• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Friday - February 26, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

FIBA

Hatol ng FIBA sa Gilas na manlalaro, PBA sumaklolo

August 29, 2018 by Pinas News

Ilan sa mga napipisil na PBA players ang sumaklolo sa kanilang kapwa PBA at Gilas players na masususpinde sa darating na 2nd round ng FIBA Qualifying tournament na magsisimula ngayong Setyembre.  

Ni Edmund C. Gallanosa

ISANG buong buwan na lamang ang magiging paghahanda ng Gilas Pilipinas bago magbukas ang 2nd round ng FIBA Basketball World Cup 2019 Qualifiers tournament.  Kabilang ang Pilipinas sa Group F ng nasabing torneo, kasama ang bigating bansa tulad ng Iran, Qatar, Kazakhstan, Japan, at guess who? Ang Australia.  Subalit malaki ang suliranin kakaharapin ng team Gilas—ibinaba na ang hatol na suspensyon mula FIBA sa mga manlalarong nasabak sa gulo noong huling laro ng Gilas kontra Australia. Sa pagpasok ng round 2, ipapataw ang suspensyon sa mga may sala.

Sa team Gilas, 10 ang sinuspindeng ilang araw ng paglalaro.  Nangunguna si Calvin Abueva na suspendido ng 6 na laro; si RR Pogoy, Carl Bryan Cruz at Jio Jalalon, 5 laro; suspendido naman si Andray Blatche, Jayson Castro, Terrence Romeo at Troy Rosario ng 3 laro; at si Japeth Aguilar at Matthew Wright ay masususpinde naman ng isang araw na laro.

Malaking dagok ito sa ating bansa at sa pagkakataon nitong manalo sa FIBA Championship.  Sapagkat kung iintindihing maigi, malalagasan tayo ng walo hanggang sampung manlalaro sa tatlo hanggang limang laban. Ibig sabihin, sa second round ay tatlo lamang ang opisyal nating manlalaro na makakakumpleto ng first window laban sa limang team —ang Iran, Kazakhstan, Qatar, Japan at laban sa Australia.  Sa sitwasyong ito, lalagpak ang pangarap natin para makalahok sa championship round na gaganapin sa China sa 2019, kung sakaling makakalusot tayo sa 2nd round ngayong taon.

SBP tuliro, PBA to the rescue

Matindi na nga ang labanan sa ikalawang round, mas lalo pang pinatindi ng pagkakasuspinde ng mga basketbolista natin. Malagasan ka na ng isa hanggang dalawang player sa klase ng torneong ito ay malaki na ang suliranin ng isang team, gaano pa kaya kahirap ang malagasan ka ng walo hanggang 10 manlalaro sa gitna ng torneo?

Enter the Philippine Basketball Association (PBA).  Mabuti na lamang at nagbago ang panuntunan ng paghihiram ng mga manlalaro mula sa PBA.  Noong mga nagdaang taon, naging policy ng propesyonal na ligang ito na magpahiram lamang ang bawat koponan ng isang manlalaro para sa Gilas program (one-player-one-team policy).  At dahil sa gulong kinasangkutan ng mga manlalaro, minabuti ng pamunuan ng PBA sa pangununguna ni PBA Commissioner Willie Marcial at mga board of governors ng mga koponan na baguhin ang panuntunan ng player-lending at tulungan ang Gilas program.  Ayon sa bagong policy, open na ang bawat team na magpahiram na kahit na ilang players sa team Gilas para mapunuan ang lakas na nawala dahil sa sinuspinding mga manlalaro.

“Kalimutan na ang one-player-one-team policy,” ani Al Chua, Sports Director ng San Miguel Corporation.  Kung kinakailangan ipahiram ang lahat ng players ng SMC group, gagawin aniya.  Ito naman ay positibong inaksyunan ni PBA Commissioner Marcial at pinalitan ang dating polisiya ukol sa player-lending.

Sinu-sino kaya ang maaaring sumaklolo alang-alang sa ating bansa, sa mga kababayan natin, sa mga kapwa players nila?  Base sa aming analysis, opinion ng mga eksperto, taga-PBA, mga basketball aficionados at sa survey naming ginawa noong mga nakaraang linggo, may nabuo kaming listahan ng piling manlalaro na ang kombinasyon ay maaaring maging panapat sa mga mawawalang players at magpapahirap sa mga makakalaban natin.

