• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Thursday - January 28, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Facebook

Masamang epekto ng pagpupuyat

January 15, 2020 by PINAS

NI: MARILETH ANTIOLA

 

MARAMING dahilan kung bakit nagpupuyat ang isang tao. Nariyan ang paggawa ng mga homework, deadlines at requirements sa school at mga gawain na hindi natapos sa trabaho.

Ang iba naman ay nagpupuyat dahil sa kakalaro nila ng mga online games kagaya ng Mobile Legends, DOTA at hindi mawawala ang social media tulad ng Facebook, Messenger, Twitter, Instagram at mga online dating apps.

Sa isang araw ay may 24 oras, na nahahati-hati sa iba’t-ibang mga aktibidad. Anu’t-ano paman, parang hindi sapat ito at kadalasan nagigising pa rin ang marami na animo’y parang walang tulog at pagod na pagod.

Hangga’t maari dapat  iwasan ang pagpupuyat dahil hindi mabuti ang epekto nito sa kalusugan.

Maaring maapektuhan ang mental health ng isang taong laging nagpupuyat.

Mahihirapan din ang isang taong walang sapat na tulog upang makabuo ng isang mahusay na desisyon sa anumang bagay na gagawin.

Hindi magiging masaya ang araw ng isang taong nagpuyat dahil sa pakiramdam na parang gutom na gutom, pagod at antok na antok.

Malaki ang tyansa na bumaba ang alertness level at productivity level ng isang taong walang sapat na tulog.

Hindi makakabuti sa memorya ng tao ang madalas nagpupuyat.

Habang maaga pa at bata ka pa ay baguhin ang nakasanayan na pagpupuyat palagi dahil wala itong magandang maidudulot. At huwag sayangin ang iyong oras sa mga bagay na walang kabuluhan.

Kailangan ng isang tao ang pito hanggang walong oras na tulog araw-araw para sa mabuting kalusugan at magampanan nang maayos ang mga gawain.

 

Lifestyle Slider Ticker Facebook Instagram Messenger Twitter

Facebook, nangungunang social media sa fake news

June 17, 2019 by PINAS

BATAY sa 2019 CIGI-Ipsos Global Survey on internet security and trust pinakamataas sa mga respondents na sinasabing sila ay naloko sa fake news ay ang bansang Egypt na may 93 percent.

 

SMNI NEWS

NASA halos 90% ng internet user sa buong mundo ang naloloko sa kumakalat na fake news sa social media.

Batay sa 2019 CIGI-Ipsos Global Survey on internet security and trust, 86 percent ng 25,000 internet users mula sa 25 bansa sa buong mundo ang naloloko ng fake news.

Pinakamataas sa mga respondents na sinasabing sila ay naloko sa fake news ay ang bansang Egypt na may 93 percent.

Sinundan ito ng North America na may 87 %, sunod ang Canada na may 86 percent at Pakistan na may 72 percent.

Nangunguna sa mga social media platform sa pinagmumulan ng fake news ang Facebook na may 77%, sunod ang Twitter na may 62%

Isinagawa naman ang 2019 CIGI-Ipsos Global Survey noong December 21, 2018, hanggang February 10, 2019 mula sa 25,229 internet users mula Australia, Brazil, Canada, China, Egypt, France, Germany, Great Britain, Hong Kong (China), India, Indonesia, Italy, Japan, Kenya, Mexico, Nigeria, Pakistan, Poland, Russia, South Africa, Republic of Korea, Sweden, Tunisia, Turkey at US.

Pambansa Slider Ticker 2019 CIGI-Ipsos Global Survey Facebook nangungunang social media sa fake news

Pinas, handa na ba sa 4th Industrial Revolution?

February 26, 2019 by Pinas News

SUMAPIT na ang 4th Industrial Revolution, ang pagsasanib ng pisikal, digital, at biological worlds. Handa na ba ang Pilipinas para dito?

Ni: Quincy Joel V. Cahilig

SA takbo ng panahon ngayon, kaagapay natin ang modernong teknolohiya tulad ng internet, smart phone, at computer sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Kung naghahanap ng kasagutan sa katanungan at iba pang impormasyon, andyan ang Google. Kung gusto natin maging connected sa mga mahal sa buhay saan man sa mundo, nandyan ang Facebook. Kung kailangan natin ng direksyon sa lugar na pupuntahan, nandiyan ang Waze.

