Ni: Ana Paula A. Canua
ISANG restaurant sa Pasadena California ang may pambihirang empleyado, ito ay isang burger flipping robot na si Flippy.
Si Flippy ay dinevelop ng Miso Robotics, “The kitchen of the future will always have people in it, but we see that kit-chen as having people and robots,” pahayag ni David Zito, co-founder and chief executive officer ng Miso Robotics.
Si Flippy ay mayroong artificial intelligence at gumagamit ng thermal imagining, 3D at regular camera vision para malaman kung dapat na bang baligtarin ang burger patty sa grill.
“It detects the temperature of the patty, the size of the patty and the temperature of the grill surface,” dagdag ni Zito.
Nagkakahalaga naman ng aabot sa $60,000 upang ma-kagawa ng isang Flippy Robot.