WORLD No. 1 Tennis Player Rafael Nadal
JAMES LUIS
NAIUWI ng world number 1 tennis player na si Rafael Nadal ang 2019 sportsmanship award.
Iginawad sa Spanish player ang kaniyang ikalawang sunod na Stefan Edberg Award at ikatlo sa kabuuan.
Base sa naging botohan, pumabor lahat sa kaniya ang kaniyang kapwa manlalaro sa mundo ng tennis.
Samantala, inanunsyo din ng International Tennis Federation na papangalan si rafael nadal bilang ITF world champion kasama si Ashleigh Barty matapos nitong manguna sa atp rankings.
Nakuha naman ni Andy Murray ang ATP’s 2019 comeback player of the year award.
Kabilang naman sa mga naparangalan ay sina Open Semifinalist Matteo Berrettini na nakuha ang Most Improved Player Award, Jannik Sinner na napili bilang Newcomer Of The Year, natanggap naman ni Kevin Anderson ang Arthur Ashe Humanitarian Award at naigawad naman kay Gilles Cervara ang coach of the year award.
Samantala, patuloy naman ang pamamayagpag ng Team Belgium sa Federation International De Football Association.
Sa inilabas na rankings ng FIFA, nangunguna pa rin ang koponan bilang top team sa ikalawang sunod na taon.
Ito ay base na rin sa kanilang naging performance sa football ngayong taon.
Makokonsidera namang pinakamalaki ang hinakbang ng Team Qatar na lumagay na sa ika-55 na puwesto mula sa ika-93 puwesto.
Pasok din ang Team Japan sa biggest mover ng FIFA na lumagay na sa ika-28 puwesto mula sa ika-50 puwesto.
Nananatili namang nasa ika-124 na puwesto ang Philippine National Team Azkals.