Pinatunayan ni Alyssa Valdez na hindi mahalaga ang pagkatalo, dahil ang mahalaga ay kung paano ka babangon mula sa pagkatalo.
Ni: Champaigne Lopez
MULI ay pinatunayan ni Alyssa Valdez na isa siya sa mga mahuhusay na volleyball player sa Pilipinas. Ito ay matapos niyang makuha ang kanyang ikatlong MVP PLUM sa premier volleyball league ngayong season 3 sa Reinforced Conference noong Hulyo 13, 2019.
Pangatlong volleyball trophy na ito ni Alyssa na nagtala ng 35.77% attack efficiency base sa kanyang 93 spikers, 23 aces at 4 blocks habang siya ay naglalaro sa grupo na Creamline. Nakuha rin niya ang second best spiker award para makasama sina Banko Perlas Nicole Tiamzon na first best open spiker, Dzi Gervacio best opposite spiker at Kathy Bersola first best middle blocker. Nakuha rin ni Creamline Jia Morado ang best setter, PacificTown Army’s Angela Nunag na best Libero. Si Cuban spiker Wilma Salas ng Petro Gazz nanalo rin bilang best import award o best foreign guest player award.
PASASALAMAT NI ALYSSA SA KANYANG ANKLE INJURY
Sa kalagitnaan ng laro kontra Petro Gazz Angels ay bigla namang nagkaroon ng injury sa kaliwang paa si Alyssa, na nagresulta ng sunod-sunod na pagkatalo ng kanyang grupo simula ng pansamantalang tumigil siya sa paglalaro. Ngunit imbes na panghinaan ng loob ay ipinagpapasalamat pa niya ito dahil daw sa kanyang injury ay mas nagkaroon siya ng lakas ng loob at nagbigay ito sa kanya ng dahilan upang mas alagaan pa ang kanyang sarili. Makalipas ang ilang araw ay agad ring bumalik sa paglalaro si Alyssa.
“Well I think the injury is better. Hindi pa rin nawawala ‘yung pain sa paa, but you gotta be brave to face it,” sabi ni Alyssa sa kanyang interview.
PAGBANGON SA PAGKATALO
Sa pagkapanalo ng Creamline noon sa Reinforced Conference at Open Conference ay siya namang pagkatalo nila ngayon laban sa Petro Gazz Angels. Ngunit ayon kay Alyssa ay dapat silang matuto sa pagkakatalo nila at mas galingan na lamang sa susunod na laro.
Ayon kay Alyssa, “Going to the next conference, I’m not saying that we’re all equal but I always say to the local players that we will all work because we all want to win.”
Dagdag pa ng dalaga ay karapat-dapat na manalo ang Petro Gazz Angels dahil sa paglalaro nila ng malinis at sa husay ng kanilang mga imports o foreign players na si Wilma Salas at Finals MVP Janisa Johnson.
Masakit sa kanila ang pagkatalo ngunit normal naman ito sa laro na may mananalo at mayroon ding matatalo. Tanggapin na lamang ito at paghusayan pa sa susunod.
KAMUSTA ANG LOVELIFE NI ALYSSA?
Ang Volleyball star player na si Alyssa Valdez at ang Basketball phenomenon na si Kiefer Ravena ay patuloy na masaya sa kanilang 3 years relationship. Kahit na may kanya-kanyang career at responsibilidad ang dalawa ay nabibigyan pa rin nila ng oras ang isa’t-isa na siyang nagpapatibay sa kanilang relasyon.
Sa isang TV show interview ni Alyssa ay kinuwento nya rito kung paano sila nagkakilala ni Kiefer. Nagsimula ang lahat sa pagkakaibigan hanggang sa nahulog din sila sa isa’t-isa. Ipinahayag niya rin dito kung paano nila napapanatili na matatag ang kanilang relasyon, ito raw ay nagsisimula sa mga maliit na bagay lamang gaya ng pagsasabay kumain ng dinner, pag-uusap kahit na saglit lang. At respeto sa isa’t-isa na may kanya-kanya silang oras na mahalaga umano sa isang relasyon na hindi mawawala ang friendship dahil bukod sa dito sila nagsimula ay yung samahan ng isang tunay na pagkakaibigan ay dapat pahalagahan dahil ito raw ang magpapatibay sa dalawang taong magkarelasyon.