa ng magagandang set-up ng mga ito.
DI MATITIBAG, LALONG LUMALAKI
Tinatawag na System Booth Contractor ang gumagawa ng mga set-up na nakikita natin sa Malls, WorldBex event, at maski sa mga event ng ABS-CBN at marami pang iba. Nagsimula bilang isang pampamilyang negosyo, ang MSD EXHIBITS SYSTEMS at masasabing bihasa na sa ganitong linya ng negosyo. Sa tagal nitong 24-taon sa negosyo, sino nga ba ang mag-aakala na lalaki at magiging korporasyon na ang dati’y simpleng serbisyo lamang ang ibinibigay.
Ang MSD ay kuha sa pangalan ni Mr. Domingo na Melchor Sacramed Domingo.
“MSD Godspeed Exhibits Corporation started as a single proprietorship company known as GODSPEED EXHIBITS SYSTEMS in May 1992. As the exhibition market expanded, it became a corporation,” pahayag ni Mr. Melchor Domingo, President ng MSD GODSPEED.
“It was registered and approved by the Securities and Exchange Commission (SEC) on July 3, 2007,” dagdag pa ni Mr. Domingo.
“As one of the key players in the exhibition business for the last 24 years, MSD Godspeed evolved from a system booth contractor to a total exhibition service provider, serving end-to-end services to customers,” wika ni Mr. Domingo.
Sa 24 taon na pagbibigay kasiyahan at pagkakuntento sa kanilang mga kustomer, napatunayan at napapatunayan ng MSD GODSPEED na sa lahat ng kanilang ginagawa talagang “do it well.”
Ang layunin ng kumpanya ay makapagbigay at makapag-iwan ng “WOW” effect sa kanilang mga kustomer.
“Here at MSD GODSPEED, we always make sure to deliver WOW through service in what we do. We also would want to build positive team & family spirit, passion for our work, and as well as we practice learn, educate, innovate, empathy, respect and integrity values through our services,” wika pa ni Domingo.
MGA BUMUBUO SA CONSTRUCTION BOOTH BUSINESS
Dala ng paglago ng kumpanya ang pagdagdag din ng mga empleyado upang mas matutukan at mapaganda pa ang mga proyekto na kanilang ginagawa. Sa ngayon ay may kasalukuyang animnapung Regular Staff of Marketing & Sales, Design & Cost Estimate, Production & Graphics, System, Material & Project Management, Finance & Accounting, HR & Support at mayroon din silang mahigit dalawan-daang On-Call Workers para sa Assemblers, Movers, Electricians, Carpenters at Painters.
Hindi basta-basta ang MSD GODSPEED construction business dahil sila ay miyembro ng PACEOS Philippine Association of Congress & Exhibition Organizers & Suppliers, SMX Convention Center, SMMTH SM Mega Trade Hall, at UAP United Architects of the Philippine.
Ang PACEOS ay isang organisasyon ng mga suppliers at organisers sa Pilipinas na naitatag noon 1981 at kasalukuyang may apatnapung miyembro. Kasama na dito ang mga nangungunang professional event, exhibition at convention organizers, booth contractors, freight forwarders at maging sa travel and tours agencies, airlines, printing at iba pang agencies.
Sa taong 2016 ay may objective ang MSD GODSPEED, yun ang maging pinakamalaking Exhibition Systems provider sa Pilipinas.
“Our objective for the year 2016 is to be the biggest Exhibition Systems provider in the country. Currently, we have a stock of 720 units of 2m x 3m x 2.5m(H) booths, but plans to acquire by year end an additional 600 units of 2m x 3m x 2.5m(H) or for combined total of 1,200+booths, capable of supplying major exhibition halls combined,” sabi ni Mr. Domingo.
“It has also a wide-variety of furniture’s, fixtures and electrical for rent/lease that normally organizer exhibitors/customers will need in their booth. It has also a production plant capable to fabricate 1,000sq.m. of exhibition area equipped with the latest tools and technology under the guidance of a licensed Architect as its head,” dagdag ni Mr. Domingo.
Kasalukuyang pinamumunuan ng anak ni Mr. Domingo ang MSD GODSPEED. Si Ms. Gizelle Domingo, na namamahala sa Materials & Project Manager.
Sa murang edad, ay namulat na si Ms. Gizelle sa ganitong klase ng business kaya naman simula ng makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo ay siya na ang katuwang ng kanyang ama sa kanilang negosyo.
Ilan sa mga serbisyo ng MSD Godspeed ay Booth Contractor for Exhibitions & Events Project Management Branding +Creative Design, Product Exhibit Methodology, Story Board, Lighting Design, Graphic Design, 3D Design, Technical Design, Audience Generation, Brand Personality Operations Installation & Dismantling Maintenance & Storage, Logistics Management Signage & Visual Identity, Furniture & Fixtures Rental at Electrical & Audio Visual Rental.
Dahil sa maraming kailangang kasangkapan sa business na ito, may sariling warehouse ang MSD GODSPEED na matatagpuan sa Lot 21 Block 110 Phase 1 Neopolitan 1, Villa Viena, Mindanao Ave., Greater Lagro, Quezon City.