EYESHA ENDAR
PATULOY paring binabantayan ng Armed Forces of the Philippines ang mga Chinese vessels sa West Philippine Sea.
Ito ay sa pamamagitan ng application na Automatic Identification System o AIS.
Sa pamamagitan ng aplikasyon ay makikita kung anong klasipikasyon at characteristic ng barkong dumadaan sa katubigan ng Pilipinas.
Ayon kay AFP spokesman Edgar Arevalo, ipinapaubaya nila sa mga political leaders ang kanilang kailangang gawin sa kanilang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa.
“Make appropriate reports kagaya nito para sa ating mga political leadership sapagkat sa aspeto po ng foreign relations at policy hindi naman po yan sakop ng AFP, so what we can do is to perform our mandate and continue out maritime awareness patrol,” pahayag ni Arevalo.