EYESHA ENDAR
TULOY na tuloy na ang paglabas ng prequel ng 2013 blockbuster pinoy film na “Four Sisters and a Wedding”.
Inanunsyo ng Star Cinema ang pagsasagawa ng pelikula na mayroong titulong “Four Sisters before the Wedding.”
Pagbibidahan ito ng mga young stars na sina Alexa Ilacad, Charlie Dizon, Gillian Vicencio at Belle Mariano.
Gagawin ang pelikula sa ilalim ng direksyon ni Giselle Andres na siyang naging assistant director ni Cathy Garcia-Molina sa 2013 comedy-drama.
Magugunitang mainit na tinggap ng publiko ang 2013 film na pinagbidahan nina Toni Gonzaga, Bea Alonzo, Angel Locsin at Shaina Magdayao.
Ang “Four Sisters and a Wedding“ ay umiikot sa istorya ng magkakapatid na sina Teddie, Bobbie, Alex at Gabbie at tumatalakay sa common issues sa loob ng isang pamilya.