Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang sesertipikahang urgent ang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag ng “commitment” at aniya’y “covenant” kasabay ng pagtanggap ng kopya ng BBL draft mula sa Bangsamoro Transition Commission (BTC) sa Malacañang.
Kasabay nito, umapela si Pangulong Duterte sa mga mambabatas na agad aksyunan ang panukalang ito.
Umaasa si Duterte na bago matapos ang kasalukuyang taon ay ganap nang batas ang BBL.
Dumalo sa okasyon sina Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, Moro Islamic Liberation Front (MILF) chairman Al Haj Ebrahim Murad, Bangsamoro Transition Commission (BTC) chair Ghazali Jaafar at Moro National Liberation Front (MNLF) chair Yusoph Jikiri.
Dagdag pa ng pangulo na sa pamamagitan nito, ay makakamit na rin ang pangmatagalan at pangkalahatang pag-unlad at kapayapaan sa rehiyon para na rin sa buong bansa.