Bilis sa backcourt, galing sa diskarte

Sa pagkakasuspinde ng 3 laro sa playmakers at shooters na sina Terrence Romeo at main man Jayson Castro, pilay agad ang Gilas.  Si LA Tenorio ng Barangay Ginebra ay mainam na pamalit kasabay ni Stanley Pringle ng Globalport.  Si LA ay beterano na rin ng maraming international tourney, dedicated at hustle player.  Alam nang nakakarami ang puso nito pagdating sa paglalaro.  Mabilis din tulad ni Castro at mataas ang IQ sa paglalaro.  Si Pringle naman ay isang malupit na one-on-one player, deadly sa open court at sa 3-point arc.  Pamilyar na rin ito sa laro sa labas ng bansa.  Subalit sa kasalukuyan, may sabit pa ito sa eligibility niyang maglaro sa FIBA.  Ang mainam na pamalit?  Enter Scottie Thompson ng Barangay Ginebra.  May guard-shooter ka na, may rebounder ka pa.  ‘San ka pa?  Bihira ang talent na ganito.  Pinaka-mainam rin na kapalit ni Abueva dahil sa maraming pinapahiyang matatangkad pagdating sa rebounding.

Pilay sa ilalim, depensang pangmalalaki

Sa suspensyon ng mga big men n sina Troy Rosario, Japeth Aguilar at Andre Blatche ng ilang laro, maaari naman maibsan ang kawalan ng towering enforcer sa loob sa paggamit kay Greg Slaughter ng Barangay Ginebra at Ian Sanggalang ng Magnolia.  Hindi naman mawawala sa kampanya si June Mar Fajardo, kaya maaaring magkatulungan ang kombinasyong ito sa loob.  Ang mga wingmen naman tulad nila Raymond Almazan ng Rain or Shine at Arwind Santos ng San Miguel Beer na parehong mahaba ang galamay, magaling magbantay at may shooting sa labas ay  malaki ang maitutulong kina mainstays Fajardo at Gabe Norwood.  Sa pagkakaroon ng Slaughter sa loob, maaaring mag-slide bilang forward-center si Fajardo at batuhan ng bola para sa tres sina Almazan at Santos sa kanan at kaliwa.

Deadly shooter sa labas

Ito naman ang maaaring dalhin sa team Gilas nila Marcio Lassiter ng San Miguel Beer at Jeff Chan ng Barangay Ginebra, pamalit sa nasuspindeng Matthew Wright at Jio Jalalon.  Iba ang dimension na madadala ng dalawang quick-release shooter na ito na pumupukol ng kabi-kabilang tres, na siya namang isa sa pinaka-mahalagang arsenal sa international competition.

“We just have to continue to fight and play. We can’t give up.”  Sabi ni Samahang Basketbolista ng Pilipinas president Al Panlilio.  Kung nagawang parusahan ng FIBA ang mga nagkasalang players, sigurado may paraan tayo para maresolba ang problemang ito at makalaban nang patas ang Gilas sa ikalawang round.”  Mabuti na lamang at gumawa ng hakbang ang PBA at sumaklolo

Slider Sports Ticker Al Chua Andray Blatche Andre Blatche Arwind Santos Australia Barangay Ginebra Carl Bryan Cruz China Edmund C. Gallanosa FIBA Gabe Norwood Greg Slaughter Ian Sanggalang Iran Japan Japeth Aguilar Jayson Castro Jeff Chan Jio Jalalon June Mar Fajardo Kazakhstan Magnolia Marcio Lassiter Matthew Wright PBA Commissioner Marcial PINAS Qatar Rain or Shine Raymond Almazan RR Pogoy San Miguel Beer SBP President Al Panlilio Terrence Romeo Troy Rosario

Gilas at bansa, sama-sama hanggang sa huli

July 17, 2018 by Pinas News

 

Kinaabangan ngayon ang desisyon ng FIBA kung ano ang mangyayari sa Gilas team matapos masabak sa gulo laban sa Australia. Ganun pa man, tiwala ang Gilas at SBP na magiging patas ang FIBA para sa dalawang koponan.

