Ni: EZ Gallanosa
Ang forex trading, o mas kilala bilang foreign exchange o currency trading, ay ang kalakalan ng pera o salapi, na may layong kumita ng karagdagang salapi.
Sa Forex Trading, ang forex ‘market’ ay tanyag na ‘the most liquid market in the world’ na umaabot sa tinatayang $3 Trilyong dolyares ang inaabot ng kalakalan at kita, araw-araw. Pero ano ang ibig sabihin nito sa ordinaryong mamamayan at pano natin ito pinakikinabangan?
Ang foreign exchange market ang pinakamalaking merkado ng kalakalan ng salapi. Ang palitan ng salapi sa dalawa o higit pang bansa, ay mahalaga sa mga bansa o mamamayan lalo na kung may kalakalang nagaganap sa magkaibang bansa. Nangyayari rin ang kalakalan sa mga regular na tao, hindi lang natin namamalayan.
Kung ikaw ay may nais bumili ng alak mula France, ikaw o ang kumpanya na bibilhan mo ay kailangang magbayad ng euros, ang pera ng France. Ang importer ng alak ay magpapalit ng kaniyang pera sa halaga na dapat niyang ipambili. Ganun din sa mga turista. Ang isang Pinoy sa Egypt ay hindi maaaring magbayad ng kaniyang salapi sa piso kung hindi dapat ipapalit niya ang kaniyang pera sa salapi ng bansang Egypt.
Ang palitan ng salapi sa dalawang magkaibang bansa ay mahalaga sa pangaraw-araw na kabuhayan ng mga tao. Nag-iiba ang halaga ng palitan depende sa panahon, sa supply and demand ng naturang salapi, at may epekto rin ang stabilidad ng isang bansa na maaaring magpalakas o magpahina ng halaga ng kaniyang salapi.
Ang forex market ay maikukunsiderang ‘open anytime of the day’ na merkado. Sa pagsara sa London o Frankfurt, ito naman ay magbubukas sa ibang parte ng mundo tulad sa Hong Kong o sa Singapore, sapagkat hindi pare-pareho ang time zone sa buong mundo.
Oportunidad na kumite sa Forex Trading
Simple lang ang ‘basics’ ng ‘forex trading.’ Pag-aaralan mo lang maigi kung ang isang salapi (halimbawa ay US dollar) ay lalakas o hihina laban sa isa pang salapi (halimbawa ang Philippine Peso).
Nais mo bang sumubok sa forex trading? May mga partikular na elemento ang forex trading na dapat mong malaman. Ang kalakalan ay nagaganap sa pagitan ng dalawang magkaibang salapi o pera. Halimbawa, sa pagitan ng Piso (PHP) at Dollar (USD). Mapapansin mo sa mga trading platform na nakapaskil (maaaring makita ito sa mga forex trading channel sa telebisyon o mga forex trading sites sa internet), pinagpapares ang halaga ng piso laban sa dolyares (makikita mo sila bilang: PHP/USD) Sa pares na ito, makikita mo na ang halaga ng piso ay inilalaban sa halaga ng dolyares.
Sa platform ay may makikita kang dalawang presyo; ang isa ay presyo ng ‘buy’ at isa naman ay presyo ng ‘sell.’ Kung mapapansin mong pataas ang halaga ng piso laban sa dolyar, maaari kang bumili ng piso. At kung bumababa naman ang halaga ng piso laban sa dolyar, maaari kang magbenta ng piso. Sa simpleng paliwanag, kung namuhunan ka ng 1 thousand dollars ($1,000) sa palitang 50 Philippine Peso to 1 US Dollar, at lumakas ang piso kontra dolyar, at naging 55 Philippine peso ang palitan laban sa isang dolyar. Ang puhunan mong 1 thousand dollars ay tumubo na ngayon ng 5 piso kada dolyar. Samakatuwid ang puhunan mo ($1,000 x 50Php = 50,000 pesos) ngayon ay magiging ($1,000 x 55Php = 55,000 pesos), kumita ka ng malinaw na 5,000 piso.
Dagdag unawa, dagdag kita
Ganyan ang kalakaran sa forex trading, madali lang ‘di ba? Subalit parehas ng anumang propesyon, trabaho o negosyo, ibayong pag-aaral at dunong ay mahalaga para maintindihan nating lubusan ang forex currency trading.
Ang mga sumusunod ay dagdag kaalaman at puntos sa mga nagnanais lumaro sa forex trading:
HUMANAP NG MAAASAHANG BROKER. Ang broker siyang mamamagitan sa iyo at sa plano mong magForex Trading. Mahalaga na makilala mong lubusan ang kausap mong broker, alamin kung legal ang kanilang kumpanya, may magandang reputasyon, at kung maaari, alamin sa pali-paligid kung may nakakakilala sa broker mong napili at magtanong tungkol sa kanila.
HUWAG PAIRALIN ANG DAMDAMIN SA FOREX TRADING. Magpundar lamang ng tyaga at magsaliksik sa internet ng mga websites na nagtuturo ng mga tips sa forex trading, mga forums kung saan naguusap-usap ang mga players at makuha ang kanilang mga ‘insights’ hinggil sa forex, or magbasa ng mga libro hinggil sa forex, siguradong babalik sa’yo ang pera mong may tubo at lumalago. Gamitin ang utak at ang mga tamang paraan at ika’y magtatagumpay.
ARALING MAIGI ANG MERKADO NG FOREX TRADING. Gaya ng iba pang negosyo o hanapbuhay, dapat pagtuunang pansin ang kalakaran sa forex trading bago sumabak dito. Alamin ang mga dahilan o ‘factors’ na umaapekto sa kalakaran ng foreign exchange. Maging mapagmatyag—andyan ang telebisyon, radio, internet na magbibigay sa’yo ng impormasyon 24 oras para malaman kung tama ba o hindi ang iyong ‘timing’ sa pagkakalakal ng salapi.
HINDI SUGAL ANG FOREX TRADING. AT HINDI RIN ITO SCAM. Hindi sugal ang forex trading. Hindi pwedeng manghula lamang sa mga datos at asahang kikita ka sa iyong puhunan. Hindi rin ito ‘Scam.’ Ito ay legitimate business, na lumalahok ang milyon-milyong katao, libo-libong kumpanya, mga gobyerno, businessman, at umaabot sa $3 Trillion dollars ang kinikita araw-araw. Gaya rin ng ibang negosyo, bagama’t hindi ito scam, maraming nagsasamantalang ‘scammer’ ang nakakapit dito, kaya mag-ingat sa mga taong nilalapitan mo hinggil dito.