Malaki ang naitutulong ng mga bagong teknohiyang ito para mapadali ang ating mga gawain.  Kaya sa ngayon, obligadong matutunan ang paggamit ng mga ito dahil kapag hindi ka marunong, mapagiiwanan ka. Lalo na’t mabilis na ang progreso ng teknolohiya at halos taon-taon ay may bagong innovation, gaya ng kotseng kayang magmaneho mag-isa, mga robot na kumikilos, nagsasalita, at nag-iisip na parang tao. Yung mga dating napapanood lang sa pelikula, ngayon ay realidad na.

Ayon kay Professor Klaus Schwab, founder at executive chairman ng World Economic Forum, sumapit na ang isang rebolusyon na magbabago sa pamumuhay, pagtatrabaho, at pakikipag-uganayan ng sangkatauhan—ito ang 4th Industrial Revolution.

Sa unang Industrial Revolution, naging industrial at urban ang maraming rural societies dulot ng imbensyon ng mga makina. Sa ikalawa, nagkaroon ng kapabilidad para sa mass production; at sa ikatlo nangyari ang digital revolution, kung kailan napalitan ang electronic at mechanical technologies ng digital technology, na siyang ginagamit natin ngayon.

Ayon kay Schwab, kakaiba ang 4th Industrial Revolution sa mga nauna dahil taglay nito ang iba’t-ibang bagong technology na pinagsasama ang physical, digital, at biological worlds na bumabago sa takbo ng mga ekonomiya, discipline, at industriya. Pinalawak at pinabilis ng teknolohiya ang ugnayan ng mga tao, pinataas ang efficiency sa trabaho, at lumikha ng mga paraan upang mapangalagaan at pagyamanin ang kalikasan, na unti-unting nasira ng mga nagdaang industrial revolutions.

Sa kabila nito, may pangamba na kung hindi makakasabay ang mga pamahalaan sa mundo sa pagbabago, maaring makapagdulot ito ng mga bagong security concern at lalong magwawatak-watak ang lipunan.

HINIHIKAYAT ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang mga entrepreneur sa bansa na iakibat ang teknolohiya sa pagpapalago ng kanilang mga negosyo.

 

DIGITALIZATION: SUSI SA PAG-UNLAD

Wala na ngang atrasan ang pagsabak ng mundo sa 4th Industrial Revolution kaya dapat itong paghandaan upang mapakinabangan ang mga benepisyong hatid nito na magpapaunlad ng kabuhayan.

Inaasahan ng Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) na palalakasin ng digitalization ang domestic output ng bansa sa mga financial technology innovation na nagpo-promote ng inclusive growth. Kaya naman isinusulong ng pamahalaan na mapayabong ang financial technology (fintech) dito sa bansa.

Ayon kay BSP Governor Nestor Espenilla Jr, maaring tumaas pa ng 14 porsyento ang gross domestic product (GDP) ng bansa kapag nalutas ang financial inclusion gap sa tulong ng fintech.

Dagdag pa ng BSP chief, naniniwala ang World Bank na malaki ang maitutulong ng fintech kaugnay ng regulatory initiative sa pagpapaunlad ng GDP.  Malaki rin aniya ang potensyal ng ganitong teknolohiya para pababain ang remittance cost para sa mga overseas Filipino workers.

“Transaction costs for remitting $200 currently average at 7.1 percent of transaction amount globally. This can drop to as low as two percent,” wika ni Espenilla.

Bukod dito, isinusulong din ng pamahalaan ang iba pang online-based banking and financial services para sa mga mga Pinoy sa loob at labas ng bansa, at para sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na pwedeng ma-access gamit ang mobile phone.

Naniniwala naman si Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na malaking tulong ang teknolohiya sa mga MSMEs, na bumubuo ng 99.6 porsyento ng ekonomiya ng bansa, upang makasabay sa 4th Industrial Revolution. Kaya lagi niyang ipinapaunawa sa mga negosyante na, “Don’t fear digitalization, embrace it” dahil mas mapapadali nito ang kanilang trabaho.

“We have to teach our entrepreneurs and businessmen how to adapt to the dynamic landscape and adopt technology and innovation to further their businesses. It’s moving their enterprises from simply operating on “survival” mode to sustainability and success,” aniya.

