SMNI NEWS
Kabilang ang Filipino-American NBA player Jordan Clarkson sa Gilas Pool na sasabak sa 2019 FIBA World Cup.
Ito ang inanunsyo ni Gilas Pilipinas head coach Yeng Guiao matapos ang pag-eensayo ng national baskeball team.
Bukod kay Clarkson, magbabalik din para sa koponan ang naususindeng si Kiefer Ravena.
Maglalaro rin para sa Gilas ang naturalized player na si Andray Blatche, PBD draft 2019 top pics CJ Perez at Robert Bolick.
Kabilang rin sa bumubuo ng Gilas pool sina Japeth Aguilar, Raymond Almazan, Mark Barroca, Beau Belga, Poy Erram, Marcio Paul Lee, Gabe Norwood, Roger Pogoy, Stanley Pringle, Troy Rosario, Christian Standhardinger at Matthew Wright.
Magaganap naman ang 2019 fiba World cup sa China simula sa August 31 hanggang Setyembre a-15.