NASA final phase na ngayon ang Pambansang Kamao at Senator Manny Pacquaio sa kanyang pag-eensayo sa Los Angeles, California para sa kanyang darating na laban kay Welterweight Champion Keith Thurman sa Hulyo 20.
Lalong pinagbuti ni boxing senator ang kanyang pag-eensayo matapos sabihin ni Thurman na ito na ang huling laban ni Filipino boxer dahil puwede na itong magretiro sa susunod na taon.
Hindi naman maiwasan na mainis ang trainer na si Freddie Roach maging ang eight-division world champion sa komentong ito ni Thurman kaya sinabi ng kampo nila na ang komentong ito ay lalong nagbibigay sa kanila ng determinasyon na pagbutihin pa ang kanyang pag-eensayo at manalo sa laban.