Sa digitalization, mas malaki ang market access ng mga negosyante sa pamamagitan ng mga online platforms gaya ng Lazada at Shopee, kung saan pwede makasabay ang mga maliliit na negosyo sa malalaki dahil direkta nilang naititinda sa mga consumers ang kanilang produkto kahit na wala silang puwesto sa mga department stores.

“I believe the 4th Industrial Revolution is going to be pro–poor and pro–innovation, and will help our micro–entrepreneurs achieve real prosperity,” pahayag ni Concepcion.

Maituturing din na malaking hakbang para makasabay ang bansa sa bagong industrial revolution ang pagsasabatas ng Republic Act No. 11165 o Telecommunting Act, na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan na nag-institutionalize ng work-from-home na scheme sa pribadong sector.

Sa naturang batas, pinapayagan ang telecommunicating, o kapag ang isang empleyado ay nagtatrabaho sa labas ng opisina gamit ang computer technology bilang isang lehitimong paraan ng pagtatrabaho, on a voluntary basis.

AYON sa pag-aaral, nasa 800 milyong trabaho ang mawawala pagsapit ng 2030 dahil sa automation.

 

MALAKING HAMON

Sa kabila ng mga ito, naniniwala ang ilang eksperto na hindi pa ganap na handa ang Pilipinas sa 4th Industrial Revolution.  Ayon kay Reynaldo C. Lugtu Jr. ng Hungry Workforce Consultancy, napag-iiwanan pa ang Pilipinas sa paggamit ng digital technologies sa trabaho. Karamihan umano ng mga kumpanya ay kasalukuyan pa lang sumasailalim sa automation process, na sana’y nagawa na noong 3rd industrial revolution.

“We are not yet even capitalizing on the 3rd industrial revolution. What more in the 4th industrial revolution? The 3rd industrial revolution is still being adapted by many organizations and companies in the Philippines. We have to fully capitalize on that first,” ani Lugtu.

Dahil dito, hindi pa lubusang matatamo ng bansa ang benepisyo ng digitalization gaya ng 50 porsyentong pag-angat sa productivity, at iba pang mga innovation.

Naniniwala naman ang isang ekonomista na mahalagang matugunan muna ng pamahalaan at mga kumpanya ang mga isyu sa labor relations at captial lalo na’t nakikitang uusbong ang “gig economy” o ang mga independent at freelance worker.

“The issues raised by the gig economy and non-regular employment contracts call for a rethink of labor laws in light of rapid technological and organizational changes,” pinunto ni Emmanuel Esguerra ng University of the Philippines.

Sa kasalukuyan, maaring masabi na maganda ngunit “risky” ang pagiging freelance worker dahil wala itong benepisyo na gaya ng itinatakda sa mga regular na empleyado.

Naniniwala din si Esguerra na nanganganib na mawala ang mga manual, routine, at blue-collar jobs sa pagratsada ng 4th industrial revolution.

Batay sa report ng McKinsey Global Institute, ang advancements sa artificial intelligence at robotics ay magdudulot ng pagkawala ng nasa 800 milyon na trabaho sa buong mundo pagsapit ng 2030.

Kapwa naniniwala ang dalawang eksperto na marami pang dapat maisagawang mga hakbang bago lubusang makasabay ang bansa sa digital trend na nagaganap sa buong mundo.  Kaya naman kailangan matugunan ng pamahalaan, sa tulong ng lahat ng sektor, ang hamon ng 4th Industrial Revolution sa lalong madaling panahon.

Pambansa Slider Ticker 4th Industrial Revolution Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) Facebook Google gross domestic product (GDP) Hungry Workforce Consultancy Lazada McKinsey Global Institute micro small and medium enterprises (MSMEs) Pangulong Rodrigo Duterte PINAS Professor Klaus Schwab Quincy Joel V. Cahilig Republic Act No. 11165 Reynaldo C. Lugtu Jr. Shopee Waze World Bank

Digital detox: Paraan upang maiwasan ang pagka-hook sa digital world

February 12, 2019 by Pinas News

 

Digital detox

Marami sa atin ang hooked sa paggamit ng smartphone, kaya naman panahon na upang mag-digital detox.

