Ni: Ana Paula A. Canua
BUKOD sa pag-inom ng gamot para mawala ang allergies, narito ang mga natural at mabisang pagkain na mainam sa katawan upang labanan ang allergies.
Matapos malaman ang sanhi ng allergies maaring uminom ng mga pagkaing may sangkap na probiotics. Napatunayan na may anti-inflammatory at anti-allergic na epekto ang inumin na mayaman sa prebiotics, mainam at ligtas ito lalung-lalo na sa mga buntis at nagbe-breastfeed. Ayon pa pag-aaral ng American College of Allergy, Asthma & Immunology (ACAAI) ang mga buntis na umiinom ng gatas na may halong probiotics ay may maliit na tyansang magkaroon ng eczema ang sanggol.
Idagdag sa pagkain ang mga maaanghang na pampalasa gaya ng Anise, fennel, horsedish, spicy mustard at luya ito ay natural na nakakaluwag ng paghinga.
Mansanas, sibuyas, tsaa, at red wine. Ito ay mayaman sa bioflavonoids na nagbabalanse sa reaksyon ng cells sa allergen.
Salmon, walnuts, flaxseeds. Mayaman sa omega-3 fatty acids na nagreresulta ng anti-inflammatory effects.
Vit. C, mayaman sa anti-oxidant properties ibig sabihin nilalabanan nito ang inflammatory effects. Ilan sa mga pagkaing mayaman sa Vit. C ay oranges, strawberries, mansanas at pakwan.