Pinas News
Dahil na rin sa hilig sa pagkain ng mga Pilipino, nagsulputan naman ang mga restaurants sa loob at labas ng malls.
Dahil dito, hindi maiiwasan na may mga kompetisyon at mga pakulo ang mga resto owners upang mapanatili at mapataas pa ang bilang ng kanilang mga customers, bahagi rin ng conference ang kahalagahan ng social media sa isang negosyo.
Ito ang ilan sa mga ibinahagi ng mga speakers sa ginanap na Restaurant Engagement Conference (REC) kamakailan sa isang hotel sa Pasig City.
Layunin nitong tulungan ang mga start-up entreprenuers at mga existing restaurant owners para makipagsabayan sa mga trending business strategies ngayon.
Ilan sa mga speakers sa nasabing conference ay sina Ronnel Cuison, managing director ng Pixel Pro kung saan tinalakay ang The Power of Food Photography.
Nagbigay din ng kanyang insite si Jerry Ilao ang founder ng Leapreneur tungkol sa How to get Your Customer at your Fingertips.
Tinalakay naman ni Hazel Herber ang managing director ng Where to Eat Philippines ang kapangyarihan ng online sa pagpapalakas at pagpapakilala ng iyong negosyo.
Ilan pa sa mga speakers ng conference ay sina Bridgette Tan – Villarin, Dr. Wessam Atif, President and CEO ng Foodshaf , Loyd Tronco , Executive Director, OOH Media , Jay Bautista Managing Director ng Kantar Media, Alfonso Sy Marketing Director ng Enjoy Philippines, Yayu Javier , President and COO ng Avanza Philippines at marami pang iba.
Inaasahan na sa pamamagitan ng restaurant management conference ay magsisilbing daan upang mapanatili ang sigla ng industriya sa mga susunod pang mga taon.