Ni: Jonnalyn Cortez

SA NGAYON, maraming tao ang gumugugol ng napakahabang oras gamit ang kanilang mga smartphones. Nariyan ang mag-selfie, mag-update ng status sa Facebook, Twitter at Instagram, mag-laro, mag-email at marami pang iba. Meron ngang ilang gamit ang kanilang cellphone para sa trahabo.

Ngunit, kailan mong masasabi na sobra na at tama na? Kaya mo bang gawin ang digital detox o digital diet upang gamitin ang iyong oras para gawin ang mas importanteng bagay?

Hindi makakaila na maraming benepisyo at pinapadali ng digital world ang buhay ng mga tao. Sa isang click, maaari mo nang gawin at makita lahat, kaya naman marami ang nahuhumaling dito. Pero, gaano kahabang oras ba ang nawawala sa buhay mo gamit ito?

Ang digital detox ay isang hakbang upang matukoy kung ano talaga ang pinakaimportante at pinakamahalagang app at devices ang kinakailangan mo.

Malaki ang pakinabang sa paggamit ng mga digital devices ngunit parang ito na ang kumokontrol sa iyong buhay.

Hindi nga siguro madali sa ilan ang ihinto ang paggamit ng social media apps ngunit maaaring makasanayan ito kapag nasimulan.

Ang sunud-sunod na notification mula sa iyong Messenger at e-mails ay maaaring sirain ang iyong konsentrasyon at focus sa paggawa ng mas importanteng bagay. Mahalagang matutunan ang tunay na dahilan ng paggamit ng social media at huwag hayaan na kontrolin ka nito.

Ayon sa librong “The 4-Hour Workweek” ni Timothy Ferriss, maaari mong simulan ang digital detox sa pamamagitan ng pagbibigay ng limitasyon sa iyong sarili. Bawasan ang pagbabasa ng mga tsismis online, spam emails at status updates.

Pwede mo ring patayin ang notifications sa iyong cellphone upang maiwasan ang pag-check ng iyong digital devices kada sandali. Ang pagbabasa ng notifications ay maaring mag-udyok sa iyo na mag-scroll at mag-check ng iyong buong social media account.

Maaari ka rin magtakda ng “low info day” kung kailan iiwas kang gamitin ang iyong digital devices at gumawa ng mga bagay sa real world. Hindi lamang nito mabibigyan ng sapat na oras ang iyong sarili at ang mga mas importanteng bagay, kundi mapapanatili mo rin ang iyong mental well-being.

Importanteng masanay gawin ang digital detox upang makita ang mga mas importanteng bagay na dapat gawin. Ang pag-iwas o pagbabawas ng oras na ginugugol gamit ang smartphone ay magbibigay ng mas maraming oras upang matapos ang iba pang mga trabaho.

Slider Teknolohiya Ticker Digital detox: Paraan upang maiwasan ang pagka-hook sa digital world Facebook Instagram Jonnalyn Cortez PINAS Twitter

Realme ang bagong smartphone sa bansa

December 18, 2018 by Pinas News

Ni: Eugene Flores

SA panahong ang mga kabataan ay patuloy na nahuhumaling sa paggamit ng gadgets, tiyak na pagkakaguluhan ang pagpasok sa bansa ng Realme, isang smartphone brand.

Ang Realme ay nabuo mula sa Chinese brand na Oppo, upang makapagbigay ng smartphones na hindi tataas sa P15,000. Unang lumabas ang brand na Realme noong Mayo sa bansang India na pinapangunahan ni Sky Li, dating global vice president ng Oppo. At sa kalahating taon pa lamang nito sa industriya ay nakapaglunsad na ito sa mga bansang Vietnam, Malaysia at Thailand. Dagdag pa rito ang pagbubukas ng Realme sa Pilipinas.

BEST-SELLING SMARTPHONE NG LAZADA

Sa katatapos na 11.11 sale ng Lazada, isang online shopping at selling destination sa Timog-Silangang Asya, nanguna ang Realme sa mga pinakamabentang smartphone. Dinaig pa nito ang mga brand na Samsung na pumangalawa, Xiaomi, Apple at Huawei.

