EYESHA ENDAR
NAG-DONATE ng isang milyong HongKong dollars o katumbas ng mahigit 6.6 million pesos ang martial star at film producer na si Donnie Yen para sa mga Wuhan medical workers sa China.
Say ni Donnie, ito ay bilang pagbibigay pugay at pasasalamat sa lahat ng medical staff na nasa front line ng laban kontra coronavirus.
Naniniwala rin aniya siya na maipapanalo ng China ang laban sa pagpigil sa paglaganap ng sakit.
Dahil dito, marami ang humanga sa hongkong star sa isinagawa nito para sa mga dakilang medical workers na nasa ground zero ng covid-19.
Nakilala si Donnie sa mga pelikula gaya ng “IP Man”, “Enter The Fat Dragon” at marami pang iba.