FOOTBALL star Lionell Messi
LUIS JAMES
TINANGGAP ng football star na si Lionell Messi ang kaniyang ika-anim na Ballon d’Or Trophy kamakailan.
Hindi naman makapaniwalang tinanggap ni Messi ang kaniyang tropeyo sa Paris.
Sa kaniyang naging pahayag, hiniling nitong makapagpatuloy pa sa mga susunod na panahon at mapabilang sa mga tinitingala sa larangan ng football at maging isa sa pinakamagaling na manlalaro.
Dagdag pa ni Messi na mabilis lang ang oras kaya naman pag-iigihan pa nito ang kaniyang paglalaro at babalansehin ang lahat kasama ang kaniyang pamilya.
Matatandaang nasungkit din ni Messi ang Ballon d’Or trophy noong mga taong 2009, 2010, 2011, 2012, at 2015.
Samantala, nakuha naman ni Megan Rapinoe ang kaniyang unang trophy para naman sa women’s division.