Sa loob lamang ng 21 minuto ay nakabenta na ang Realme Indonesia ng 40,000 smartphones na siyang gumawa ng bagong sales record. Isang libong smartphones naman ang nabenta sa Thailand sa loob lamang ng walong minuto sa sikat na 11.11 online shopping. Sa Malaysia, 2,500 ang nabenta sa loob ng dalawang oras.

Ang malakas na benta ng Realme ay nagpapatunay na isa ito sa pinakamainit na smartphone ngayon sa Timog-Silangang Asya. Nakapagtala rin ito ng sold-out sales at pinakamabilis na paglaking brand.

Naging malakas ang simula ng Realme brand sa India bago pa man nanguna sa online shopping platforms matapos makapagbenta ng apat na milyong smartphone sa loob lamang ng tatlong buwan.

Ayon sa brand, ipagpapatuloy pa nila ang pagasaliksik at pag-improve ng kanilang smartphone upang makasabay sa trend at makuha ng mga konsumer, lalo na ang mga kabataan, ang kanilang nais sa isang smartphone.

“As a new smartphone brand in South East Asia, our achievements in the recently concluded 11.11 National Online Shopping Day in Lazada is a testimony that Realme is a game changer brand. With our upcoming launch in the Philippines, we are confident of delivering a new value to Filipino consumers soon,” wika ni Realme SEA Marketing Director, Josef Wang.

ANG launching ng Realme sa Pilipinas

 

KATANGIANG TUNAY ILABAS

Layunin nito makapagbigay sa kabataan ng produktong garantisado ang tibay, husay at pasok sa makabagong porma upang mas mailabas ng bawat isa ang kakaibang katangian at kagalingan.

Pokus din nito ang mga kabataan na nais mas magawang personal ang kanilang mga smartphone at upang makamit ang nais na kasiyahan dito.

Ayon sa kanilang datos, mga kabataan din ang pinakarami nitong consumer.

Mabilis din itong nakapagbuo ng “community” sa mga kabataan para sa mga gumagamit at nais gumamit ng brand.

Patuloy sa pag-abante ang Realme at kasalukuyan ang may pinakamataas na smartphone rating na may iskor na 4.5 out of 5 sa Amazon India’s Best Sellers list.

Hindi lalagpas sa P15,000 ang presyo ng Realme at mayroon silang apat na smartphones. Unang una rito ang Realme 1 na lumabas noong Mayo. Nagkakahalaga ito ng 10,490 rupees o P7,780.43. Sunod na inilabas ang Realme 2 noong Agosto na nagkakahalaga lamang ng 8,990 rupees o P6,667.88. Noong Setyembre nilabas ang Realme 2 Pro na nasa 13,990 rupees o 10,376.38 pesos at Realme C1 na nasa Rs. 8149 o 6,044.11 pesos. Ang mga ibinigay ay presyo sa India na itinumbas sa peso ngunit ang presyo ay maaaring magbago kapag pormal na inilunsad ang brand sa bansa.

NABURA rin ng Realme ang sales record ng Flipkart sa India

 

BAGONG SMARTPHONES BAGONG LOGO

Ito ang inihayag ng realme. Ang mga kasalukuyang smartphone ay gagamit pa rin ng lumang logo ngunit ang susunod ay may bagong logo na. Kamakailan ay inilunsad nito ang bagong logo na likha ni Eddie Opara, ang partner at chief designer sa  Pentagram design consultancy.

Sinisombolo umano ng malaking letrang “R” ang original na hangarin ng brand na magbigay ng dekalidad na produkto sa kabataan samantalang ang maliit na letrang “r” ay simbolo ng tunay na sarili ng mga kabataan.

“Realme hopes to create a symbol for young people through the new brand logo, the one they can identify with, and where they see a visual symbol of their emotional identity and belonging,” wika ni Li na tuluyang humiwalay sa Oppo noong Hulyo upang ituloy ang Realme brand.

Inaabangan at inaasahang magiging matagumpay ang pagpasok ng Realme sa bansa. Maari sila sundang sa kanilang social media pages tulad ng Twitter, Youtube, Facebook at Instagram.

“We have worked hard to prepare the launching of Realme Philippines, as early as now we will listen to and understand the needs of Filipino consumers to provide appealing offers and campaigns.” Wika ni Jacky Chen, chief operating officer ng Realme Philippines.