 

Ni: Edmund C. Gallanosa

SIGURADONG buhay na buhay na naman ang dugo ng mga Pinoy sa kakatapos na third window ng FIBA Asia Qualifying Round na ginanap kamakailan.  Bagama’t nanalo ang P’nas sa Taiwan 90-83, sa kasamaang palad naman ay nauwi sa gulo ang kamakailang laban natin sa Australia.  Winner by default ang Australia sa kadahilanang thrown-out ang siyam sa labindalawang player natin, kaya hindi na nakuhang matapos pa ng Pilipinas ang laro.  Ang resulta—89-53 pabor sa mga dayuhan.

Sa opening ng third window, naging mabigat ang pressure nang   kaharapin ng mga Pinoy ang mga      Taiwanese sa kanilang   teritoryo. Maagang nanguna sa puntos ang Taiwan bago tuluyang kumawala ang P’nas dahil sa mahigpit na depensa, at ma­tinding opensa. Panalo ang Gilas 90-83  na siya namang nagpa bagsak nang tuluyan  sa  pangarap ng Taiwan makasama sa 2nd round. Kasabay ng larong ito, tinalo naman ng Japan ang Australia, 79-78 para sungkitin ang ikatlong pwesto sa Asian qualifier.

Balik sa Pilipinas ang laro kalaban ang Australia para sa unang pwesto, nagsimula ang laro na may kartadang 4-1 ang P’nas at Australia. Mainit ang laban, mula umpisa matindi na ang girian ng dalawang koponan. Apat na minuto pa lamang ang nagsisimula sa 3rd quarter nang mag-commit ng personal foul si RR Pogoy kay Aussie Chris Goulding. Sa patulak na foul ni Pogoy bumagsak si Goulding, at siyang sugod naman ni Daniel Kickert kay Pogoy gamit ang siko na siyang nagsimula ng rambol sa third quarter. Nagkagulo sa loob ng Sports Arena at nahinto ang laro ng halos tumagal ng 30 minuto. Pinag-aralan ang footage ng gulo at idineklarang thrown-out ang ilang manlalaro sa bawat koponan.

Dagdag man sa pagsubok, sama-sama pa rin

Tanggal sa laro ang mga Gilas players na sina Calvin Abueva, Japeth Aguilar, Andray Blatche, Jayson Castro, Carl Bryan Cruz, Pogoy, Terrence Romeo, Troy Rosario, at Matthew Wright;  samantalang tanggal din sina Chris Goulding, Daniel Kickert, Thon Maker, at Nathan Sobeys sa panig ng Australia.

Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa nagbababa ng hatol ang pamunuan ng FIBA kung ano ang kaka­hantungan ng gulo na nangyari sa dalawang koponan. Bagama’t pinaglalabanan ng Australia at Pilipinas ang unang pwesto, lumalabas na ‘formality for positioning’ na lamang ang laro sapagkat parehong paso ang dalawang bansa sa susunod na round ng tournament.

Walang dapat ikabahala ang ating mga kababayan sapagkat sa darating na 2nd round ng torneo, nasa ikatlong pwesto ang Pilipinas sa Group F na may 10 points—lamang lang ng tig-isang punto ang Australia at Iran para sa 1st at 2nd place finish. Maliban sa nasabing bansa, makakasama natin sa Group F ang bansang Kazakhstan, Qatar at Japan. Ang second round ng FIBA Basketball World Cup 2019 Qualifiers ay magkakaroon ng 3 windows muli, at aasahang magsisimulang maglaro ang mga koponan sa buwan ng Setyembre, Nobyembre at Pebrero ng 2019.

Sa lahat ng groupings, Ang 31 na pinaka-maga-galing na teams lamang ang papasok at makakasama ang host China para sa World Cup, na gaganapin mula August 31 hanggang September 15, 2019.

