DISIPLINAHIN ang sarili upang maiwasan ang kahit na anong karamdaman.
NI: CHAMPAIGNE LOPEZ
ANG heartburn o acid reflux ay ang matinding pag-init ng dibdib kung saan nahihirapan huminga ang isang taong nakakaranas nito.
Ang acid reflux ay nagsisimula sa stomach acid na umaakyat sa esophagus. Ito rin ay tinatawag na Gastroesophageal Reflux Disease (GERD) dulot ng pananakit ng lalamunan at dibdib na madalas pagkamalang atake sa puso.
Ang posibleng sanhi ng acid reflux ay ang madalas na paninigarilyo, pagkain ng marami, pagkain sa hatinggabi, pagkain ng matataba o prito, madalas na pag-inom ng alak at kape at sunod-sunod na pag-inom ng aspirin.
Para maiwasan ang acid reflux, gawin ang mga sumusunod:
. Bawasan ang pagkain ng mga citrus fruits katulad ng orange at grapefruit dahil ito ay may taglay na natural acid na mas nagdudulot pa ng pangangasim ng sikmura.
. Bawasan din ang madalas na pagkain ng mga maaanghang.
. Umiwas din sa mga matataba at mamantikang mga pagkain.
. Bawasan din ang pag-inom ng alak, kape, soft drinks o ano mang carbonated drinks.
. Dahan-dahanin ang pagkain, nguyain nang maigi upang mabilis ito matunaw.
. Iwasan ang pagtulog pagkatapos kumain, magpalipas muna ito ng dalawa o tatlong oras bago matulog upang matunaw nang maayos ang pagkain sa katawan.
. Ayusin din ang posisyon ng pagtulog, dapat ay mas mataas ang ulo kumpara sa katawan.
. Ayon sa mga eksperto ang pag-inom ng apple cider vinegar ay makakatulong upang mabawasan ang acid sa katawan. Subukan din ang pag-inom ng tubig na may halong baking soda.