Slider Teknolohiya Ticker Amazon India’s Best Sellers list Facebook Instagram Jacky Chen Lazada Malaysia Oppo PINAS Realme Realme Indonesia SEA Marketing Director Josef Wang Thailand Twitter Vietnam YouTube

Kumita ng pera: Pakinabangan ang social media

November 21, 2018 by Pinas News

Kumita

Ni: Maureen Simbajon

SA panahon ngayon ng makabagong teknolohiya, ang social media ay mahalagang katulong sa pagpapakilala at pagpapalago ng negosyo.

Isa sa mga pinakasikat na social media sa kasalukuyan ay ang Facebook na mayroong mahigit na dalawang bilyong aktibong gumagamit base sa istatistika noong Hunyo 2017.

Mapa-personal o propesyonal, ang social media channel na ito ay may malawak na hanay ng demograpiko na tumatambay dito ilang oras kada isang linggo.

Gayunpaman marami sa mga negosyo na ito ang nagtatanong kung gumagana nga ba ang mga Facebook ads at kung papaano?

Ang Facebook ads ang karaniwang pinakamura at pinakamadaling paraan ng online advertising, subalit upang magtagumpay, kinakailangang maging matalas sa iba’t-ibang paraan ng paggamit nito.

Kapag ginamit nang maayos, ang social media ay lubos na magiging kapaki-pakinabang sa pagtayo at pagpapatibay ng anumang negosyo.

Narito ang ilan sa mga paraan upang gawing mas epektibo ang paggamit ng social media sa pagnenegosyo:

larawan: Piliin ang akmang layunin na nais ipabatid.

 

 

Gumawa ng bahagyang magkaibang bersyon ng iyong Facebook ad upang malaman kung alin ang makakakuha ng pinakamaraming tugon o reaksyon.

 

  1. Tiyakin ang layunin ng iyong negosyo

Magsimula sa pagpapasya kung ano ang ninanais na matamo ng iyong negosyo sa pamamagitan ng pag advertise nito. Sinusubukan mo bang itulak ang isang partikular na produkto? Mapadami ang pupunta sa iyong aktwal na tindahan o sa iyong online store kaya? Gusto mo ba ng higit pang mga maraming tagasunod, magtitiwala sa iyong negosyo, at makipag-ugnayan sa mas marami? Higit pang maraming benta?

Ang pagtiyak sa layunin ng iyong paggamit ng mga anunsyo o advertisement ay makakatulong sa pagbuo ng mga posts sa FB na maghahatid ng mga ninanais na mga resulta.

Anuman ang iyong layunin, ang Facebook ay kayang isaayos ang iyong mga ads ng naaayon dito.

Ang unang pahina na iyong makikita sa pagsi-set up ng isang Facebook ad ay katulad ng nasa unang larawan.

Ito ang mga iba’t ibang layunin na maaaring piliin. Kung mas maraming tao ang gusto mong mag-click sa iyong website, magpatakbo ng isang click-bait campaign. Gayundin, kung gusto mo ng mas maraming benta, magpaandar ng isang conversion campaign (mula sa unang tingin sa iyong account hanggang sa pag desisyon na bumili ng iyong inaalok).

Ang pagkakaroon ng isang layunin sa isip at ang pag-focus dito ay makakatulong na masegurong magtatagumpay ang iyong mga ads.

Ang Facebook ad ng Warby Parker ay may malinaw na target audience.

 

  1. Alamin ang iyong inaasintang populasyon

Likas na magkaiba ang mga bagay na aakit sa kabataan kumpara sa mas may edad na.  Gayundin sa ibang mga bagay katulad ng lokasyon, kasarian at iba pa.

Magpasya kung sino ang iyong tinatarget na populasyon o grupo bago pa man idisenyo ang iyong mga ads sapagkat maaapektuhan nito ang imahe at ang paraan kung paano ka gumawa ng mga kopya.

Paano kung hindi ka sigurado kung sino ang iyong tinatarget na madla? May iba’t ibang option sa FB na maaari mong pagpilian bago ka pa man magsimula.

Ang pinakapangunahing mga pagpipilian ay ang: 1] Lahat sa Facebook (at maaari mong paliitin mula doon) 2] mga taong nakakonekta sa iyong pahina, 3] o isang      pasadya o customized na madla.

