Patuloy na isinusulong ng Department of Agriculture (DA) Regional Office 1 ang Farmers Field School on Palay Production sa layuning mas mapalago ang kita ng mga magsasaka.
Ayon kay Romualdo Erwin Frigilliana, Agriculturist 1, DA Region 1 na sa pamamagitan ng “Farmers Field School” natuturuan ang mga magsasaka ng mga makabagong teknolohiya.
Target din nito na mapababa ang production cost o may maliit na gastos pero may sapat na ani.
Naka-angkla rin aniya ang “Farmers’ Field School on Palay Check System” sa walong key-check kung saan nakapaloob dito ang tamang pagpili ng binhi hanggang sa pag-ani.