EYESHA ENDAR
HINIHIMOK ni Ako Bicol Party-List Rep. Alfredo Garbin ang Kamara na payagan si Pangulong Duterte na atasan ang Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR na pondohan ang Philippine Sports Commission (PSC) at Commission on Higher Education (CHED).
Sa House Resolution No. 147 na inihain ni Garbin, sinabi nito na mayroong “urgent necessity” sa ngayon para himukin si Pangulong Duterte na gamitin ang kanyang executive powers para pondohan ang mga nabanggit na tanggapan.
Aniya, mahalaga ang fund continuity sa CHED dahil sa dami ng mga estudyanteng umaasa sa tulong ng gobyerno habang sa PSC naman ay ang patuloy na paghahanda ng bansa sa hosting ng 2019 SEA Games.
Pinatutukoy din ng kongresista sa PSC, CHED, Department of Budget and Management, at Department of Finance ang funding support na kanilang kakailanganin mula sa PAGCOR.