Ang Audience Insight ay mainam na paraaan upang mas paliitin pa ang target audience mo. Ito ay nagbibigay ng iba’t ibang sukatan, kabilang na rito ang distribusyon ng edad at kasarian ng iyong kasalukuyang mga tagasunod, pamumuhay, katayuan ng relasyon, antas ng edukasyon, pamagat ng trabaho, at iba pa.

Kung hindi pa karamihan ang iyong mga tagasunod o listahan ng kustomer na nasa isip, maaari mong simulan ang pagkuha ng madla sa pamamagitan ng pagpili ng kategoryang “Lahat sa Facebook.” Tapos, maaari mong paliitin ito sa pamamagitan ng pagtakda ng anumang partikular na parametro na gusto mo.

Halimbawa, maaaring gusto mo lamang mag-advertise sa mga tao sa Pilipinas o sa mga taong dalawampu ang edad o mas matanda.

Sa sandaling naka-set na ang mga ito, maaari mo nang simulan ang pag-usisa ng data mula sa Audience Insight.  Maaari ka ring maghanap ng mga impormasyon tungkol sa mga tagasunod ng iyong mga kakumpitensya. Ito ay magbibigay sa iyo ng isang mahusay na panimula upang bumuo ng iyong sariling madla.

Bukod pa rito, maaari ring gumamit ng tinatawag na A/B split testing batay sa resulta ng iyong Audience Insight. Ito ay ang paggawa ng bahagyang magkakaibang bersyon ng iyong ad upang malaman kung ano ang gumagana, kung ano ang pinaka-epektibo at kung ano ang hindi.

Gamitin ang iyong kaalaman tungkol sa inaasintang demograpiko ng madla upang makalikha ng makabuluhan at pinaka-direktang mga ads.

Gumamit ng mga mukha o larawan ng tao upang mas makaakit ng atensyon.

 

  1. Gumamit ng mga kaakit-akit na imahe

Ang biswal na advertisement o anunsyo ay hindi lamang itinuturing na mas makabubuti sa negosyo; ito ay mas may higit na pagkakataong maibabahagi at maaalala kaysa sa kung ito ay kadalasang nakasulat.

Ang isang potensyal na kustomer ay maaaring laktawan lamang ang iyong ad nang hindi ito binabasa kung hindi ito naakit sa iyong ginawa o ipinaskil. Upang pigilan ang pagkawala ng mga mahahalagang mamimili, kailangan pumili ng malinis at mataas na kalidad na mga imahe. Siguraduhin na ang imahe ay naglalaman ng mas mababa sa 20 porsyento na teksto, dahil kung hindi               lilimitahan din ng Facebook ang iyong ad sa mas kakaun-ting mga tao.

Maaari ring piliin na gumamit ng isang video, sapagkat mas marami itong maihahatid na impormasyon kumpara sa iisang imahe lamang. Dagdag pa rito, sa tampok na autoplay ng Facebook, maaaring matigil  ng panandalian ang pag-scroll down ng isang potensyal na kustomer. Siguraduhin lamang na ang iyong video ay hindi umaasa sa tunog, sapagkat 85 porsyento ng mga video sa Facebook ay tumatakbo nang naka-mute.

Mapa-imahe man o video, ang pinaka-matagumpay na mga ads sa Facebook ay may maliwanag, malinaw na mga kulay at nagtataglay ng mga mukha ng tao. Katulad ng patalastas sa telebisyon, ang pagpapakita ng mga tao na gumagamit ng iyong mga produkto o kumakain ng iyong itinitinda ay mas          epektibo sa paghikayat ng mga mamimili.

Gamitin at pakinabangan ang nagagawa ng social media, partikular na ang Facebook, upang mas maging matagumpay ang iyong negosyo, dahil sa panahon ngayon, pawang lahat ng tao ay nasa Facebook na, mapa-estudyante man o CEO ng isang korporasyon.  Malaki ang posibilidad na ang iyong hinahanap na perpektong madla ay nasa Facebook lamang —namamalagi at naghihintay, lurking in the sidelines, eka nga, ng kung anumang produkto o serbisyo ang i-aalay mo.

Negosyo Slider Ticker Facebook Kumita ng pera: Pakinabangan ang social media Maureen Simbajon PINAS

  • Page 1
  • Page 2
  • Page 3
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.