HANNAH JANE SANCHO
KINUMPIRMA ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa Sonshine Radio na sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) si VP Leni.
Sa Press Briefing sa South Korea nagpaliwanag si Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa naging desisyon ni Pangulong Duterte sa kabila nang hindi pa umaabot sa isang buwan ang appointment kay VP Leni bilang Anti Drug Czar.
Ani Panelo, tugon na rin sa suhestiyon ni Liberal Party President Francis Pangilinan na alisin na lang ang Bise Presidente sa ICAD kasunod sa pahayag ng Panguulo na wala itong tiwala sa Bise Presidente.
Isa rin sa dahilan ayon sa tagapagsalita ng Palasyo na ang pahayag mismo ni VP Leni na tila panunuya nito sa Pangulo na alisin sa pwesto.
Magugunitang sinabi ni Pangulong Duterte na wala itong tiwala sa Bise Presidente dahil bahagi ito ng oposisyon.