Tuloy pa rin ang laban ng bayan

Ayon kay Samahang Basketbolista ng Pilipinas (SBP) Chairman Sonny Angara sa isang panayam, susulat sa pamunuan ng FIBA si SBP President Al Panlilio upang humingi ng kapatawaran sa nangyaring gulo at para li­nawin ang kahahantungan ng ating koponan. Giit ni Angara, malaki ang pagsisisi ng team Pilipinas sa pangyayari, at handa sila sa anumang desisyon o sanction ang ipapataw ng FIBA. Subalit, alam ni Angara na magiging patas sa desisyon ang FIBA para sa Australia at P’nas.

“Alam naman natin na hindi ito ang unang pagkakataon na nagkagulo nang ganito sa isang ‘friendly-environment match’ ng basketball. Halos­ kapareho ‘yan ng nangya­ri noong 2010 sa laban ng Greece vs. Serbia. My point is yes pinatawan ng sanctions, even fines ang ilang players, but I don’t think the sanction on that incident was not be meted out to the whole team. We expect na pag-aaralan maigi ng FIBA ‘yung incident natin and we are positive na tuloy-tuloy pa rin tayo sa 2nd round. ”

Para kay SBP Chair Anga­ra, tiwala ang pamunuan ng SBP na papayagan pa silang bumuo ng team kung sakaling hindi paglaruin ang mga na thrown-out na pla­yers. “Should that happen, matatandaang nakapagsubmit tayo ng pool of players natin sa FIBA and also we’re lucky we have a professional league perhaps we could get some of the services of pla­yers there (sa PBA). I’m pretty sure a lot of them are willing to play for the country.” dagdag pa ni Chairman Angara.

Prepare for the worst, hope for the better ngayon ang stance ng ating Gilas team. Ganun pa man, hindi papabayaan ng pamunuan ng SBP na mabale-wala ang pinaghirapan ng ating mga manlalaro. Nadala man ng emosyon ang iba nating mga players, team pa rin nating haharapin ang ipapataw ng FIBA sa P’nas. Abangan ang susunod na kabanata!

Slider Sports Ticker Andray Blatche Australia Calvin Abueva Carl Bryan Cruz Chairman Sonny Angara China Chris Goulding Daniel Kickert FIBA Gilas Japan Japeth Aguilar Jayson Castro Kazakhstan Matthew Wright Nathan Sobeys PBA Pogoy Qatar Samahang Basketbolista ng Pilipinas (SBP) Terrence Romeo Thon Maker Troy Rosario World Cup

Pagbaba ng Pilipinas sa latest FIBA ranking, ‘di pinansin ni Gilas Coach Chot Reyes

October 13, 2017 by Pinas News

Pinas News

Balewala kay Gilas Pilipinas Head Coach Chot Reyes ang naging puwesto ng Pilipinas sa pinakabagong ranking na inilabas ng FIBA.

Base sa tala ng FIBA, nalaglag sa ika-30 spot ang bansa ngayong taon mula sa ika-27 spot noong nakaraan, habang nasa ika-5 naman ang Pilipinas sa Asia mula sa 3rd spot.

Sa kabila nito, ipinagmalaki ni Reyes ang nangyari noong nakaraang Agosto kung saan nasilat ng Gilas ang Powerhouse Team ng China.

Depensa ni Reyes, nasa panel lang naman daw ang rankings at ang titingnan pa rin naman umano sa huli ay kung paano maglaro ang isang team sa basketball court.

Slider Sports Ticker China Coach Chot Reyes FIBA Gilas Pilipinas

Chooks-to-Go Pilipinas, nilamon ng Petrochimi Iran sa FIBA Asia Champions Cup

September 27, 2017 by PINAS

Pinas News

Nilamon ng Petrochimi Iran ang Chooks-to-Go Pilipinas sa iskor na 87-66 sa FIBA Asia Champions Cup na ginaganap sa Chenzhou, China.

Bumida ang American import ng Iran na si Willie Warren na nakapagtala ng 30-points.

Dahil sa pagkatalo ay mayroon ng 2-2 standing ang Gilas Pilipinas kung saan makakaharap nila sa Huwebes para sa third place ang Kashgar Team ng China ang koponan na kinabibilangan ngayon ng dating naturalized player ng Gilas na si Andrey Blatche.

Slider Sports Ticker Chooks-to-Go Pilipinas FIBA Petrochimi Iran

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.