TJ BUMANLAG
NAKATAKDANG bumisita sa bansa sa susunod na buwan ang kinakikiligang lead stars ng Netflix Film na “To All the Boys”.
Kumpirma ito ng Netflix Philippines na bukod sa naunang announcement na fan meet ni Noah Centineo ay sasamahan na ito ng kaniyang ka-love team na si Lara Condor.
Pasisiyahin at pakikiligin ng dalawa ang Pinoy fans sa Glorietta Activity Center sa Makati sa February 15.
Magsisimula ang naturang event alas singko ng hapon kung saan paiiralin ang first come, first served.
Ang naturang fan meet ay bahagi ng kanilang promotional activity para sa kanilang film sequel na “To All the Boys: P.S I Still Love You” na nakatakdang ipalabas sa February 12.
Bukod sa naturang netflix event nakatakda ding magsagawa ng hiwalay na event si Noah sa February 16 para naman sa ineendorsong clothing brand.